Love on Rail: Chapter 19

81 0 1
                                    

Hindi ako pwedeng magkamali. Siya nga iyon. Anong gagawin ko? Should I walk up to him and apologize? O bababa na ba ko bago pa ako makita ng mokong na 'to? Pero parang kailangan ko magsorry. Pero baka paluhurin niya rin ako. Oh nose.

 Bumuhos ang malakas na ulan sa labas. Sinabayan ang mood ko. Sheep. 

*Arriving at Pureza Station; Paparating na sa Pureza Station*

Nasa Pureza na hindi pa rin ako makapagdecide kung lalapitan ko ba siya. Wala naman siyang kasama at wala ring ginagawa. Kaso palinga-linga sya. Para bang may hinahanap. Hala, baka makita niya ako. Patay ako nito.

Agad kong inalis ang braid ng buhok ko para hindi niya ako makilala, tumalikod na rin ako sa kanya. Ano ba? Magso-sorry na lang ako. Pero..pero pa'no?

"Miss.." sabay kalabit sa likod ko.

OH EM GEE. I AM DEAD. GOOD BYE, CRUEL WORLD.

"Miss.." sabi niya ulit.

Humarap na ako, pero nakapikit pa rin.

"Yung tali mo nalaglag." sabay abot sa kamay ko ng panali ko.

Dumilat ako at nakita kong ibang lalake pala 'yung nangalabit. Hay! Dami kong kaba dun ha! Hahahay! Sheep. Kinakabahan pa rin ako. Tatanga-tanga kasing panali sa buhok 'to, e!

Binuksan ko ang bag ko at nilagay ang istupidong panali sa loob. Nakita ko rin doon ang tiket ko sa tren. Tapos bigla akong may naalala. Tinignan kong muli 'yung lalakeng napunitan ko ng damit. Palinga-linga pa rin siya. At boom! Facepalm. Siya rin 'yun! Siya 'yung mahanging, atat na tumabig sa'kin sa ticket vending machine! Siya ang nagputol ng panandaliang kasiyahan kong iyon! GRABE. Siya ang mag-sorry ngayon! Feel ko pa rin 'yung sakit nung tabig niya no! Hahahaha. Bwiset.

*Arriving at V. Mapa Station; Paparating na sa V. Mapa Station*

Napatitig na lang ako sa kanya sa realization kong iyon. At sa kamalas-malasang palad, napatingin siya sa'kin. Nung una'y inalis niya agad ang tingin niya, pero napa-second look siya. Feeling ko nabotcha ako. Double dead 'teh. Double dead!

Pagbukas ng train doors ay agad akong tumakbo palabas. Sumabay ako sa mob of people na lumabas. Hindi na ko nag-look back pa sa kanya at baka makita niya ulit ako. Grabe, pagkababa ko ng tren e kinakabahan pa rin ako. Paano kung nasundan niya ako?

Kumu-konti na ang mga tao sa platform. Kailangan ko na ring bumaba.

"Ako 'yung may atraso ah? Bakit ikaw 'yung umiiwas?" sabi ng boses sa likod ko.

Napalingon akong agad. Tada! Ayan siya, sa harap ko, nakangising mukang tanga. Pero I must admit, mas gumwapo siya. Potek! Love at first sight? Agad agad? Sheep.

"Naaalala ko na. Ikaw 'yung babae sa ticket vending machine."

Papalapit na siya ng papalapit. Bababa ba 'ko? Pero sabi niya, siya naman ang may atraso, so bakit nga ba ako umiiwas? Wait, sabi niya naaalala na raw niya? Posible kayang, sabay sumagi sa isip namin 'yung tagpo sa vending machine? Oh em! Ano ito? Destiny na ba ito? Ito na ba 'yon? Real thing na? Is he the one?!

"Oh, bakit namumula ka? Taeng-tae ka na ba?"

"Hoy! Kapal ng muka mo. Marami ka ng kasalanan sa'kin kaya 'wag mo nang dagdagan pa."

Napasagot ako kaagad. Reflex ata. Hahaha. Sandali lang ulit, may naalala ko bigla. Taeng-tae na? Diba 'yun 'yung sinabi kong dahilan noon kung bakit siya nagmamadali? Sheep. Sya na nga ata. Grabe, totoo nga ata ang destiny. Eto na siya sa harap ko!!

"Oo na. Oo na. Sorry sa pagtabig ko sa'yo noon. Okay na?"

Yabang. Parang hindi sincere. Tse!

"Ok na." Poker face kong sinabi. Pilit kong tinatago ang nararamdaman ko. Teka ano bang nararamdaman ko? Hiya? Galit? Kilig? Ano? Kilig? Wtf.

Love on RailTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon