Love on Rail: Chapter 26

68 0 0
  • Dedicated kay Paola Charisse Ong
                                    

Oo nga, ano? Hindi ba ganun ka-special sa'kin si Princess para hindi ko ibigay sa kanya ang bulaklak na ito? Pinapasaya niya ko. Higit pa don, pinapasaya niya si Lloyd. Magaang-magaan ang loob niya kay Lloyd. Saka hindi ko rin alam kung bakit siya lang talaga ang kaibigan ko sa UE. Katangi-tangi siya, e. Oo, special siya sa'kin pero bakit kahit kailan, hindi sumagi sa isip kong ligawan siya?

Nagising ako sa reverie ng may dumating na sasakyan. Kotse ni Mommy. Nabadtrip na naman ako. Ayoko muna siyang makita kaya umakyat na ko sa kwarto. Pagkakita ko kay Lloyd tulog na sya. Hanep talaga si Princess. Nagagawa na rin niyang patulugin si Lloyd.

Humiga na ako sa kama, napansin ko sa bedside table ko 'yung sirang payong ni Kandi. Hahahahaha! Natatawa pa rin ako sa pangalan niya. Kakaiba rin yun, e noh. Kanina lang kami nag-usap ng matino pero parang ang gaan na agad ng loob ko sa kanya. Imagine, nakapagpalibre pa nga ako, e. Galing! Yung piggy back ride, kay Lloyd ko pa lang nagagawa yun, e. Bale sya ang unang babaeng nagawan ko nun. Ang lungkot lang na hindi ko na alam kung kailan kami ulit magkikita. I'm enjoying her company, to be honest. Hindi 'yung enjoy na nararamdaman ko pag kasama ko si Princess. Not that I'm not enjoying Princess' company pero iba si Kandi. Ewan ba. Pero at the same time, nakakairita rin yung babaeng yun, pero yung pagka-irita mo sa kanya, in a good way. Ang bilis niya kasing maasar, e.

Kinuha ko 'yung payong, tuyo na. I feel bad about her. Parang may sentimental value nga sa kanya 'to. Yung expression niya pa lang nung nasira 'to, grabe. Bahala siya. Hahaha.

Siguro sa mga oras na 'to, nakita na rin niya yung keychain. Hahahahahaha! Siguro iritang-irita yun! Naku, natatawa na lang ako. Nai-imagine ko yung muka niya pagbukas ng bag niya. Hahahaha! Siguro mamura-mura na niya ko no? Hahaha!

Hay. Bakit ko ba siya iniisip ng ganito? Weird. 

--

Ano ba ang basehan ng tao pagdating sa pag-ibig? Paano mo ba masasabing mahal mo na ang isang tao? Paano mo masasabing hindi mo na mahal ang isang tao? Paano mo masasabing importante sa'yo ang isang tao? At paano mo masasabing hindi ka na mahalaga sa taong mahal mo? Tunay ngang napaka-komplikado ng pag-ibig.

Isa lang ang alam ko sa mga pagkakataong ito. Mahal ko siya. Mahalaga siya sa'kin. Pero siya kaya? Hindi ko alam. Hindi na rin importante iyon sa akin. Ang alam ko lang, nagmamahal ako. Hindi ko alam kung paano. Hindi ko rin maipaliwanag 'yung nararamdaman ko.

Yung butterflies in your stomach na sinasabi nila, totoo pala yun? Yung parang nakakakiliting feeling sa tyan mo kapag tinignan ka niya. Yung spark daw, totoo rin pala? Yung nagniningning talaga yung mga mata nya kapag nakatingin sa akin. Tapos yung humihinto raw 'yung oras, totoo rin pala 'yun? Yung parang kayong dalawa lang ang tao sa mundo. Yung pakiramdam na ganun, naramdaman ko simula nung nakilala ko siya. Hindi ko maipaliwanag, pero nararamdaman ko. Eto na nga siguro yun. Yung tinatawag nilang pag-ibig, totoo pala 'yun?

--

Biglang may liwanag sa mukha ko... Nakakasilaw.

Dahan dahan kong dinilat ang mata ko at silaw na silaw ako sa sinag ng araw. Umaga na pala. Nakatulog ako dito sa mesa ko na nakatapat sa may bintana ng kwarto ko.. Iidlip lang sana ako saglit pagkatapos ko dagdagan yung nobela ko..

Masyado pa palang maaga...

Sayang oras.. Alam ko na gagawin ko.

Nagbihis na ako at--- naligo pala muna syempre.

Nakita kong hindi pa gising si Lloyd at mukhang mahimbing ang tulog nito. Maaga pa rin kasi. Hindi ko na siya gigisingin, baka mahirapan lang uli siya matulog..

Hinalikan ko sa noo si Lloyd at nagiwan ng bear sa tabi niya. Nasa kwarto ko lang kasi yun.

Lumabas na ko ng bahay. Didn't bother Manong George. Panigurado, tulog pa 'yun. Exercise na rin 'to. Saka para makasalamuha naman ako ng ibang tao. Wow! Artista?

Love on RailTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon