Love on Rail: Chapter 12

67 1 0
                                    

Hinabol ko 'yung lalake. I owe him an apology.

"Kuya!" sigaw ko. Lumingon siya, nanlilisik ang mga mata. Dahan-dahan siyang lumapit sa akin, hawak ang punit sa damit niya. Nanginginig na tuhod ko. Gusto kong mag-collapse, kahit kunwari lang basta't matakasan ko siya. Kasabay ng mga kulog sa kalangitan ang kulog din sa buong pagkatao ko. Baka ipakulong niya ko. Pero wait, may kaso bang nasasampa para sa pagpunit ng damit? Augh. Takasan ko na lang kaya? Tear and run ang peg ng lola mo! Pero hindi, e. Hindi ko ugaling takbuhan ang mga problema. And yes, by his look, I seriously think this is a major problem. Pero ang OA niya. Damit lang naman napunit ko ah.

Ayan na, ang lapit na niya. Tapos bigla siyang ngumisi.

Anong ibig sabihin non?

Sisigaw na ba ko ng "rape"?

Sa isip ko'y tinatawag ko na ang iba't-ibang santo para tulungan ako. Aaaaaahhh.

Patuloy siya sa pagngisi at bumuka ang kanyang mga labi.

"Miss, joke lang. Natakot ba kita?" sabi niya na may halong angas at yabang.

Gusto ko siyang sapukin ng oras ding 'yon. Gusto kong magsumigaw. Gusto kong umiyak sa kahihiyan, kahit na kaming dalawa lang ang nakakita ng nangyari. Gusto kong umiyak sa inis. Napaka-presko ng taong ito! Hindi ko alam kung bakit nabubuhay pa ang mga nilalang na tulad niya! Putek! At ang mas nakaka-jirits pa don, tumawa lang siya nang tumawa nang tumawa. Munggago. Sa isip ko, sana mamatay ka sa kakatawa.

Sa sobrang inis ko, hindi ko na kaya pang makita o marinig man lang siya. Tumalikod na ako at umalis na. Pero may isa pa pala kong napansin. He looks familiar.

"Wait lang Miss, you owe me something." pigil niya. Ang presko presko pa rin ng tono niya. Kapag ako hindi nakapagpigil mamumura ko 'tong taong 'to.

"Ano?" hindi ako lumilingon. Nakatalikod pa rin ako sa kanya. Di ko maatim na tignan siya.

"My flannel. You tore it off." Umi-English pa si tanga. Bwisit!

"So how could I make it up to YOU, mister?" tumawa lang siya sa sinabi ko. Bakit? Mali ba grammar ko? Oy, may English Proficiency Award 'to nung Highschool.

"Teka teka. Bakit parang ikaw pa ang galit? Tss. Mga babae nga naman." At sinong hindi magagalit sa ginawa niya? Ginawa niyang joke yun? Shet langs. At sinong hindi MAS magagalit sa sinabi niya? Paki-ulit nga? Mga babae nga naman? Aba aba. Hinahamon ako ng lalakeng 'to. Baka 'di niya alam, Roles of Women in the Society ang topic ng research ko nung Highschool. Masyado niyang minamaliit ang mga kababaihan.

"Don't address us in general. Sa halos 3 billion na babae sa buong mundo, ilan pa lang ba ang nakikilala mo? Kung sabagay, muka kang playboy." Hirit ko sa kanya. Talagang inis na inis na ko sa kanya. Napakahangin. Pati ata utak nito, hangin na rin ang laman. Take note, pati ata puso.

"Ganyan na pala ang mga babae ngayon? Judgemental." Mukang china-challenge ako ng isang 'to ah. Marami ata akong baon.

"So, ganyan na pala ang mga kalalakihan ngayon? Mapaglaro." Well? Anong say nyo mga 'te? Sa PULA, sa PUTI? Bet na! Hahaha!

"Pizza tayo, treat mo." Aba, at parang binale-wala niya lang ang winning line ko. Yun na yun, ako na ang panalo. Wala na siyang maihirit, e. Pero teka, ano yung sinabi niya? Pizza? Treat KO? Mukha niya! Si Ecka nga hindi ko nagawang ilibre ni soft drinks. Tapos siya, pizza pa gusto? Asensado!

"Why would I?" Napa-Englishening tuloy ako sa mga pangyayari. Sakit sa braids!

"Ooppss.." sabay pakita ng laylay na punit ng damit niya. Tengene ni kuya.

"Damit ang napunit ko. Maipantatapal mo ba dyan 'yung pizza?!" Well~ Para siya ngayong lababo. BA-RA-DO.

"Just..let's go!" Sabay hila sa akin pababa ng escalator.

Gusto kong magpumiglas. Gusto ko siyang sampalin. Gusto kong bigla na lang humiyaw ng "rape!". Pero lahat ng 'yon hindi ko nagawa. Nagpadala lang ako sa kanya. Nagpadala ako sa emosyon ko. Bakit kaya? Dahil lang ba he looks familiar?

Love on RailTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon