Love on Rail: Chapter 33

48 0 0
                                    

"Ayos Andy ah. May deal deal pa sa unang magbababa." sabi ni Ace

"Oo nga beh! Ano? M.U, M.U? Ang kati niyo!" 

"Grabe! Dapat pala hindi ko na niloudspeaker. Napapahiya naman ako sa inyo."

"Hahahaha!" tawanan nung dalawa.

"O siya siya. Bale, anong lagay?" 

"Anong lagay, Ace? Hahaha!"

"Ano pa ba. Yung ano, sa inyong dalawa.."

"Ano ba. FRIENDS, okay? Huwag niyo nga lagyan ng malisya."

"Ang plastic mo beh! Peste ka. Hahahaha!"

"Che! Totoo naman. Pero, sorry na kung medyo kinikilig ha! E, wala naman 'to. Normal lang na kilig. Normal na kakirehan lang."

"Normal na kilig? Kahit na. Kinikilig ka ba sa taong hindi mo gusto?"

"Ah.. Ano. Ano ba! Pwede! Pero.. sige na nga. Oo. Siguro, gusto ko siya. Pero, hindi naman na, in THAT way. Okay? Nadadala lang siguro ako sa mga nangyayari tuwing nagkikita kami."

"Hmm. I understand you, Andy. Kasi, pwedeng puppy something lang yan, 'di ba? Or yun nga."

"Ewan ko ba sa inyong mga babae. Kilig kilig, 'di naman pala ganun kagusto. Kilig kilig na lang minsan habol."

"Hindi naman sa kilig yung habol namin Ace noh. Sadyang, mahilig lang kayo magpakilig ng babae! Kahit hindi niyo naman gusto.."

"Oo nga! Tama. Tama si Ecka!!"

"Oh? Pinagtulungan niyo naman ako, porket dalawa kayong babae. Eto lang yan e. Ganun talaga. Kayo kasi, sa aming mga lalake, normal lang yun. Kayo lang naglalagay ng malisya. Tapos, masasaktan kuno kayo."

"Grabe youuuuuuuuuuuuuu!"

"Oh baket? Totoo kasi."

"Hindi naman sa lahat ng oras noh! Kasi kayo, pa-fall!"

"Aba aba. Kami pa ngayon. Kayo kasi, feelers!"

"Oh. Sige, magkakapikunan na yan oh! Hahaha! Go Eckaaaa! Go Ace!"

"ANDY!!" sabay nilang tingin at sabi sa 'kin.

"A-anong nagawa ko?"

"Ikaw nagsimula nito e!"

"Kukunsintihin mo pa kami magkapikunan."

"Hahaha! Kayo naman oh. Nangsasabi lang ako ng feelings, nag-away na kayo."

"Pssh. 'Di kami nagaaway. May pinaninindigan lang. "

"Anyway, back to your story Andy." sabi ni Jake.

"Ay? May kinukwento pala ako? Haha!"

"Hahaha! Ikaw naman beh. Okay na. So, you're saying na, wala lang yang kilig na yan? Hanggang kilig kilig lang?"

"Oo. Ganun."

"Hmmm. Ikaw lang makakapagsabi niyan e. Ikaw nakakaramdam niyan. Kung 'di ka sigurado, e 'di go lang. Wala naman sigurong mawawala. Kung sa tingin mo e kilig lang yan pero less than infatuation, e 'di go. Friends lang naman kayo ni Jake sa ngayon, after all. At ayun na nga, kakakilala niyo pa lang. So, have fun! Stop complicating things. Kung kinikilig ka, labas mo! Tapos kapag sa tingin mo e iba na yan, andito lang kami ni Ace. 'Di ba, Ace?"

"Yeah."

"Uhmmm. You're right. Sige sige. Kung ano nararamdaman ko, lalabas ko lang. At bahala na kung saan pa tumungo 'tong friendship namin kung meron man kami 'nun. Kung hanggang dito lang, fine."

Love on RailTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon