Love on Rail: Chapter 8

117 3 2
                                    

L-R-T. Mga letrang muling nagbigay buhay sa akin. Mga letrang nagbalik ng saya sa buhay ko. Mga letra? Hindi. Hindi na lang sila basta letra sa akin ngayon. Noon, ang tingin ko lamang sa LRT ay isang hamak na transportasyon. Pero pagkatapos ng nangyari ng araw na 'yon, naging parte na ito ng buhay ko. Naging susi sa katuparan ng aking mga pangarap.

Pero ano nga ba ang nangyari nung araw na 'yun?

Matatanaw mula sa kinauupan ko sa LRT ang makulimlim na mga ulap sa kalangitan. Punong-puno ako ng pag-asa na magkikita ulit kami. After all these months of searching, makikita ko na ulit siya. Wala akong pakialam kung wala na siyang feelings para sa akin, o kung nagkaroon man. Basta ang alam ko, ito ang tinitibok ng puso ko. Siya ang tinitibok ng puso ko.

*Next station, Pureza; Ang susunod na istasyon ay Pureza.*

Sa muling pag-andar ng tren ay dumapo sa balat ko ang sikat ng araw. Sa paglitaw nito ay ang paglubog naman ng aking pangarap. Pangarap na muling makita siya. Pangarap na masabi na sa kanya ang lahat. At kung papalarin, pangarap na makasama siya hindi lang tuwing sa pagsakay ko sa LRT, kundi sa habang buhay.

*Arriving at Pureza Station; Paparating na sa Pureza Station*

Senyales na siguro iyon. Tama na rin siguro. Ni minsan hindi ko naramdamang nakakapagod maghintay. Ngayon lang. Wala ng dahilan para maghintay pa ako. Wala nang dahilan para muli akong sumakay sa tren na ito. Tapos na ang paghihirap ko.

"Andrea!" pawis na pawis ako nang magising. Pinagmamasdan ako ni Lloyd. Hinabol ko ang hininga ko. Grabe, para akong nagising mula sa isang bangungot.

Nagpunas ako ng pawis at inakay si Lloyd pababa sa dinner table para kumain ng breakfast. Ang ironic ba? Kakain ka ng breakfast sa dinner table. Ha Ha Ha. At naisip ko pa talaga 'yon ha.

Nag-prepare na ako for school at bago umalis ng bahay, hinalikan ko si Lloyd sa noo, just like what I always do. :) Then I went off to UE.

Pagsakay ko sa LRT, grabe. As in GRABE. Yung pwesto ko ngayon, etong-eto 'yung pwesto ko sa panaginip ko. Yung view na nakikita ko, etong-eto rin yun. Ugh. Kumuha na lang ako ng papel at ball pen saka nagsimulang magsulat.

"Mahirap magsulat pag umaandar ang tren" sabi ng babae sa harap ko.

I looked at her and recognized she's one of my block mates.

"Did I startle you?" tanong niya.

"No, not really."

"Oh. How rude. You might not recognize me. I-"

"No, I do recognize you. Princess, right?"

"Oh. You know me. That's..that's.. fantabulous."

"How could I not remember you? You're the class president and prolly the blabbiest student in class."

Pero mukhang hindi ata siya natuwa sa komento ko.

"Oh. I'm sorry. You're blabby, but that's you. And I like it. Smile ka na." sabay hawak sa baba niya.

Aminado ako, nagagandahan ako kay Princess. Maganda naman kasi talaga sya. Brown eyes, matangos ang ilong, maganda ang mga labi, isama mo na pati mga ngipin. May dimples din siya sa kaliwang pisngi. Maputi at makinis ang balat niya. Saka hindi siya nagme-make-up. She is, by all means, a princess.

"Maloko ka pala, ano? Ano 'yung sinusulat mo?"

"Ah, wala 'yun." sabay lagay ng kapirasong papel sa singit singit ng upuan sa tren.

"Sus. Ikaw si Jake 'di ba?"

"Oo. Jake Castillo."

The whole time na nasa tren kami, hanggang sa school ay magka-usap kami. Kung anu-ano lang. Pero never ko siyang narinig na magmention tungkol sa pamilya niya. Sabagay, ok na rin yun. Mapipilitan pa kong mag-open din. Masyado pang maaga.

Kumain kami that day ng sabay bago umuwi. Nakakatuwa kasi since nung pasukan, si Princess pa lang kumakausap sa'kin ng ganito. Yung iba hi, hello lang. Pala-absent rin kasi ako dahil sa kondisyon ni Lloyd. Kaya masaya kong nagkaroon ako ng bagong kaibigan.

Pag-uwi ko'y nilabas ko 'yung draft ng novel ko. Hinahanap ko 'yung part ng ending. Bigla kong naalala, nahulog ko pala 'yun sa tren nung minsan tinawagan ako ni Mommy na nagse-seizure si Lloyd. Hay, sayang. Ganda pa naman ng part na 'yun.

Pangalawang part na ng novel ko 'yung naiiwan ko dun sa LRT ah. Nevertheless, pinilit kong alalahanin 'yung part na yun at nagkwento kay Lloyd. Nang hindi pa siya makatulog ay kinantahan ko siya nung lullaby niya na inimbento ko lang. At yun, nakatulog na siya. Matutulog na rin ako. Hay pagod.

(Princess at the right)

Love on RailTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon