Love on Rail: Chapter 36

71 0 0
                                    

Go with the flow. Enjoy the ride. But pay attention.

Tunay ngang ang pag-ibig ay parang LRT.

Go with the flow. Hayaan mo kung saan ka dadalhin ng tren. May sinusundan itong riles at ruta. Hinding-hindi ka mawawala. Parang sa pag-ibig, hayaan mo lang kung saan ka dadalhin ng nararamdaman mo. Kung kinikilig ka, let it be. Kung nahuhulog ka na, then so be it.

Enjoy the ride. Huwag mong alalahanin ang mga nangyayaring mga bagay-bagay. Kapag nasa loob ka ng LRT, kita mo ang lahat ng nasa baba. Para ka ring nasa eroplano. Enjoyin mo lang ang view. Yung mga tao, mga sasakyan, mga bahay, mga establisimyento at kung anu-ano pa. Parang pag-ibig. Huwag mong alalahanin ang sasabihin ng iba. Enjoyin mo lang ang company ng iyong minamahal. Habang nandyan kayo sa stage na yan, na masaya, enjoyin mo lang. Minsan lang darating sa buhay mo ang ganyang pagkakataon. Grab it. Enjoy it.

But pay attetion. Baka mamaya, sa sobrang pag-eenjoy mo, nakalagpas ka na sa bababaan mong station. Baka masyado kang nadala ng emosyon mo, hindi mo narinig ang announcement na ikaw ay nasa destinasyon mo na. Nako, parang sa pag-ibig lang. Baka sa sobrang pag-eenjoy mo, hindi mo na namamalayang unti-unti ka nang lumalagpas sa limitasyon mo. Masyado ka nang nadadala ng emosyon mo. Hindi rin tama yan minsan kaya dapat mag-ingat.

Pero sa ngayon, go with the flow lang muna. Oo tama, go with the flow lang muna.

---

*tok tok

Lumingon ako sa pinto at nakita ko si Ecka.

"I really couldn't stand it seeing you like that. Anong nangyari ba?"

"Hindi ko rin alam, Ecka.."

Tumalikod ako sa kanya at naramdaman kong nasa tabi ko na lang siya.

"Dumating yung Princess. Best friend daw niya."

"W-What about Lloyd?"

"Hindi niya ako gusto. Kaya pinapunta ni Jake 'yung Princess kasi siya 'yung hinahanap ni Lloyd. Ang sakit di ba? Ako yung nandun, e! Ako yung nagpunta para sa kanya! Ewan ko, Ecka. Kung hindi naman dahil dun sa Princess, hindi ako makakaramdam ng ganito, e. Ang hirap. Ang bigat. Pero hindi ko alam kung bakit ako nakakaramdam ng ganun."

"Andy, I really want to help you. But I don't know how. Perhaps, food might help?"

"Sige, tara."

"Kanina pa nag-aalala sa'yo si Ace."

Ouch. That name. Another problem. Shit.

"Ecka, ayokong sabihin sa kanya. Ayokong malaman niya. Mas magiging mahirap. Mas magiging mabigat. Dadagdag pa sa nararamdaman ko."

"Akala ko ba ayos na kayo?"

Akala ko rin.

"Ewan ko nga, e. Hangga't may nararamdaman kasi siya para sa'kin, ganito't ganito pa rin kami."

"Nakausap ko siya kanina. Hirap na hirap na siya, Andy."

"E anong gagawin ko? Paulit ulit. Paulit ulit. Ako ba hindi nahihirapan? Ako ba hindi naguguluhan? Nakakasakal. Parang napaka limited ng mga kilos ko. Para bang..para bang pagmamay-ari niya ko. Parang dinidiktahan niya yung bawat kilos ko."

"Andy, hindi sa ganun."

"Pero yun yung nararamdaman ko!"

Tinignan lang ako ni Ecka sa mata, at niyakap ako. Tumulo na lang bigla 'yung luha ko. Hindi ko na napigilan.

Bumaba na kami at doon nga, nakita ko si Ace na kumakain. Napatayo siya nang makita ako. Inunahan ko na siya agad.

"I'm okay."

Love on RailTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon