Chapter 5

433 9 2
                                        

:)))))

Nagising ako nung narinig kong umiiyak si Maya. Tinignan ko yung oras, 1:35am. Grabe maya, alanganing oras mang gising. Baka nagugutom... Ayaw naman magdede. (Di po ako nagpapabreastfeed ha, sa bote lang si Maya). Tinignan ko yung diaper, Shoot, puno na pala. Kumuha ako ng diaper sa cabinet at pinalitan si Maya, after ilang minutes natulog na siya ulit.

Okay, ako naman ang hindi makatulog ngayon... Mag mumuni-muni na lang ako hanggang antukin ulit.

"You're a disgrace to this family!"

"I'm so disappointed in you!"

"I want you to leave this house now!"

God, minumulto nanaman ako ng mga salitang yun... Ng mga salita ni papa..

Ayoko na sanang maaalala yung araw na yun eh, yun ang pinakamasakit na nangyari sa akin.

*Flashback*

This is the day na kinatatakutan ko. Ngayon ang dating ng parents ko from Australia, May na ngayon, wala nang pasok. 4 months na din yung tiyan ko, good thing na natapos ko pa yung 2nd year ko, di pa naman kasi masyadong burden yung pagbubuntis ko eh. So, whether I like it or not, it's time to tell them. Pinili ko itong day na to kasi dadating yung parents ko, and nandito din si kuya Andrew.

Tinulungan ko si manang maghanda ng dinner para sa pagdating nila mamayang gabi.

"Handa ka na ba talaga Anya?" -tanong ni manang

Sa ngayon, si manang pa lang ang nakakaalam dito sa bahay tungkol sa kalagayan ko, nabigla din siya nung umpisa siyempre, sino ba namang hindi. Pero, hindi nagbago ang pagtingin niya sa akin.

"Opo manang, kahit ano po ang magiging kalalabasan nito, wala naman po akong magagawa eh, malalaman at malalaman din naman nila." - Ako

"Magtiwala ka lang na magiging maayos ang lahat, mahal ka ng magulang mo, natural lang na masasaktan sila, pero hindi pang habang buhay yun "-Manang

Tumulo na yung mga luha na kanina ko pa pinipigil.

"Salamat po manang, lagi kayong nandiyan para sa akin."- niyakap ko ng mahigpit si manang.

Nagpalit na ako ng damit at nag-ayos. Maya-maya pa, narinig ko na yung sasakyan ni kuya Drew, siya kasi ang nagsundo sa parents namin. Bumaba na ako. Kinakabahan ako. Gusto nang tumulo ng luha ko

Nakita ko na silang pumasok sa pinto.

"Anya! I missed my little girl!"- sumigaw si papa nung nakita niya ako

Niyakap ko si papa ng mahigpit.. Naiyak na ako ng tuluyan.

"What's the matter dear? Bakit ka umiiyak?" - tanong ni papa

"Papa namiss po kita.. sobra..."- sabi ko, pero lalong lumakas yung agos ng luha ko.

Niyakap ko din si mama. at si kuya. Hindi pa nila nahahalata yung tiyan ko.Maliit kasi ata ako magbuntis. pero may umbok na talaga.

Pumunta na kami sa dining room para kumain.

"Anya anak, di ka ba nag eexercise? Parang tumataba ka ah." - biglang sabi ni mama

"Oo ng Anya."- sabi ni kuya

"Ah.. eh.. ano po eh.." - pa utal-utal kong sagot.

Naiiyak nanaman ako. Binabagabag na ako ng konsensiya ko. And before I knew it, umiiyak na ako.   

Tinignan ko si manang, nakita kong umiiyak na din siya, tumalikod siya at pumasok sa kusina.

Excess BaggageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon