Love on Rail: Chapter 7

151 4 1
                                    

Ang pag-ibig talaga, parang tren. Wala itong kasalanan kung maiwan ka nito, hindi ka kasi nagpe-pay attention. O kung minsan naman, on purpose tayong nagpapaiwan. Marahil ay puno na, o di kaya'y trip lang natin. Pero hindi 'yun uubra. Ipipilit at ipipilit ng guwardiya na pumasok ka sa tren. Katulad na katulad ng pag-ibig. Kapag nalampasan ka nito, sorry ka. Hindi mo kasi pinagtutuunan ng pansin. Abala ka sa ibang bagay. Minsan naman, sadya mong pinipilit ang sarili na wag itong maramdaman. Marahil ay may laman ng iba at ayaw mong makasakit, pwede rin namang trip mo lang. Pero sa bawat trip na 'yan, may dahilan.

--

Unang beses kong maiwan ng tren. Ang sakit pala, ano? Kasalanan ko rin naman, nagpadala ako sa bilis ng mga pangyayari. Ano ba kasing problema nung lalaking 'yun? Ah! Baka taeng-tae na.

"Nababaliw na be?!" gulat na tanong sa'kin ni Ecka nang hindi ko mapigilang humagikhik sa naisip ko.

"Hinde. May tinga ka pa kasi friend!" palusot ko. Pero meron naman talaga siyang tinga galing sa crust ng pizza na aming minerienda kanina.

"Ay sheep!" sabay halungkat ng bag niya at kinuha ang salamin at toothpick.

"Ecka..." halos nagdadalawang-isip pa ako kung itatanong ko ba talaga.

"Hmm?"

"Naniniwala ka ba sa destiny?"

"Oo. Kaya nga may the one, e. Siya 'yung destined para sa'yo. Siya 'yung soulmate mo. Siya ang prince charming mo, ang iyong knight in shining, shimmering, splendid armor!"

Tahimik lang akong tumango. Pinakikiramdaman ko ang sarili ko. Kung itatanong ko ba, o kung may tanong pa ba ako. O kung bakit ganito na lang ang hiwagang nararamdaman ko sa panaginip ko.

"Ecka.. tell me about dreams."

"Oooh. Dreams, interesting. Dream kong makapunta ng Paris, kasama ang aking the one."

"Shonga! Dreams! Panaginip 'teh, panaginip!"

Humagalpak siya ng tawa sa sandaling humiliation. Pero okay lang naman, kaming dalawa lang naman sa bahay. At nagsimula siyang maglecture.

"Pag napapanaginipan mo ang isang tao, ibig sabihin madalas mo siyang iniisip. Or pwede rin namang nirerepress mo 'yung nararamdaman mo sa kanya. Minsan napapanaginipinan mo rin sila kasi pilit mo silang kinakalimutan. Kapag kasi kinakalimutan mo 'yung tao, o nirerepress mo yung feelings mo para sa kanya, napupunta siya sa unconcious mind mo. At yun ang gumagana kapag natutulog ka. Thus, nakikita mo sila sa panaginip mo."

Sandali siyang huminto sabay ngumisi at sinabing "So, alin dun sa tatlo?"

"Napanaginipan ko si Jake." tulala kong sinabi kay Ecka. Alam nila ni Ace na gumagawa ako ng nobela. Alam rin niya kung sino si Jake sa buhay ko. Yun nga, siya 'yung aking the one.

"Hindi lang basta si Jake." pagpapatuloy ko. "Ako mismo si Jake. At nakita ko ang sarili ko sa perspective ni Jake."

"Di ba ganun naman kayong mga writers? Buti ka nga napapaniginipan mo lang, 'yung iba nga e nakakasalamuha pa. Kasama kahit sa'n."

 "Since then, hindi na ko matahimik. Feeling ko siya rin si Kuya Manong Mysterious Writer."

"Posible. Pero ano ka ba, panaginip lang 'yan, isipin mo na lang na sa isang tulugan nagkakaron ka ng 100+ na panaginip, pero iilan lang ang natatandaan mo! Kaloka ka be."

"Exactly. Bakit ito 'yung natandaan ko?"

"Opinion ko lang ano" paliwanang ni Ecka. "Since dreams are found in our unconscious, 'di natin sila maalala kapag nagising na tayo. At yung mga panaginip kasi, sabi ko nga kanina ay repressed desires and wishes natin. Psychodynamically speaking, yung desires na yun, since repressed sya, traumatic kapag napunta sa conscious natin. Kapag naaalala natin, siguro yun din yung times na nape-penetrate nung repressed desires yung conscious natin kaya nagiging aware na tayo kung ano yung napaginipan natin."

--

Madalas na iniisip? Check.

Pilit na kinakalimutan? Check.

Repressed desires? Check na check. Corrected by.

Love on RailTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon