Love on Rail: Chapter 25

76 1 0
                                    

Bakit ba nagmamahal ang isang tao? Wala namang rason para dun ‘di ba? Hindi mo rin ito maipaliwanag. Yung saya na nararamdaman mo, na para bang may bagyo ng emosyon sa loob ng puso mo.

Ang pagmamahal ay hindi na kinakailangan ang lahat ng limang senses natin para mapatunayang totoo ito. Hindi na kailangan ng paningin, pandinig, pang-amoy, o panlasa. Just the sense of feeling. Pandama. Kung sino man ang nakaimbento ng pakiramdam na ito ay paniguradong wala sa katinuan. Because what I’m feeling now is driving me more insane than I have ever been my entire life.

“I love you. Simple as that.”

Ganyan kasimple. Ipapaliwanag ko pa ba kung paano mo pinapatalon ang puso ko sa saya kapag nandyan ka? Kung paano mo pinapatigil ang mundo ko kapag ngumingiti ka? Kung paano mo nailalabas ang naitatago kong katauhan? Kung paano mo pinakikislap ang mga mata ko sa tuwing andyan ka?

Alam naman nating lahat na napaka-daming rason para maging masaya. Pero para sa akin, isang tao lang nakakapagbibigay sa akin ng ibang klaseng saya.

Ang babaeng ito.

Ang babaeng gumulo ng buhay ko.

Pero ganun pa man, siya na ang pinakatamang nangyari sa buhay ko…

--

Jake

Nanlaki ang mata ko sa nakita ko.

“No… He couldn’t be the Jake of my life… Everything was pure coincidental.” sabi ko sa sarili ko habang umiiling at salubong ang kilay. Hindi ako makapaniwala.

Bakit sa dinamidami ng pwedeng maging pangalan… J---J—Jake pa?

Should I just disregard the idea na, pwedeng siya na nga?

PSSH. Seriously? Andy? Wake up.

Huwag mo nga itulad sarili mo sa mga nababasa mo sa kung anumang sites sa internet. Lalong lalo na sa novel mo!!  Also, this is not a Nicholas Sparks novel okay? It’s your life. REAL LIFE.

“AAAAH!” sabay bitaw ko sa keychain ng may pwersa.

Tok Tok!

“Beh?”

Napalakas ba yung sigaw ko?

“Bukas yan!”

“Ayos ka lang? Masakit ba paa mo?”

“Hinde.. Wala ‘to.”

“Napadaan ako dito sa kwarto mo nung galing ako sa CR e. Narinig kita. Ano problema?”

“Ecka.. You won’t believe this…”

“E ‘di wag mo na sabihin. Hindi pala ako maniniwala, e.”

“Ikaw naman oh!”

“Hindi e. Binibitin mo pa ko sa “You won’t believe this” na yan!”

“Eto na nga, e!”

“Hahaha. Para kang meron! Oh? Tell me na.”

“Tignan mo ‘to.” inabot ko sa kanya yung unggoy.

“AWW! This is creepy.”

“And disgusting, right?”

“And that makes this thing cute!!”

Cute… Cute… Cute…

Parang isang bangungot na nagecho ng paulit ulit sa utak ko ang salitang yun.. Para akong kinukuha ng kadiliman. Bakit Ecka? Bakeeeeeeeeet T__T

Love on RailTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon