Love on Rail: Chapter 16

71 1 0
                                    

Naputol ang usapan namin ni Ecka nang marinig namin ang yabag ng mga hakbang ni Ace. Lumabas na kami ng CR at hinintay na rin namin si Ace na matapos. Sabay-sabay na kaming bumalik sa kwarto.

"Dibide, dibide!" sigaw ni Ecka na nagpagising sa mga diwa namin.

"Movie Marathon tayo, walang tulugan mga be." aya nito.

Si Ace ang pumili ng palabas. Bangkok Traffic Love Story. Ang kwento ay umiikot kay Li, isang dilag na nagpapaka-desperado na sa pag-ibig dahil siya na lang ang hindi pa nakakapag-asawa sa kanilang magkakaibigan. Makikilala niya si Loong na siyang engineer ng BTS, katumbas yun ng LRT sa atin. So apparently, sa tren ang setting ng storya.

Pagkasimula pa lang ng palabas, nakatulog na agad si Ecka. Daya! Kami ni Ace nasa sahig, nanonood at umiinom pa rin. Hindi kami nagkikibuan ni Ace, lalo na't may conclusion na akong sya si Kuya Manong Mysterious Writer, kahit wala pang concrete na ebidensya.

"Andy.."

Tinignan ko si Ace. Patay ang ilaw sa kwarto at tanging ang liwanag lang ng buwan at ang liwanag na nagmumula sa TV ang nagsisilbing ilaw namin. Pinagmasdan ko siya. Totoo nga ang sabi ng iba, nakakagwapo ang alak. Dahil ba sa hilo na ako? Hahaha. Pero, ngayon ko lang nausisa ng ganito ang muka ni Ace. Ang gwapo niya.

"Andy.." noon ko lang narealize na kinakausap niya pala ako.

"Hm?" bumaling muna ang tingin niya kay Ecka, siniguradong tulog ito. Saka tumingin sa palabas, saka derecho sa mga mata ko.

"Don't you think that the movie has a great resemblance to our story?"

"Our storyOur? Walang tayo, Ace. Malinaw sa'yo yan."

"For you it's wala lang, but for me it's--"

"It's not what you think it is, Ace. Love is the most absurd thing in life. Malabo, hindi mo kayang intindihin. What more kung maramdaman mo na?"

"Nararamdaman ko na nga, e. Hindi naman malabo."

"Ikaw mismo malabo, Ace. Ni hindi malinaw sa'kin kung anong nararamdaman mo."

Then he looked at my eyes. Swimming through my very soul.

Silence..

Silence..

Deafening silence..

"Mahal kita, Andrea."

When he said that, the letters of JCC flashed through my mind. Sheep. >.<

Awkward silence..

"Sobra ka na, Ace."

"Ha?"

"Sobra na sa alak."

"See, ni hindi mo kayang seryosohin."

"Kase.."

"Kase may mahal ka ng iba."

"Enzo was my bestfriend even before we got into a relatioship.." I paused. Pinapakiramdaman kung may luhang tutulo, then I resumed. "Then we broke up. Nawala yung friendship namin, Ace. Yung apat na taon kong pinangalagaan, nawala. Nasayang. Parang thesis na pinaghirapan mong iresearch at itype ng limang buwan tapos itatapon lang sa basurahan ng balahura mong professor. Pero may rason kung bakit nangyari yon. Para ako matuto. Para hindi ko na ulitin. Para hindi na ulit ako magmahal ng bestfriend. Kasi masakit."

"Pero-"

"Pero hindi mo ko sasaktan? Pero aalagaan mo ko? Ace, akala mo ba hindi sinabi sa'kin ni Enzo yan? Higit pa jan ang sinabi niya. Higit pa, Ace."

"Sarado yung puso mo sa pag-e-entertain ng bisita, e. Kalimutan mo na si Enzo, Andy. Kalimutan mo na yung nagawa niya."

"Para ano? Para masaktan ulit ako?"

"Andy, bakit ganun? Habambuhay na lang ba ako magiging outlet ng feelings mo para sa iba?"

"Nasa sa'yo naman 'yun Ace. You could be that, or you could walk out of my life. Find someone new. Someone who'll love you back."

"Andy.."

"Bestfriends, Ace. That's all we could ever be."

Humiga na ako sa kama sa tabi ni Ecka at si Ace naman ay lumabas ng veranda.

"I heard everything." bulong ni Ecka. "Ang ingay nyo, nagising ako. Akala ko nga nagdu-do kayo."

"Gago.."

"Oh, ano ka ngayon be?"

"Lakas pala talaga ng tama niya sa'kin, ano?"

"I told you. Ay be, naisip ko lang no, he can't be Kuya Manong Mysterious Writer."

"Bakit naman?"

"Remember when you got the first letter? You were alone, right?"

"Oo."

"We were together the whole day. May klase kami nun."

Akala ko mission accomplished na ko sa paghahanap kay Kuya Manong Mysterious Writer. Siguro kasi hindi naman ako gumagawa ng effort talaga para mahanap siya. I need a sign..

"Pag may nakita ulit akong letter sa LRT, hahanapin ko na siya."

Love on RailTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon