Love on Rail Chapter 2

182 5 0
                                    

Ako lang mag-isang papasok. 'Di ako sanay. Tinatrangkaso si Ecka mula pa nung Sabado. Akala ko mawawala na ngayong Lunes, tsk, wala tuloy akong kasabay. Ang dull dull. Pag kasama ko kasi si Ecka, di kami nauubusan ng pagkukwentuhan. Lagi siyang may stock na topic. Madalas nga kaming masaway ng guard sa LRT, e. Ang ingay ingay kasi namin! To think na dalawa lang kami ha. Hahaha! So ngayon, nganga lang ako sa tren. Boo.

"Pureza." walang kagana-gana kong sabi sa cashier sabay abot ng beinte pesos.

"Thank you for giving the exact fare." para siyang robot na nagsasalita kaya mas lalo pa kong nabadtrip.

"Miss, sukli mo!" sigaw ng isang lalaki, sabay habol sa akin.

"Andrea!" sigaw ulit nya. Kinilabutan ang buong pagkatao ko. Wala pang tumatawag sa akin sa tunay kong pangalan. Maging ang nanay ko, maging si Ecka. Siya pa lang. Sino ba ito at bakit niya ko kilala? Creepy.

"SINO KA?!" sigaw ko sa kanya. Tatakbo na sana ko pero sayang ang siete pesos ko. Pang-trike ko na rin 'yon papuntang Main, kaya mabilis kong hinablot sa palad nya ang sukli ko at pumasok na sa Automatic Gate. Nakita kong humabol siya sa'kin.

"Ako si Ace.." hapong-hapo siya habang sinasabi ang pangalan niya. At nang mahabol na niya ang hininga nya, "Ace Sarmiento. Kaklase ako ni Erica."

"I don't even know you!" mataray kong sagot, sabay akyat sa slow lane. Tinatabig ko na ang mga nasa harapan ko para hindi na niya ako mahabol. Pero ilang saglit lang, may humablot sa braso ko.

"Sorry kung natakot kita." paumanhin ni Ace.

"Bakit ako matatakot sa'yo? Mamamatay tao ka ba?!"

"Hindi. Eh tumakbo ka kasi."

"Natural. Malay ko ba kung anong pakay mo sa'kin."

"Edi natakot ka nga."

"Whatever. Di ka kasi nagpakilala ng maayos!"

*ppprrrrtttt* Pumito na ang guard, may sinabi si Ace pero hindi ko narinig dahil sa ingay ng pito at paparating na tren.

"Ano iyon?" tanong ko pagkasakay namin sa tren.

"Ang alin?" nagtatakong tanong ni Ace.

"Yung sinasabi mo kanina?"

"Ah, wala wala."

"Kflyy."

"Ano?"

"Ah, wala wala." pang-asar kong sagot.

Katulad ni Ecka, nag-uusap din naman kami ni Ace, hindi lang ganun kasaya, siguro dahil first time pa lang. Hindi ko rin alam kung bakit ang gaan gaan na agad ng loob ko sa kanya. May mga tao talagang ganun, ano? Kahit kakakilala mo pa lang, parang matagal na kayong magkakilala. Pero meron namang mga taong, kahit ngayon mo pa lang nakilala, hindi mo na feel. Heh. Gulo ko forever.

*Arriving at Pureza Station; Paparating na sa Pureza Station*

Naghiwalay na kami ng landas pagdating ko sa CEA bldg. Siya naman, nagtrike na papuntang Main.

(Ace at the right)

Love on RailTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon