Chapter 10

398 10 3
                                    

:)))))))

(Anya's POV)

Nakuwi na kami ngayon sa apartment, ang aga namin umalis ng Cavite. Ayaw pa nga sana kami paalisin ni mama eh, kasi di pa daw niya nakakasama ng matagal si Maya, pero inexplain ni kuya ang lahat sa kanya, at pumayag na din siya, mas mabuti na daw na umuwi na lang muna kami. Nahihiya din ako kay Janelle, di man lang niya na-enjoy ang pagpunta dun sa bahay namin, pero naiintindihan naman daw niya yung pangyayari.

Hay, tahimik nanaman ang buhay ko. Pero hindi kaya parang ang selfish ko? Parang ipinagkakait ko kay Luis si Maya.... Anak niya rin naman si Maya diba? tsaka kailangan din ni Maya ng ama.. Pero hindi eh, alam kong hindi pa ngayon..

"Maya sorry ha, di kita pinakita sa daddy mo... Ang damot ni mommy noh? Sana maintindihan mo ako balang araw." - sabi ko kay Maya habang nilalaro ko siya sa loob ng kwarto.

Mahal na mahal ko si Maya, siya na lang ang meron ako ngayon, nawala man sa akin lahat ng meron ako noon, si Maya naman ang naging kapalit, at hindi ko siya pinagsisisihan. Gagawin ko ang lahat para maging normal ang buhay niya, at para hindi niya maranasan ang pinagdaanan ko.

*ring*ring*ring*

Bakit nanaman tumatawag tong si Daniel? Kahapon pa to nangungulit ah.

Anya: Hello

Daniel: Hoy Anya! Naiinis na ko sa'yo ha! Kagabi ka pa di nagrereply! Nasaan ka ba? 

Bwisit to ah, lagi na lang "hoy" ang bungad sa akin. Ang daming tanong? Wala nanaman ba siyang maistorbo.

Anya: Ano bang pakialam mo? Humanap ka ng ibang guguluhin mo ha

Daniel: Ikaw lang ang gusto kong guluhin. Namimiss na kita

Miss daw oh! Hahaha. Baliw talaga to.

Anya: Che! 

Daniel: Anya, magkita naman tayo oh

Anya: Ayoko, busy ako

Daniel: Sige na

Anya: Ayoko nga eh

Daniel: Sige ka! manghihingi ako ng records dun sa registrar, kukunin ko address mo, pupuntahan kita dyan sa apartment mo. Ninang ko pa naman yun.

Anya: Ha? Eh... Sige na nga, anong oras ba? 

At nanakot pa ang loko. Baka totohanin niya nga yung sinabi niyang pupunta siya dito sa apartment at baka makita niya pa si Maya, lagot na... Edi naapayag tuloy ako ng wala sa oras.

Sa mall daw kami magkita, corny...

(Daniel's POV)

Yes! ang saya ko, napilit ko si Anya na sumama sa akin sa mall.

Ewan ko nga din kung bakit ko ginawa yun eh.. Basta ang alam ko lang, gusto siyang makita, at di ko na kakayanin pa na hindi siya makita ng isang araw... Corny na kung corny.. Pero tama si ate, kung hindi man love tong nararamdaman ko ngayon, it's something... and I know dun din ang punta nito.

Maaga akong umalis ng bahay 3:00 pm yung sinabi kong oras kay Anya, pero mga 2pm nasa mall na ako, ayoko namang paghintayin siya sa unang date namin... Date na nga ba talaga to?  Ah basta... Siguro naman hindi ako iindyanin nun, subukan niya lang...

Wala pang 3:00 nakita ko nang parating si Anya... Wow, ang ganda... para nanaman akong nanonood ng model na rumarampa. naka shorts siya na maikli at naka blouse na simple lang, pero pag siya ang may suot, ang ganda tignan. Simple but stunning. Yung mga mata ng mga manyakis sa mall, ayun, nakasunod sa kanya.

Excess BaggageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon