Love on Rail: Chapter 21

85 0 0
                                    

“May mali sa ulan na ‘to. Pero hayaan mong protektahan kita mula dito.”

Bakit ko ba ‘to nasabi?

Pagkatapos ng naramdaman kong galit sa nakabunggo sa kanya kanina, parang may mali na. Parang kusang gumalaw yung katauhan ko na protektahan siya. May dala atang sumpa ‘tong ulan na ‘to e.

Basa na kami pareho. Unti unting nawawalan ng silbi ‘tong payong ng babaeng ‘to, habang unti unti namang lumalakas ang hampas ng hangin at ulan. Nararamdaman ko ang panginginig niya. Giniginaw na din ako. 

Hinigpitan ko ang pag-akbay sa kanya. Wala ‘tong malisya. Pero, alam kong kailangan namin ‘to ngayon pareho.

Hayaan mo lang ako.

Bakit parang ang haba ng overpass ngayon? PSSH. Ang hirap hirap tahakin dahil sa ulan na ‘to. 

Ang bagal. Ang bagal bagal.

“Hoy. Feel na feel? Ang bagal ha.”

“H-ha?”

“Haha. Tama nga. Takbo tayo.”

“Tatakbo?”

Sinagot ko na lang ng pagtakbo ko ang tanong niya. Ganun pa rin ang posisyon namin. Nakaakbay pa rin ako sa kanya. Yun nga lang, tumatakbo.

“Ano bang trip ‘to? Dahan dahan! Baka madulas tayo!”

“Ang bagal bagal na nga nitong takbo natin e. Ang slow-mo mo kasi.”

“Heh!”

Pssh. Ang arte kahit kailan. 

Eto nanaman. Ano ba ‘tong babae ‘to? Pagod agad at tumitigil na? Buti na lang at nandito na kami sa kabilang kalsada at nalagpasan na namin ang overpass. 

“Pagod agad?”

“Wala! Tara na!”

Pagkahakbang niya..

“AAAH! Araaaay.”

Mangiyak ngiyak na niyang sabihin habang nakahawak sa kanang paa niya. Sumpa ata talaga ang ulan na ‘to. O malas lang ang babaeng ‘to?

“Anong nangyari sa’yo?”

“Natapilok ako kanina e. Mukhang medyo malala. Hehehe.”

At nagagawa pa niyang tumawa ha? 

Haaay. Pabigat sa buhay. Bahala na. Pabigatin na natin lalo.

“Angkas.”

“H-haa?”

“Ganyan ka ba talaga? Maglinis ka nga ng tenga.”

“A-ano? Aangkas ako dyan?”

“Masakit na po tuhod ko. Huwag pakipot.”

“Pakipot pala e! Ayoko!”

“Aish. Sige. Maglakad ka ha!”

At sinubukan nga ng dakilang pakipot. Pssh.

Katulad ng inaasahan, hindi niya pa kaya.

“Tara na. Yabang mo kasi e.”

“Bahala ka! Mabigat ako ah.”

“Sus. Ayaw pa daw.” 

Inangkas ko na siya sa likod ko. At syempre, sa kanya ko na pinahawak ang payong. Sakto lang naman ang bigat niya. Ah, sadyang macho lang ako.

“Alam mo.. mukha tayong…”

“Ano?”

“Ano, e.”

“Ano nga?” Pahinhin niyang sabi. Kinikilig ata. HAHAHA.

“Mukha tayong mag-amo. Ako ang gwapong amo. Ikaw ang unggoy.”

“HAAAA! Ang kapal kapal mo!!!” sabay batok sa akin. 

“Aba. Ako na nga nagbubuhat sa’yo e. Sige na. ‘Di ka unggoy. BABOY.”

“Ikaw kasi! Patakbo takbo pa! Ayan tuloy! KABAYO.”

“Manahimik ka na nga. Malapit na tayo!”

“Pikon. HAHA! ‘Di na lang magsorry :P”

“Ihulog kaya kita? Sabihin mong gawa.”

“Hmp.”

Talagang iniisip niyang gagawin ko ha? Langya. Sakit sa tenga ng babaeng ‘to. Siya pa may ganang magreklamo. Mga babae talaga. Aish. 

Nandito na kami sa “Karinderya ni Grasya”. ‘Di naman ako kumakain dito e. Trip ko lang ngayon. Pero sabi ng mga kaklase ko, try ko daw dito. Dati pa nila sinabi pero, ngayon ko lang natripan. 

“Karinderya ni Grasya? Favorite mo dito?” 

“First time ko dito.”

“Eh bakit dito mo gusto?”

“Ayaw mo? Eto kasi afford mo.”

“Langya. Ibaba mo na nga ko!”

“Tapos na din ang kalbaryo. Haay. Hirap magbuhat ng baboy.”

“Kalbaryo ng kabayo. HAHAHA!”

“HA-HA.”

Sarkastiko kong sagot. Pumasok na kami sa loob at nagpatuyo muna sandali bago umorder.

Love on RailTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon