:)))))))
(Daniel's POV)
Hanggang ngayon iniisip ko pa din si Stacey. Kung kaya ko lang suklian yung pagmamahan na binibigay niya sa akin, matagal ko nang ginawa yun. Pero hindi ko talaga kaya, hindi ko rin naman pwedeng pilitin dahil mas masasaktan siya. Mabuti nang magmukha akong masama sa ginagawa ko sa kanya ngayon, para din naman sa kanya yun. Sana balang araw maintindihan niya ako at mapatawad...
Magulo ang isip ko na umuwi sa bahay. Masaya ako para kay Anya pero sa kabilang banda, malungkot ako nang dahil kay Stacey...
Papasok pa lang ako sa pintuan nakita ko na si Ate Danica na pasalubong sa akin. Buti naman at nandito siya ngayon.
"Danny boy!!!"- sigaw ni ate habang tumatakbo palapit sa akin
Niyakap niya ako ng mahigpit at tsaka hinalikan sa pisngi. Humalik naman ako sa noo niya.
"Ate naman eh, wag mo nga akong tawaging Danny boy, mamaya may makarinig sa'yo eh." -Ako
"Maarte ka na ha, ganun naman tawag ko sa'yo dati pa eh. tsaka wag mo nga din ako hahalikan sa noo, ginagawa mo akong lola eh." -Ate Danica, kunyare nagtatampo
Kiniliti ko naman siya. At tumawa naman siya ng tumawa. ganito lang talaga kami ni ate, siguro kung wala to, tuluyan na akong nabaliw dito sa bahay.
"Sus, nagtampo naman ang ate kong maganda."- Ako
"Nambola pa tong chickboy na to." - ate Danica
"Nga pala dadating si ate Marie bukas."- dagdag niya
"Si ate Marie?"- tanong ko.
"Yes."- sabi ni ate Danica na todo smile ^_^
Si ate Marie ay ang pinakamatanda sa amin, actually half-sister lang namin siya. Basta...
Umakyat na ako sa kwarto ko para magbihis at magpahinga kaunti. Si ate Danica naman kausap na si mommy sa sala. Parang naexcite na din tuloy ako sa pagdating ni ate Marie, ilang taon na din kami hindi nagkikita, sa London na kasi siya nakatira kasama yung asawa niya. Mabait yun si ate Marie, parang si ate Danica din, mas seryoso nga lang.
iidlip muna sana ako kaso biglang bumukas yung pinto na parang itinulak, at nakita kong si ate Danica nanaman yun. Hyper nanaman siya.
"Ate naman eh,matutulog kasi ako." - Ako
Humiga nanaman siya sa tabi ko.
"Danny... Danny...who is she?" - tanong niya
"Anong who is she?"- Ako
"The girl that mom is talking about. Yung ni-refer mo daw na pasalihin sa pageant."- Ate
Basta mga babae talaga lahat na lang piagchichismisan, yung mommy ko, akala niyo terror yun, pero sa school lang yun, dito sa bahay iba siya, feeling ko nga parang si ate Danica din yun nung bata pa eh,
"Classmate ko yun. Si Anya... Now leave."- sabi ko at tsaka tumalikod para matulog na sana
"Is she pretty? You like her?"- ate Danica
"Yeah, she's pretty.... No, beautiful... Tsk, ate naman eh." - bakit ko nga ba sinabi yun?
Nagulat ako dahil pagdilat ko, nasa tapat na ng mukha ko yung mukha ni ate at nanlalaki ang mga mata niya.
"OH MY GOD DANNY! you're blushing... So, you like her don't you?"- Ate
Blushing? Ako, blushing? NO WAY!
BINABASA MO ANG
Excess Baggage
Teen FictionEveryone thought she was perfect. Lahat na ng hinihiling mo sa isang babae ay nasa kanya na. Your perfect girlfriend, the one that you've been waiting for all this time... But wait... Tatatanggapin mo pa din ba siya kung nalaman mong mayroon siyang...