Chapter 7

374 9 11
                                    

:)))))

(Janelle's POV)


Nakatambay kami ngayon ni Anya dito sa tapat ng building, si Stacey, di na siya masyadong sumasama sa amin nitong mga nakaraang linggo, halatang umiiwas. Si Daniel naman, ayun, nakipaglaro ng basketball sa iba naming blockmates, kaya dalawa lang kami ni Anya ngayon.. Wala kaming ginawa kundi magkwentuhan at magtawanan, tapos yung mga lalake sa paligid, mga nakatingin kay Anya, ewan ko sa babaeng ito kung bakit ang ganda...

Bigla namang dumaan si Andrew...

Bigla ko din naalala yung sa grocery nung isang araw, sure talaga ako si Andrew yung nakita ko eh. Alam kaya yun ni Anya? Itanong ko kaya sa kanya? Hmmmm...

"Uy Anya..." - sabi ko

"Bakit?"- sabi naman niya ng nakangiti pa

"May anak na ba yung kuya Andrew mo ha?" - Ako

 "Nakita ko kasi siya sa grocery nung isang araw, namimili ng diaper tsaka gatas."- dagdag ko

Kitang kita ko na nanlaki ang mga mata ni Anya, parang gulat na gulat... ibig sabihin ba nun wala siyang alam? Patay na...

Bigla siyang nanahimik...

(Anya's POV)




"May anak na ba yung kuya Andrew mo ha?" 

 "Nakita ko kasi siya sa grocery nung isang araw, namimili ng diaper tsaka gatas." 

Nagulat ako sa sinabing yun ni Janelle. As in gulat na gulat talaga. Naalala ko nung isang araw nga pala, si kuya ang bumili ng gatas at diaper ni Maya, wala kasi si manang Betty nun. Naku, mukhang mapapahamak pa si kuya ah...

Bigla akong napaisip, dapat ko na bang sabihin kay Janelle? Oras na kaya para may ibang makaalam? Kawawa naman kasi si kuya eh, kung siya mapapagbintangan. Kaibigan ko naman siya at alam kong mapapagkatiwalaan ko siya... Pero paano ko sasabihin? Nag-isip ako..

"Janelle... Sumama ka sa akin sa apartment mamayang uwian." - nagsalita na ako

"Ha? Bakit? DI ba sabi mo ayaw ng kuya mo na may pumupunta sa apartment niyo?" - sabi niya.

Oo, sabi ko sa kanila dati na ayaw ni kuya na may pumupunta sa apartment, pero sa totoo lang, hindi naman, siyempre, baka mamaya may makakita kay Maya, eh kami lang naman nina manang at kuya ang nakatira doon.

Excess BaggageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon