Love on Rail: Chapter 24

65 0 0
                                    

"Jake, Lloyd's acting up again. Where are you?"

"I'm on my way, Mom."

"Manong George, pakibilisan. May emergency sa bahay."

Nanginginig ako sa takot at kaba. Paano kung gawin ulit 'yun ni Lloyd? I can't stand seeing my brother suffer. Pero wala akong choice. Kailangan kong magpakatatag para sa kanya. Ayokong mawala siya. Ayokong mawala si Lloyd. Sa kanya ko humuhugot ng lakas para magpatuloy araw-araw. Lagi akong nagkakaron ng daily realization na sobra kong blessed na wala akong sakit na tulad ng kay Lloyd. Pero si Lloyd, mas blessed sya. Kasi may kuya siyang tulad ko na laging nandyan para sa kanya.

Sa living room pa lang ay nadidinig ko na 'yung iyak ni Lloyd. Nanghihina ako. Kaya ko bang harapin si Lloyd? Oo. Kaya ko 'to. Kakayanin ko. Sa dinami-raming beses na nagkaseizure si Lloyd, hindi pa ba ko nasanay? Hindi pa siguro. Dahil sa bawat seizure ding yun ni Lloyd, nadudurog ang puso ko.

Kailangan kong magmatapang. Kailangan ako ng kapatid ko. Kaya naman dali-dali akong umakyat sa kwarto niya. Yakap siya ni Mommy pero nagpupumiglas siya. Tuturukan na sana siya ng doktor ng pampakalma nang pumasok ako sa kwarto.

"Wag! That won't help."

Tumakbo si Lloyd papunta sa akin nang makita ako. Niyakap ko siya ng pagkahigpit-higpit. Nararamdaman ko ang mga maliliit niyang kamay sa likod ko. Hindi ko napigilan ang luha ko. Basta pagdating talaga sa kapatid ko, hinang-hina ako. Sya ang weakness ko. Pero at the same time, ang strength ko.

Pumiglas lang ako sa yakap ko nang magsalita si Mommy.

"Pagkagising niya, ikaw agad ang hinahanap. Saan ka ba nagpunta?"

"School."

"Meron pa siyang hinahanap."

"Sino?"

"Yung Princess ba yun? Besides your name, yan lang ang naririnig namin sa kanya mula kanina."

Bumaling ang tingin ko kay Lloyd. Patahan na siya at kita ko pa ang pananabik niya sa akin.

"Y-You want to see Ate Princess again, Lloyd?"

Hindi siya sumagot, tumango lang siya.

"I'll call her for you, okay? Have you eaten?"

Muli ay hindi siya sumagot. Umiling lang siya. Sumagot si Mommy bago ko pa man siya tanungin.

"I told you he's acting up again. He refuses to eat unless you're here."

"Pinabayaan mo kase. Kung sana minahal mo si Lloyd, kung sana tinanggap mo siya sa kung ano siya, edi sana kahit wala ako hindi siya sinusumpong!"

"How dare you speak to your mother like that?!"

"Mother? Did you even treat me as your son? Have you ever been a mother to me? To Lloyd? I doubt that, woman!"

Lumabas ako ng kwarto buhat buhat si Lloyd. Kita ko ang takot sa mga mata niya. Hindi ko dapat pinagsalitaan ng ganun si Mommy, lalo pa't nandun si Lloyd.

"Lloyd, that's..that's nothing. Kuya's just..confused. Kuya just want the best for you. Only the best. You..you eat now, and Kuya will call Ate Princess for you, okay?"

Muli, tumango lang siya. Iniupo ko na siya sa upuan at ipinaubaya sa nurse. Lumabas ako ng bahay para itext si Princess. At para na rin magpalamig ng ulo.

Paglabas ko ng bahay, saktong papalabas na rin ang kotse ni Mommy sa gate. GREAT. Takasan mo LAHAT ng problema mo. And you even call yourself a mother? How profound.

