Chapter 17 (continuation)

355 12 5
                                    

thanks sa idea mo. so dedicated sayo tong chapter na to :*

Hello babies! eto ha, 2 days straight na kong nag uupdate, di ko kayo matiis eh. Gustong gusto ko talaga kapag nagcocomment kayo at nag sesend saken ng PM, lalo kong nafifeel na dapat kong tapusin itong story na to. So eto na...

I LOVE YOU ALL :*

:)))))))))))))))))))))))))))))))

(Andrew's POV)

Kalalabas ko lang galing sa OJT nung tumawag sakin yung professor ko, kailangan daw ako sa university ngayon may aasikasuhin akong requirements para sa graduation. Pumunta naman ako agad sa school at dumiretso sa office ni sir. Inabot din ako ng siguro mga 2 hours din yun, pabalik balik sa registrar at papirma sa kung sino sinong tao sa school. 

Hindi ko na nakita si Anya, baka umuwi na o kaya madami ding inaasikaso. Natapos ko na lahat ng pinapagawa saken at uuwi na ako. Pabalik na sana ako kung saan ko ipinark yung kotse  nang may makita akong isang hindi kanais-nais na mukha.

Anong ginagawa ng hayop na to dito sa campus namin? Nagkita kaya sila ni Anya? Hindi pwedeng mangyari yun. Hindi ako makapag pigil, nagdidilim ang paningin ko, nagkukyom na ang kamao ko. Pinangako ko sa sarili ko na kapag nakita ko ulit ang taong ito, pagbabayarin ko siya sa ginawa niyang pag-iwan sa kapatid ko. 

Nilapitan ko siya at hinawakan sa balikat. Nakita kong nagulat siya nang makita ako.

"Andrew?"- Luis

*BLAAAAG!*

Sinuntok ko siya ng sobrang lakas, napahiga siya sa gilid ng kotseng nasa tabi niya. Hindi naman ako barumbadong tao pero ang alam ko sa ngayon, galit na galit ako. Gusto kong basagin ang mukha niya.

May dugo na siya sa labi at pinunasan niya yun, nakita kong nag init ang ulo niya nang makita niya ang dugo sa kamay niya. 

"GAGO ka ANDREW!"- tumayo siya at ginantihan ako ng suntok, hindi ko na nagawang umiwas.

"BLAAAG!"

 "TARANTADO KA!" Papatayin kitang hayop ka!- Ako

*BLAAAAG!"

*BLAAAG!"

At doon, para kaming mga gagong nagbubugbugan. Kahit na madumihan ako o masugatan, basta madurog ko ang buto niya wala akong pakialam.

Biglang may pumagitan sa amin, si Daniel. Pareho kaming agresibo ni Luis kaya nahihirapan din si Daniel na awatin kami. Pati siya natatamaan na din ng mga suntok namin.

"Pre tama na. Awat na"- Daniel

Awat? Bakit ako titigil? Kahit mapatay ko si Luis ngayon, hindi ko pagsisisihan. 

"Tangina mo! pag nakita ko pa ulit yang pagmumukha mo, babasagin ko na yan!"- Ako

Hindi ko mapigilang hindi murahin ang gagong yun, kulang pa nga yun sa ginawa nya kay Anya eh. Tapos ngayon may gana pa siyang magpakita?

"Kupal ka Andrew!"- Luis

"eh gago pala to eh! Duwag ka! Pag ganito ka lang matapang. Bakit di mo subukang magpakalalake? Ang lakas ng loob mo ngayon, samantalang di mo nga maako yung responsibilidad mo!"- Ako

At nagpang-abot nanaman kami.

*BLAG!" "POW!" "BLAG!"

Bigla marami nang dumating para awatin kaming dalawa. Sa pagkakataong ito, hinawakan na ako ni Daniel sa dibdib para hindi na ako makawala. Yung iba naman si Luis ang inawat.

"Tandaan mo to Luis Franco. LAYUAN MO YUNG KAPATID KO. Sa susunod na makita ko pa kahit anino mo na malapit sa kanya, hindi ko pagsisisihan kung mapapatay man kita."- Sabi ko habang dinuduro sa mukha si Luis

pilit kong inaalis ang pagkakahawak ni Daniel sa akin. Nag-iinit na ang ulo ko, tingin ko sa lahat ng nandito, kaaway.

"Isa ka pa, kung wala kang magandang intensiyon sa kapatid ko, ngayon pa lang, binabalaan na kita." - sabi ko naman kay Daniel. Alam ko naman na umaaligid siya ngayon kay Anya.

Lumuwag ang pagkakahawak ni Daniel sa akin kaya naman nakawala na ako. Pero hindi ko na sinugod pa si Luis. Sinipa ko yung kotse niya at umalis na ako.

Naiwan sila doon. 

Pumasok na ako sa loob ng kotse ko at nagpunas ng mga dugo sa mukha.

Bigla kong naisip. Ano ba ang mga pinagsasabi ko kay Luis kanina? Baka nasabi ko ang tungkol sa anak nila ni Anya?

Baka may nakarinig?

Ang tanga mo Andrew.

Pinaandar ko na ang sasakyan at umalis na ako doon. Kailangan kong umuwi para makausap si Anya.

(credits to GellyMel for the ideas on this chapter)

Excess BaggageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon