Love on Rail: Chapter 13

104 2 0
                                    

Para pampalipas badtrip sa nangyari kanina sa'min ni Princess at sa ginawa sa'kin ng babaing ito, naisip kong gantihan siya. Siya ang ba-badtrip-in ko. Pagti-trip-an ko siya. Ha Ha Ha.

Unti-unti akong lumapit sa kanya. Dramatic syempre, para kapani-paniwala. Hawak ko ang punit sa flannel ko at kinu-kurot ang tagiliran. Pigil na pigil ang tawa ko sa gagawin kong kabulastugan. Nang mga kalahating dipa na lang ang layo ko sa kanya, hindi ko na talaga mapigilan kaya't nagsalita na ako.

"Miss, joke lang. Natakot ba kita?" sabay hagalpak ng tawa. Kita ko ang reaksyon niya, medyo hindi pa rin siya maka-get over at tila maluluha. Mas lalo pa akong natawa. Hahahahaha! Ilang sandali pa ay tumalikod ang babae at naglakad paalis. Hinabol ko ang hininga ko bago siya tawagin. Nakakapagod palang tumawa.

"Wait lang Miss, you owe me something." sabay ngisi. Para mas lalo pa siyang ma-badtrip. Ha Ha Ha. Ang lakas ng trip ko.

"Ano?" nakatalikod pa rin siya. Medyo natakot naman ako at baka bigla akong sapakin. 

"My flannel. You tore it off." humarap siya at mataray ang tingin.

"So how could I make it up to YOU, mister." with emphasis on you. Ha Ha Ha. This girl's the best. Ha Ha Ha. Pero wala pa kong maisip na pang-alok kaya nag-segue muna ako.

"Teka teka. Bakit parang ikaw pa ang galit? Tss. Mga babae nga naman." Hindi ko akalaing lalabas yung mga salitang yun sa'kin. Bigla kong naisip si Mommy.

"Don't address us in general. Sa halos 3 billion na babae sa buong mundo, ilang pa lang ba ang nakikilala mo?! Kung sabagay, muka kang playboy." hirit niya. Sabi na nga ba, e. Ganito ang mga babae. Konting kibot mo lang, sermong walang mulat ang aabutin mo. Ke aarte. Ayaw na ayaw na natatapakan sila. Bakit? Sila lang ba ang may ayaw non? Ang hirap sa kanila, hindi nila inaalam 'yung side nung lalake. Tulad nito. Hindi naman niya alam 'yung pinagdaanan ko tapos kung makapagsalita akala mo kung sino. Ni hindi niya nga alam ang pangalan ko. Kaya di na rin ako nakapagpigil.

"Ganyan na pala ang mga babae ngayon? Judgemental." Yun lang talaga ang pinaka-ayoko. Nahuhusgahan nang hindi ka pa kilala. Sino ba namang may gusto nun?

"So, ganyan na pala ang mga kalalakihan ngayon? Mapaglaro." Istorya mo, e. Syempre bida ka.

Pero wala na akong maisip na isasagot. Oo na, talo na ako. Pero kailangan ko nang magmadali. Hinihintay na ko ni Lloyd.

"Pizza tayo, treat mo."kunwari na lang wala akong narinig sa kanya. At since pizza ang unang pagkaing pumasok sa isip ko, iyon na lang ang nasabi ko.

"Why would I?" kita ko sa mga mata niya na naiirita na siya sa'kin. Yes! Mission accomplished. Pero ayoko pa, more more!

"Ooppss.." nilaylay ko ang punit ng flannel ko. Alam kong di niya yun matitiis. Kasalanan niya, e. Ha Ha Ha. Kakaiba 'tong babaeng 'to kapag hindi pa 'to tumiklop.

"Damit ang napunit ko. Maipantatapal mo ba dyan 'yung pizza?!" aba aba aba. Matigas si ateng. Mukang gusto pa ng santong-paspasan. Pero kung hindi siya makuha dun, makukuha siya sa isang-kaladkaran.

"Just..let's go!" sabay hila sa braso niya. Bumaba kami ng platform. At parang wala lang sa kanya. She just followed my lead. Naisip ko tuloy bigla, she can just walk away nung simula pa lang. Pero ba't hindi niya ginawa? She can just yell here and have a guard arrest me. Pero bakit hindi niya ginawa? At ako naman, hinihintay ako ng kapatid ko sa bahay. Imbis na kamay na ni Lloyd ang hawak ko, eto, braso nung babaeng 'to yung hila-hila ko. Pamilyar siya ha. I think I saw her somewhere. That braid.. nakita ko na 'yon.

"NO!" nagulat ako sa sigaw niya. Finally, tumutol din siya.

"Alam ko ang nasa isip mo!" pagpapatuloy niya. Wha-? Alam niya nasa isip ko? Is she some kind of a psycho or something?

"Hindi mo  'ko pwedeng i-date lang basta! Ano ako call girl?! Ugh!" Nagpumiglas siya. Wew. Akala ko nabasa niya iniisip ko. Grabe lungs. Pero nakaisip na naman ako ng kabulastugan.

"Alam mo Miss, you have to date me because YOLO." pinipigil ko yung tawa ko. Ang korni korni nung banat. Changgala.

"Alam mo Kuya, isang beses man ang buhay ko, hinding-hindi ko pipiliing i-date ang tulad mo! I don't need a man to rectify my existence!" Ang iskandalosa pala ng isang 'to. Medyo tumataas na ang boses niya at may mga tao nang napapatingin. Nang mapansin ko ang isang guard na papalapit, lumuhod ako sa harapan nung babae.

"Baby, sorry na. Inaamin ko, kasalanan ko. Ang tanga tanga ko. Bwisit ako sa buhay mo. Panira ako sa mga plano mo. Pasakit ako sa araw-araw ng buhay mo. Kung natitiis mo ako, Baby ako hindi. Hindi ko kayang mawala ka. Sorry na." sumilip akong sandali sa guard. Napanganga lang siya. Nagbubulungan na ang mga tao at nagsimulang pumalakpak.

Habang si Baby - este - yung babae, nakanganga lang din. Nakatayo lang siya dun, parang poste ng Meralco. Naninigas siya, hindi alam ang sasabihin. Nadala ata siya sa mga sinabi ko? Ha Ha Ha. Naririnig ko yung mga tao sa paligid humihiyaw na.

"Patawarin mo na!"

"Magbati na kayo."

"Ang sweet naman!"

"Sana ganyan din boyfriend ko."

"Swerte mo 'teeeh!"

"Award!"

"Wag na mag-inarte, girl!"

"Parang 'yung mga nababasa ko sa libro."

Pumikit na lang ako. Nagdarasal na sana magsalita na siya at baka matauhan na ang mga tao at baka lumapit na ulit yung guard. This drama is taking way too long. Hindi na 'to sweet. :/

Pagdilat ko, halos isang hakbang na lang ang layo ko sa kanya. Nakatingin siya ng derecho sa akin. And from that moment, I know I couldn't be wrong. Siya yun. Siya nga. Siya 'yung babae sa ticket vending machine.

Love on RailTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon