Love on Rail: Chapter 15

69 0 0
                                    

Oo. Hindi ako pwedeng magkamali. Sabi ko na nga ba. Sya yun! Sya yung babae sa ticket vending machine! What a coincidence. Kailangan ko siyang mahanap ulit. May utang pa 'yun saken. Yung piso. Yung piso sa vending machine!

"Manong, dito na lang po." sabi ko sa taxi driver. Umakyat na agad ako sa kwarto. Wala si Lloyd. Tinignan ko sa kwarto ko, wala rin. Sa kwarto ni Mommy, wala rin. Nakarinig ako ng kalabog sa CR.

"Lloyd." bulong ko sa sarili ko. I started to panic.

Hindi nakasara ang pinto ng CR, half-open ito. Pumasok agad ako. I saw Lloyd, bumping his head on the wall, crying his heart out.

"What are you doing?!" agad akong tumakbo sa kanya at niyakap siya. Hinalikan ko ang parte ng ulo niya na inuuntog niya. Nagsisimula na itong dumugo. Bumaba ako sa maid's quarter.

"MGA WALA KAYONG KWENTA! Bakit hindi nyo binantayan?! Tawagan nyo si Dok! Mga walang kwenta!"

Binalikan ko si Lloyd na ngayo'y nasa kwarto na niya. Nilagyan ko ng cold compress ang ulo niya. Umiiyak pa rin siya. Humuni ako ng paborito niyang lullaby. Nang kumalma siya'y saka ko lang siya kinausap.

"What happened, my little angel?" pinipigil ko ang pagpatak ng mga luha ko.

"I...want...to..die.." nadurog ang puso ko. Sa pitong taong pakikipagbuno ni Lloyd sa sakit niya, ngayon niya lang ito sinabi.

"No, no, no. You have a dream, right? You want to be a doctor, don't you? You'll be Dr. Castillo and Mom and I will be so proud of you. Very proud." pigil pigil ko pa rin ang mga luha sa mga mata ko. Pero hindi ko na makayanan.

"They said..how can..I cure..some..some..one..if..if..if I..myself..could not..could not cure..myself. They said..I will..never be.. a.. a doctor..they said..I am..retarded.." tuluyang gumuho ang mundo ko. Lloyd, my 10-year-old brother wanted to die because of those bastards. Those heartless douchebags. They don't know a thing. They don't know how it feels. Ginusto ko ba 'to? Ginusto ko bang gumising sa gabi dahil nagse-seizure si Lloyd, halos mamamatay na sa harap ko, at wala akong magawa, kahit na ano, wala akong magawa para matigil 'to. And now, how would you like it, hearing your innocent and naive brother that he wants to die?

"Lloyd, you are my everything. Mom and I love you so much. Don't mind those people. They're just..they're jealous because they don't have dreams in life.They don't have anything to look forward to. Tell you what, you calm down, you sleep now, then tomorrow when you wake up, you're a doctor na."

Napunasan ko ang luha sa mga mata ko, pero hindi ang sakit na nararamdaman ko.

Hindi ako nakatulog nang gabing iyon. Naalala ko 'yung babae kanina sa LRT. 'Yung tawa ko nun, ngayon lang ulit ako tumawa ng ganun. Yung masaya, yung totoong masaya. Tapos ngayon naman, para akong pinagsakluban ng langit at lupa sa bigat ng nararamdaman ko. Yung thought na pwedeng gawin ulit yun ni Lloyd, at matuluyan siya, I couldn't stand it. Mahalaga sa'kin ang kapatid ko. Ayokong mawala siya.

(Lloyd at the right)

Love on RailTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon