Love on Rail: Chapter 17

68 0 0
                                    

*PrincessInDistress is now online*

JakeCastle: Buzz!

PrincessInDistress: Hey! :)

JakeCastle: Hm. Busy ka ba?

PrincessInDistress: Not much. Nothing to do, actually. Gonna ask me out, I guess?

JakeCastle: You are unbelievable.

PrincessInDistress: Haha. You know me. :P

JakeCastle: But yeah, sort of.

PrincessInDistress: San tayo today?

JakeCastle: At my house sana.

PrincessInDistress: OMG! :">

JakeCastle: What's with the blush? -_-

PrincessInDistress: Sungit. Why there? Pwede naman somewhere.

JakeCastle: I want you to meet someone.

PrincessInDistress: Your parents? :O What am I gonna wear?!

JakeCastle: Sira. Basta. Just wear something normal. :)

PrincessInDistress: Normal? Tingin mo sa suot ko abnormal?

JakeCastle: Aba malay. Di pa kita nakikitang naka-civilian. May uniform po kasi tayo.

PrincessInDistress: Sungit. :(

JakeCastle: Sorry na. Smile ka na. Pumapanget ka pag nakasimangot. :)

PrincessInDistress: Bola.

JakeCastle: Ayaw pa? Ayaw lang kitang malungkot.

PrincessInDistress: Kase?

JakeCastle: Kase prinsesa ka?

PrincessInDistress: I'm no princess.

JakeCastle: Yes, you are. Prinsesa kaya kita. Tapos CASTILLO mo 'ko. :)

PrincessInDistress: Oh stop it youuuuuuu. :">

JakeCastle: Bihis ka na. Kita tayo 12. Cubao LRT. Bawal late ha?

PrincessInDistress: Sige. Di ako makaget-over sa sinabi mooooo. :">

JakeCastle: Ge, mag-ayos ka na.

PrincessInDistress: Sungit na naman. Aist. >.<

JakeCastle: Gtg.

*JakeCastle is now offline*

--

Napagdesisyunan ko nang ipakilala si Princess sa pinakamahalagang tao sa buhay ko, kay Lloyd.

Ewan ko ba kung bakit ganyan ako makipag-usap kay Princess. Siguro ganun na kagaan yung loob ko sa kanya. Kinailangan kong umalis kasi sinusumpong si Lloyd kapag walang katabi matulog. Gusto laging may dantayan. At hindi unan ang gusto niya. Ako.

11:30 ako umalis sa'min. By bus, 20 minutes lang nasa Cubao na ko. At dahil ayokong naghihintay ang babae, aagahan ko. Pero syempre, magagalit ako pag dating niya. Kunwari'y late siya. Basta mauna ako sa tagpuan, late na siya.

11:54 nung dumating ako. May 4-minute traffic pa. Tss. Dumating siya ng 12:02 na may dalang pizza.

"You're late."

"Two minutes, Jake? Two minutes! You are unbelievable. Parang dalawang minuto lang."

"Tara na."

Sumakay kami ng taxi para derecho na sa bahay.

"Wow." ang reaksyon niya pagkakita sa bahay namin. Osige na, malaki ang bahay namin. Malawak ang bakuran, may swimming pool, garden, nothing special.

Love on RailTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon