Love on Rail: Chapter 1

485 13 5
                                    

Ang pag-ibig ay parang pagsakay sa LRT. Ang matiyagang paghihintay ng iyong turn sa pila na sumasalalim sa matiyaga mo ring paghihintay para sa'yong the one. Ang unang pagpasok sa automatic gates, na sa una'y nakakatanga. Ganun din sa pag-ibig. Sa unang pagkakataong ito'y iyong maramdaman, matatanga ka talaga at halos mababaliw. At ang pinakamahirap na parte, ang paghihintay sa tren. Matiyaga kang tatayo, at pagdating ng tren ay makikipagsiksikan ka. Pero may mga pagkakataong nauna ka nga, pero naitulak ka, naiwan ka tuloy ng tren. Maghihintay ka na naman sa susunod na tren. Ganyan ang pag-ibig, walang katapusang paghihintay. Minsan, worth it ang paghihintay mo, pero madalas, hindi mo alam, naghihintay ka lang pala sa wala.

--

*Arriving at Araneta-Center Cubao Terminal Station; Paparating na sa Araneta-Center Cubao Terminal Station*

Bababa na sana ako ng LRT nang isang pamilyar na boses ang sa aki'y tumawag ng pansin. Agad akong lumingon, at sa kabila ng daan-daang taong lulan nito, agad ko siyang napansin. Nang mga oras na iyon, parang huminto ang oras, huminto ang mga tao sa pagbaba at pagsakay ng LRT, huminto maging ang mismong sasakyan, maging ang tibok ng puso ko'y huminto. Tila naghihintay sa mga susunod na mangyayari.

--

Alas sais y media pa lang pero mahaba na ang pila sa LRT Line 2. Pinagmamasdan ko ang iba't-ibang klase ng tao na sumasakay dito araw-araw. Mayroong mga ordinaryong tao lang, may mga estudyante; may taga-FEU na kulay pula ang buhok, may taga-UST na nakasalamin at nagsusumigaw ang tigyawat sa kaliwang pisngi, may estudyanteng hindi ko malaman ang eskwelahan pero naka-all white na uniform at may braces na alternate pink and black ang kulay, may taga-San Beda na hapit na hapit ang vest na tila mo bibigay na ang mga butones. May mga nagtatrabaho rin; may saleslady ng SM na kung makapag-foundation ay aakalain mong taong-espasol, may professor na nakasalamin at may nunal sa kanang pisngi, dala dala ang kanyang hand bag habang nagbabasa ng Catching Fire (bagets na bagets!). Habang ako, I'm on my usual fishtail braid, suot ko ang personalized shirt kong puti na may retrato ng Deathly Hallows, naka-white na skinny jeans, at gray na espadrilles.

"Saan ho?" tanong ng babae sa cashier. Hindi ko namalayang ako na pala ang nasa unahan ng pila. Haha!

Tumingin muna ako sa listahan ng mga ruta ng LRT pati ang mga presyo nito.

"Isa hong Pureza." saka ako dumukot ng beinte pesos sa bulsa ko at iniabot sa kanya.

"Have a safe trip. :)" bati ng babae sabay abot ng tiket at sukli ko. Hindi ko alam kung magpapasalamat ako. Nakutuban niya kayang first timer ako?

"T-Thank you." nauutal kong sagot. Ibinalik ko ang sukli sa bulsa ko at lumapit sa mga automatic gates. Tumapat ako sa gate na pangalawa sa dulo.

Paano ba ito, tanong ko sa sarili ko. Nag-jeep lang kasi ako nung nag-exam ako sa eskwelahan ko. Dapat pala'y nag-LRT na lang din ako.

Ipinasok ko 'yung tiket ko, pero hindi tinatanggap nung istupidong gate. Binaligtad ko 'yung tiket pero ayaw pa rin.

"Miss, ganito." sabi ng boses sa likod ko. Mahina, pero walang bakas ng hiya. Tumingin ako sa likod ko. Siya pala 'yung nakita ko kaninang naka-all white na uniform at may braces.

"S-Salamat." saka ko pinasok ang tiket at nakapasok na ako sa gate.

"Kuhain mo." sabay ngiti sa akin. Maganda ang ngiti niya, kitang-kita ang pink-black-pink-black nyang braces.

Tumango lang ako at tumalikod na. Para akong nawawalang batang hinahanap ang magulang. Saan ako aakyat? tanong ko sa sarili ko. May dalawang escalators kasi sa magkabilang dulo ng istasyon.

"Saan ka ba pupunta?" tanong niyang muli, nakangiti.

"Sa Pureza, sa PUP."

"Uy! Sakto! Dun din ako nag-aaral! Halika, sabay na tayo." aya niya. Masayang-masaya siya sa pagtango ko at hinawakan na nya ko sa braso. Umakyat kami sa escalator na nasa kaliwa. Pagdating namin sa platform ay wala pa ang tren kaya't nagpasalamat ulit ako.

"S-Salamat pala..ulit." halos pabulong kong sinabi.

"Ha?" tanong niya.

"Wala, sabi ko, salamat." sabay ngiti.

"Wala 'yun. I love helping others. Ano nga palang name mo?" tanong niya. Sa palagay ko ay madaldal itong taong ito. Haha.

"Andy. Andy de Guzman."

"I'm Erica. Erica Garcia. But you can call me Ecka." sabay offer ng kanyang kamay, at kami'y nagshake hands.

Dumating na ang tren, at sumakay na kami. Pumwesto kami sa kabilang pinto ng tren at (kahit bawal) sumandal dito. Nag-uusap naman kami sa byahe, madali siyang pakisamahan dahil mabilis siyang maibagay. Nag-aaral pala siya ng Pyschology sa PUP, first year din siya at nakatira sa may Luzon Avenue. Ako naman, Computer Engineering sa PUP rin. Freshman at nakatira sa Project 8. Bago kami bumaba ay hiningi niya ang phone number ko, at binigay din nya ang phone number niya. Masaya raw kasi akong kausap at hindi raw siya papayag na ito na ang huli naming pagkikita.

Doon nagsimula ang pagkakaibigan namin ni Ecka, na eventually, naging bestfriend ko.

Love on RailTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon