:))))
(Stacey's POV)
Nagulat kami kanina ni Janelle nung hinihintay namin si Anya sa tapat ng room. Kausap niya yung kuya niya, tapos biglang lumapit si Daniel at hinila si Anya palayo. Di namin alam kung bakit at di rin namin alam kung saan sila nagpunta. Bakit ganun siya, kakakilala lang nila ni Anya ah tapos parang close na sla, samantalang ako...
Matagal na akong may gusto kay Daniel, at sa tingin ko, hindi na to basta crush lang. Feeling ko I'm in love with Daniel Espiritu. Highschool days pa lang may pagtingin na talaga ako kay Daniel. Kaso kahit anong gawin ko hindi niya ako pinapansin. Pero close kami dati, until nagtapat ako ng feelings ko para sa kanya, nawala ang lahat.
*Flashback*
"Daniel, I love you. Matagal na akong in love sa'yo.. Please Daniel, love me too.."
"Stop it Stacey... Kaibigan lang ang tingin ko sa'yo....Hindi kita kayang mahalin."
And from then on, naging cold na siya sa akin. Hindi na siya yung Daniel na naging bestfriend ko...
*End of Flashback*
"Hindi kita kayang mahalin..."
"Hindi kita kayang mahalin..."
"Hindi kita kayang mahalin..."
Damn, ang sakit pa din, kapag naaalala ko yung araw na yun. Parang dinurog yung heart ko. Tapos yung nakita ko pa kanina, alam kong hindi ako dapat mainis kay Anya, wala naman siyang ginagawa eh.
"Janelle, tingin mo ba may gusto si Daniel kay Anya?"- tanong ko kay Janelle
Kumakain kami ngayon sa kainan dito sa labas n school.
"Ha? Eh.. di pa natin masasabi ngayon, ilang araw pa lang nagpapasukan eh, pero hindi naman mukhang malabo na magkagusto yan si Daniel kay Anya, bukod sa mabait siya, sobrang ganda kaya niya."- sagot ni Janelle
Shit ka Janelle, tama bang sabihin yung ganyan sa harap ko? Pwede naman magsinungaling kunyare hindi maiinlove si Daniel kay Anya. Pero tama siya, halos lahat na kay Anya na. Total package na siya sa magiging boyfriend niya.
"Mag move-on ka na kasi Stacey, ikaw din ang mapapagod kakahabol kay Daniel eh, ang dami dami naman diyan." - dagdag niya
"Alam mo namang sinubukan ko nang gawin yan, pero... si Daniel talaga eh.."- sabi ko
Oo, tanga na kung tanga, pero mahal ko talaga si Daniel. Kahit mag-isa lang akong umiibig, hindi ako susuko. Alam ko na dadating ang araw na mapapagod din si Daniel at mamahalin niya din ako.
Pumasok na kami ni Janelle sa next class. Wala pa din si Anya at Daniel. Nakipagkwentuhan muna kami sa mga kaklase naming lalake. Maya-maya, sabay pumasok sa pintuan si Daniel at Anya, at nagtatawanan pa sila ha, mukhang magkasundong magkasundo na.
"Wag mo na akong asarin, sige ka pagtatawanan ko ulit yung kanina" -sabi ni Anya
"Oh hindi na, love na."- sabi naman ni Daniel
"Love mo mukha mo."- sabi naman ni Anya.
Naririnig ko ang pag-uusap nila. At hanggang matapos ang klase, nag aasaran sila.
Hanggang dismissal time wala silang ginawa kundi may tawanan at maghampasan.
:((((( Naalala ko tuloy nung mag bestfriend pa kami ni Daniel, ganyan din siya sakin, at mas sweet pa. hinahatid niya pa nga ako sa bahay dati eh.
BINABASA MO ANG
Excess Baggage
Teen FictionEveryone thought she was perfect. Lahat na ng hinihiling mo sa isang babae ay nasa kanya na. Your perfect girlfriend, the one that you've been waiting for all this time... But wait... Tatatanggapin mo pa din ba siya kung nalaman mong mayroon siyang...