Love on Rail: Chapter 9

95 0 2
                                    

"Guys, kinikilabutan ako." may halong panginginig sa boses ko sabay hawak kay Ecka, tila matutumba ako sa kinatatayuan ko.

"Bakit be?" alalang usisa ni Ecka.

"Dito. Dito mismo sa pwestong 'to. Dito ako nakatayo nun sa panaginip ko. Mula rito sa kinatatayuan ko, dito ko nakita yung sarili ko. Dun-" sabay turo sa harap ko. "Dun ko nakita yung sarili ko. Yung fishtail braid ko."

"Halika nga, o ayan. Bago na ang pwesto natin." sabay hila sa akin ni Ace sa kailang pinto.

Napaupo na lang ako habang kinakaba-kabahan pa rin. Lumilinga-linga sa paligid na parang baliw. Hanggang sa may napansin ako sa bandang kaliwa ko. May papel na nakaipit sa may likod ng upuan ng tren. Kinuha ko ito at binuklat.

"Senyales na siguro iyon. Tama na rin siguro. Ni minsan hindi ko naramdamang nakakapagod maghintay. Ngayon lang. Wala ng dahilan para maghintay pa ako. Wala nang dahilan para muli akong sumakay sa tren na ito. Tapos na ang paghihirap ko.

"Andrea!"

--

Naitapon kong bigla ang papel. Kinabahan akong muli. Nandoong muli sa papel ang pangalan ko. Nandoong muli ang pirma ni JCC.

"Napa-paranoid ka lang. Baka gawain talaga niya 'yan. Ang hirap kasi sa'yo, mausisa ka." sermon ni Ace.

"Masisisi mo ba 'yung tao? E destiny na ang naglalapit sa kanya sa kanyang the one. Palibhasa nagseselos ka." sabi ni Ecka kay Ace.

"Tama na, guys. Baka nga napa-paranoid lang ako." sinabi ko na lang para matigil na, pero kinakabahan pa rin ako.

*Arriving at Araneta-Center Cubao Terminal Station; Paparating na sa Araneta-Center Cubao Terminal Station*

Balisa ako sa bus hanggang sa makauwi sa bahay. Pag-akyat ko sa kwarto ko, kinuha ko 'yung heart-shaped box (at the right) na pinaglagyan ko ng unang sulat. Binasa ko ulit ito. Medyo konektado sila nung pangalawa pero malabo pa sakin ang lahat.

Pinipilit kong matulog, pero hindi ako inaantok. Sa tuwing ipipikit ko ang aking mata, nakikita ko yung panaginip ko. Yung panaginip kong nakikita ko ang sarili ko. Yung panaginip kong nasa ibang katauhan ako.

Hindi ako makatulog.

Love on RailTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon