Chapter 9

375 11 3
                                    

thanks for supporting my  story darling :*

:|||||||||||

(Anya's POV)

Totoo ba ito?

Sa totoo lang natatakot akong dumating ang araw na to,

na makikita ko ulit siya...

"You're back." - sabi niya

nakatalikod pa din ako, ayoko siyang tignan, hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin o gawin...

Alam kong wala na akong nararamdaman pa para sa kanya, natabunan na ng galit lahat lahat ng pagmamahal ko...

Hinawakan niya ako sa balikat at pilit na iniharap sa kanya... Nakita ko nanaman ang mukha niya, ang mukha ni Maya. Yung mukha na gustong gusto kong palaging nakikita dati... 

I forced a smile...

"it's good to see you." - ang sabi ko. Nanginginig pa yung boses ko

Ngayon, nagtititigan na lang kaming dalawa... Pareho kaming hindi nagsasalita. 

"Anya, yung baby kanina, yun ba ang anak natin?" - biglang tanong niya

Tama ba tong naririnig ko? Si Luis ba talaga to.... Hindi ako basta basta dapat na bumigay sa kanya, kailangan kong maging matigas, masyado nang masakit ang pinagdaanan ko...

"Natin? Haha.. Anak natin Luis? Naririnig mo ba yung sarili mo? Pagkatapos mo akong iwan sa ere, ngayon sasabihin mong anak natin? Alam mo ba kung anong pinagdaanan ko? Mag-isa lang ako sa lahat Luis! Alam mo ba kung gaano kalaki yung nawala sa akin ha? Alam mo ba? Wala kang alam!" - sabi ko.

Nararamdaman kong tutulo na ang luha ko, pero dapat pigilin ko ito... Hindi nya dapat makita na mahina ako, hindi dapat ako magpadala sa nararamdaman ko.

"I'm sorry Anya... it's just that, hindi lang ako sure nung time na yun... Magulo ang isip ko nun. Anya, gusto kong makita ang anak ko, wag ka namang makipagmatigasan sa akin..." - sabi niya, nag- iba ang tono ng boses niya.... parang naging malungkot.

Tuluyan nang bumuhos ang luha ko... Hindi ako makapaniwala sa mga naririnig ko.. Hindi ito dapat nangyayari... Ito na ba ang tamang panahon para dito?

"Ano, ganun ganun na lang yun Luis? Pagkatapos mo akong ipagtabuyan dati at sabihing baka hindi mo anak yun... Ngayon sasabihin mo kasi hindi ka sure?! You weren't sure?! Don't blame me kung nagmamatigas ako.... Nawalan ako ng mga kaibigan, ng reputasyon, hindi ako mapatawad ng tatay ko! You made me this... Kayong lahat! I am not my old self anymore Luis..." - Ako

Lalong lumakas ang pagbuhos ng mga luha ko. Pagkatapos niya akong pabayaan mag-isa nung mga panahong kailangan ko siya... Ganito na lang? Pagkatapos niya sabihin dati na baka hindi kanya yung ipinagbubuntis ko, nandito siya ngayon harapan ko at sasabihin ang mga bagay na yun...

Hinawakan niya ako sa magkabilang braso...

"Anya, please... I want to see my child..." - Luis

"Bitiwan mo ako." - sabi ko

Pero hindi niya ako binitwan, lalo pa humigpit ang pagkakahawak niya sa akin..

"Anya---" -Luis

Pilit akong nagpupumiglas

"Bitiwan mo sabi ako eh!" - ako

Bumitiw na siya at itinulak ko siya sa dibdib....

"You stay out of my life Luis! You stay out of my daughter's life! Hindi ka na niya kailangan! Nabuhay kami ng wala ka..." - sinabi ko at saka ako tumakbo palayo

Excess BaggageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon