:))))))))
(Daniel's POV)
Dahil nga sa goodboy na daw ako, maaga akong pumasok ngayon. Hindi na nagpahintay si Anya sa entrance kasi marami daw siyang dala, sasabay na lang siyang pumasok sa kuya niya. Mamaya pala yung pictorial niya after class, at ewan ko ba kung bakit parang excited din ako.
Dumiretso na ako sa classroom, nandun na yung iba kong classmates, si Stacey, medyo ok na yung aura niya, di na katulad nung mga nakaraang araw, siguro nakatulong din na kinausap ko siya, magiging masaya ako kung makikita ko siyang tuluyan nang nagmo-move on.
Pag-upo ko sa upuan, bigla namang nagsilapitan yung mga lalake kong blockmates. Sina Raph at Jiro.
"Pre, di ata kayo sabay ni Anya ngayon?"- tanong ni Raph
"Ah, sasabay daw siya sa kuya niya eh."- Ako
"Ano pre, naka first base na?"- Raph
"G*go!"- Ako
"Bakit di pa ba? Hina mo naman."- Raph
"Oo nga, kung ako magiging syota ni Anya, papakasigurad na ko, daming naghahabol dun eh."- sabi naman ni Jiro.
"Di naman kami magsyota ni Anya."- sabi ko at pinagbabatukan ko yung dalawa.
Loko din tong dalawang to eh, pero pasimple din silang pumuporma kay Anya paminsan, pero siyempre, inaagaw ko yung atensiyon niya, mahirap na, matinik din sa chicks tong mga to eh, baka maagawan pa ko.
"Tangna mong manyakis ka, kunyare ka pa eh. Bakit di mo pa kasi ligawan, halata namang may tama ka eh." - sabi ulit ni Jiro
"Pakyu pre."- Ako
Bigla namang dumating si Anya, naglakihan naman yung ngiti nung dalawa at nag drawing pa ng korteng puso sa hangin sa harap ko. Paglapit ni Anya sa akin, bumalik na sila sa upuan nila.
"Nice one Daniel." - Raph
Binigyan ko siya ng isang malutong na F.U sign.
Naaamoy ko nanaman yung halimuyak ni Anya, ang bango niya, at yung buhok niya naaamoy ko din habang hinahangin sa direksiyon ko at sinusuklay suklay niya. Oo na, tinititigan ko na siya, di niya naman halata eh.
Pansin ko din na nawala na yung eyebags niya, ang ganda niya lalo, diyosang diyosa. Wala pa siyang make-up pero ang ganda talaga. Ang sarap pakatitigan.
"Huy!"- nagulat ako kay Anya. napansin niya atang nakatulala ako.
BINABASA MO ANG
Excess Baggage
Teen FictionEveryone thought she was perfect. Lahat na ng hinihiling mo sa isang babae ay nasa kanya na. Your perfect girlfriend, the one that you've been waiting for all this time... But wait... Tatatanggapin mo pa din ba siya kung nalaman mong mayroon siyang...