Hindi ko kayang tawagan si Princess. Ayokong marinig niya sa boses ko 'yung lungkot. Kaya tinext ko na lang.

"Hi. :) Pwede ka pa ba sa gan'tong oras? Papasundo na lang kita kay Manong George."

"Hmm. Saan ba?"

"Someone missed you. :)"

"Awwww. Anong nakain mo? Ba't ang sweet mo bigla sa'kin? :P"

"Hindi naman ako, eh. Si Lloyd! :P"

"Really? Awwww. :"> MAS sweet. :P Teka, bihis lang ako."

"Bilisan mo. Mag-ingat ka na rin."

"Ano 'yan? Walang ka amor amor 'yung ingat mo!"

"Ingat, amor. :P"

"HEH."

Pinasundo ko na si Princess kay Manong George. Gabi na rin kaya wala na masyadong sasakyan. Mabilis na lang ang byahe. Nagmuni-muni muna ako sa garden namin..kahit madilim na'y may mga ilaw ilaw pa rin namang nakabukas. Nakikisabay sa mood ko.

Nakita ko 'yung paborito kong bulaklak. Gay na kung gay, e sa may paborito akong bulaklak, e bakit ba. Naalala ko tuloy kung bakit ko 'yon naging favorite. Dahil 'yun kay Lloyd, e. Nung inaayos 'tong garden namin, as usual, busy si Mommy sa trabaho, o kung trabaho man ang pinagkakaabalahan niya, kaya ako ang responsable noon sa bahay. Nagpatulong ako kay Lloyd maghanap ng mga bulaklak na itatanim sa garden namin. Tapos, may itinuro siyang isang blue violet na bulaklak. Lima 'yung talulot, at sa lahat ng mga bulaklak na nandoon, yun ang nagstand-out sa'kin. At dahil na rin pinili iyon ni Lloyd, naging espesyal sa'kin 'yung bulaklak. Mula noon, sinabi ko sa sarili ko na ibibigay ko lang ang bulaklak na iyon sa isang espesyal na tao sa buhay ko.

"Tulala lang sa'king kwarto, at nagmu-muni-muni.~ Ang tanong sa'king sarili, sa'n ako nagkamali?"

Nagulat ako. Halos mapatalon ako sa kinauupuan ko nung may kumanta. Di ko namalayang nakatulala na pala ako.

"Kanina ka pa ba?"

"Hmm. Medyo? Nagulat ako, hindi mo napansing dumating 'yung kotse mo. Stupid."

"Mas nagulat ako no! Tara na sa loob. Kanina ka pa niya inaantay."

At naglakad na kami papunta sa loob ng bahay..

"Princess.."

"Hmm?"

Tumingin siya sa akin. Ang ganda niya kahit walang make-up. Prinsesang-prinsesa. ^^,

"Ang ganda ng boses mo."

"Salamat! :)"

"Sana naging boses ka na lang no?"

"ANSAMA MO!" sabay kurot sa braso ko. Hahaha.

Napalingon si Lloyd nang bumukas ang pinto, nanlaki ang mga mata niya at kitang kita ko dito ang kasiyahang nadarama. She did miss Princess. And so do I. :)

 Princess spent pretty much of her visit with Lloyd. Sabagay, bisita naman talaga siya ni Lloyd saka madalas naman kaming magkita ni Princess.

After dinner, umuwi na si Princess, pinahatid ko kay Manong George since sobrang late na.

"Princess, salamat. This means a lot to me..to Lloyd."

"Wala 'yun. Basta para kay Lloyd. Basta para sa'yo. :)"

"Ingat ka...amor!"

"HEH! Ang drama na ng moment, e!" sabay kurot ulit sa braso ko.

Hindi muna ako pumasok ng bahay. Nagstay muna ako sa garden. Tinignan ko ulit 'yung paborito kong bulaklak at nag-isip-isip.

Bakit hindi ko kaya 'to ibigay sa kanya?

Love on RailTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon