Love on Rail Chapter 6

139 2 8
                                    

Paano nga ba nakaka-move on ang isang taong nasaktan ng lubos? Paano niya haharapin ang bukas na wala na ang kanyang pinaka-iingat-ingatan? Paano siya magpapatuloy gayong wala na siyang inspirasyon? Sa pagkawala ng taong minamahal mo, para ka na ring nawala. Hindi na makabalik, hindi na alam ang daan. Sa pagkawala ng taong pinakamamahal mo, hindi mo na alam kung saan paparoon. Nawala na ang iyong direksyon sa buhay.

--

Tanging pagsusulat na lang ang natatakbuhan ko sa tuwing ako'y may problema. Sino ba naman puwede kong makausap? Masalimuot ang buhay ko. Puro problema.

Hiwalay ang parents ko. Si Mommy, laging busy sa pagpapatakbo ng restaurant namin. Si Daddy, hindi ko na alam kung nasaan siya, e. One thing's for sure, may iba na siyang pamilya. Dalawa lang kaming magkapatid ni Lloyd. Hindi ko rin siya makausap ng maayos kasi hirap siyang magsalita. He was born with autism. This disability affects the brain's normal social and communication skills. Kaya wala siyang kaibigan. Ni isa, wala. Iba ang tingin sa kanya ng tao. It breaks every fiber of my being whenever I wake up in the middle of the night and I see my brother having a seizure, dying in front of my eyes, and I can't do anything to help it. Simula nung una niyang seizure, hindi na ako umalis sa tabi niya. Doon na ako natutulog sa kwarto nya. Nawalan na ako ng social life, pero okay lang. Mas mahalaga sa'kin ang kapatid ko.

Pero kahit ganon ang sitwasyon niya, pinagtatakahan pa rin nila kung bakit hindi raw ako kumuha ng Medicine sa kolehiyo. Advertising Arts kasi ang kinuha ko. Mahilig akong mag-drawing at aminado naman akong magaganda ang mga ito. For once, gusto kong sundin 'yung puso ko. Kung ano 'yung gusto ko. The last time na sinunod ko ang puso ko, naging masaya ako. Hiniwalayan ko 'yung babaeng akala ko mamahalin ko na panghabang buhay. Hanggang sa nakaramdam ako na unti-unti akong nasasakal, at hindi ko 'yon gusto. Bumigay na ang puso ko sa kanya. And it turned out to be good, tumaas ulit yung grades ko, at nag-exam ako sa University of the East at nakapasa rin ako sa scholarship.

--

"Jake, anak, inaatake si Lloyd. Umuwi ka na.' nanginig akong bigla. Wag Lloyd, wag ngayon. Interview ko sa PUP ngayon. Hindi puwedeng hindi ako sumipot.

"Jake! He keeps on saying your name! Where are you?!"

"Nasa PUP ako ngayon. Interview ko."

Anong mas mahalaga sa'kin? Etong interview ko, kung saan nakasalalay ang kinabukasan ko? O si Lloyd, ang kapatid kong tanging ako lang kinikilalang kaibigan, na sa kabila ng hirap na inaabot ay pangalan ko ang sinasambit?

"I'm on my way, Mom. Tell Lloyd to wait for me."

Agad akong sumakay ng trike papuntang Pureza. Luckily, napuno agad ang trike at umalis din agad. Nagbayad ako sa driver ng saktong pamasahe. Tinakbo ko na papunta sa LRT Station. Sakto, wala akong dalang bag kaya walang hadlang sa entrance. Masakit na ang paa ko, pero kailangan kong kayanin. Mas masakit pa rito ang nararamdaman ngayon ng kapatid ko. Hingal na hingal na ako. Pagdating ko sa station, mahaba ang pila sa cashier. Nakita ko ang ticket vending machines pero out of order yung iba. Isa lang ang gumagana. Takbo agad ako dun, pero ang tagal nung nasa harapan ko. Mukang enjoy na enjoy sa pag-insert ng coins. Putek, first time mo ba?! UGH. Gusto ko na siyang sigawan. My brother's having a seizure! He's basically dying! Can't you just insert that stupid coin and get the hell out of here?!?

Tinabig ko na siya at ako na ang naghulog ng piso para sa kanya, ako na rin ang kumuha ng ticket niya at ibinigay ito sa kanya. Madaling-madali na ako. Agad kong pinindot ang Cubao at nag-insert ng 13 pesos. Bago ako umalis, andun pa rin 'yung babae nakatanga sa bilis ng pangyayari. Tumakbo na ako at ginamit ang hagdan dahil sobrang daming tao sa slow lane. Isa pa, mabagal iyon, slow lane nga, e. -.-

Pag-akyat ko sa platform ay sakto ang pagdating ng tren. Buti nga dun sa babae. Di na nakaabot sa tren. Bagal bagal kasi. sabi ko sa sarili ko. E ano bang pakialam ko sa kanya? Kapatid ko dapat iniintindi ko.

*Arriving at Araneta-Center Cubao Terminal Station; Paparating na sa Araneta-Center Cubao Terminal Station*

Pagbaba ko ng istasyon ay nagtaxi ako papunta sa amin. Pagbaba ko, nakaparada sa harap ng gate namin ang kotse ng family doctor namin. Akyat agad ako sa kwarto ni Lloyd. Kalmado na si Lloyd ngayon. Kinailangan pa raw nilang magspray ng pabango ko sa loob ng kwarto para kunwari'y andun ako. Bakit kaya hindi niyo naisip 'yan bago ako tinext?! Sayang 'yung PUP. Pero naisip kong okay na rin sa UE, may scholarship naman ako. Imbis na sa kabilang kama, tumabi ako kay Lloyd nung gabing iyon, at tulad ng iba pang mga gabi. kinukwentuhan ko siya tungkol sa nobelang aking sinusulat. Aliw na aliw si Lloyd sa bida ng aking nobela. Si Andrea.

(Jake at the right)

Love on RailTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon