Love on Rail: Chapter 11

69 0 0
                                    

"Princess, sabay tayo uwi. :)" aya ko sa kanya.

"My oficer's meeting pa kasi kami, e. Mauna ka na. Sorry, babawi na lang ako."

"Di. Hihintayin na lang kita."

"You sure? This will take time."

"Oo. Sure ako."

Pumasok  na si Princess sa CS 302 tapos ako, naghintay lang sa labas. Nagsulat na lang ako. Nabaliw na 'ko, kinausap ko si Andrea, 'yung karakter sa nobela ko.

"Naguguluhan ako Andrea. I'm lost."

Nakatitig lang ako dun sa papel. Oo, gulong-gulo na ako. Hindi ko alam kung saan. Hindi ko alam kung bakit. Tama nga yata, nawawala ako.

Ilang sandali pa'y lumabas na ang officers sa CS 302. Huling lumabas si Princess.

"Sorry I kept you waiting."

"It's fine. Kain muna tayo?"

"Basta ba treat mo."

"Ikaw talaga! Sige na, ako naman nag-aya, e." Yun lang ang hindi ko gusto kay Princess. Very straightforward siya. Sinasabi niya kung ano ang gusto niya. Gusto ko kasi sa tao 'yung may pagka-mysterious effect.

Kumain kami sa Jollibee since 'yun ang pinakamalapit na fast food. Ha ha ha. Napansin ko tingin siya ng tingin sa oras kaya nag-aya na akong umuwi.

"Hatid na kita."

"Oh, no. Out of the way ako. Mala-layo ka pa."

"Okay lang sa'kin."

"Wag na. Umuwi ka na, I insist."

"Okay. See you on Mondy, then."

"Bye. Thanks for the treat."

At umalis na si Princess. Ang cold niya bigla. Di siya madaldal. Mas gusto ko siya sa ganung mood.

Tumingin ako sa oras, rush hour na pala. Sigurado, siksikan na to. I better get going.

Marami ng tao nung dumating sa Legarda Station kaya nakatayo na ako. Pagdating sa Pureza, aba, nagtutulakan yung mga tao. May babae tuloy na nabunggo sa dibdib ko. Oopps, awkward. Magkaharap kami. Medyo nabadtrip lang ako kasi feeling ko sinisinghot niyang lahat 'yung amoy ko. Saka sinasadya nyang mabangga sa'kin. GRABE. Tapos bumuhos 'yung ulan. Mas nakadagdag pa sa badtrip ko. Walang payong 'yun si Princess, e. Tsk. Dapat kasi nagpumilit talaga ko, e. Bumalik yung atensyon ko dun sa babaeng kaharap ko nung tumingala siya. Umiwas ako ng konte kase muntik na niya akong mahalikan. Grabe 'tong babaeng 'to ah. Desperada lang? Sorry ka 'teh natyempuhan mo 'ko sa bad mood ko.

*Arriving at Araneta-Center Cubao Terminal Station; Paparating na sa Araneta-Center Cubao Terminal Station*

Aaahhhh. Yes, those words. Finally.

Nagkatulakan ulit paglabas at natulak 'yung babae sa harap ko. Nawala siya sa balanse kaya humawak sa flannel ko.

*ccrrkkk*

Awtsu. Napunit ang flannel ko. What the heck. This girl is a walking disaster. Nagmamadali akong umalis at hindi na hinintay ang paumanhin niya. Pero tinawag niya ako at hinabol. Bumalik ang tingin ko sa kanya. Nanlisik mga mata ko pagkakita ko sa kanya. Nakita kong nangingig sa takot 'yung babae. Aba dapat lang. Tss. Lumapit ako ng dahan-dahan hawak pa rin ang punit ng flannel ko..

Love on RailTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon