Love on Rail: Chapter 23

70 2 0
                                    

“Andy, derecho ka na kila Ecka. Sleep-over ulit. Hinanda na ni Tita mga damit mo.”

“Okay. Buti na lang naka-taxi ako. Haha.”

“Sige. Mag-iingat ka ha? :)”

“Oo, salamat.”

“Manong, sa Luzon na lang po tayo.” Sabi ko sa driver. Tumango lang siya.

Hindi na rin kalayuan yun at ilang saglit pa’y nakila Ecka na ako. Nakasalubong si Ace sa akin sa tapat ng bahay nila Ecka. Wow.

“Bakit basang-basa ka?!” ibinigay sa akin ni Ace ‘yung jacket na suot niya.

“Ha? Naabutan kasi ako ng ulan habang naghihintay ng taxi.” Nanginginig boses ko. Hindi naman kasi ako sanay na nagsisinungaling ano. Sa bestfriend ko pa. Haay.

“Aray..” unang hakbang ko pa lang hindi ko na kinaya. Halos madulas ako, nasalo lang ako ni Ace. Shemaaay. Bakit bigla siyang gumwapo? Takte, ang landi ko ngayong araw ha. This is so not me.

“Oh? Ano bang nangyari sa’yo?” nag-aalala niyang tanong habang akay pa rin ako.

“Na-nadulas ako kanina. Natapilok ba. Ang sakit nga, e. Kanina pa ‘to.”

“Halika sa loob, mamasahihin ko.”

At inalalayan niya na ko sa loob. Hindi niya ko inangkas tulad ng ginawa nung unggoy. Parang magkumpare lang kami na nakaakbay ako sa kanya. Hahaha. Pero okay na rin. Ang gentleman forever ni Ace. Swerte lang ng magiging girlfriend nito. Di ko nga alam ba’t pa sinasayang nito pagmamahal at atensyon niya sa akin. Haba ng braids ng lola mo!!

Nang makapasok na kami kila Ecka, nakita ko siyang naghahanda sa lamesa. Nangangamoy sopas sa kanila. Nasabi ko na ba? Masarap magluto si Ecka. Nagtataka nga ako bakit hindi siya nag-Culinary Arts, e afford naman nila. Nasa puso’t kaluluwa na raw kasi niya ang pagiging Psychologist. Kumbaga ‘yung pagluluto, hobby na lang niya. Isa pa ‘tong si Ecka, maganda naman at mabait. Super cute niyaaaaa! Ang sarap niyang lamutakin. <3 Masarap pa magluto. Total package na pero walang nanliligaw. NBSB ang peg ng ati mo!

“Be, tara na dito! Kumain na tayowww.” Aya ni Ecka habang nagtitimpla ng juice.

Lumapit kami ni Ace sa kanya at umupo.

“Nako, busog pa ko ‘teh.” Nanghihinayang kong sabi. Mukang masarap pa naman ‘yung sopas.

“Sa’n ka ba galing talaga be?” tanong niya.

Sasabihin ko ba? Na kumain ako sa labas? Na nanlibre ako? Kasama ang isang unggoy na hindi ko naman kakilala? Na piniggyback ride niya ako? Na… Na pinrotektahan niya ko? Whatever!! Help! Someone, help me!

“Oo nga. Ta’s basang-basa ka pa.” natauhan ulit ako nang magsalita si Ace.

“K-Kumain ako sa labas.”

Hanggang dito  na lang ba ‘yung kwento ko? Ide-detalye ko pa ba?

“Sino kasama mo?” pang-uusisa ni Ace.

“H-Hindi ko siya kilala, e.”

“HUH?!” napatigil sila sa paghigop ng sopas.

“Nakipagdate ka sa hindi mo kakilala?!” gulat na sabi ni Ecka.

“Date na ba ‘yon? E hindi ko nga siya kilala.” Depensa ko. Pero date na nga ba ‘yon? Diba nagbayad lang naman ako ng utang?

“Idetalye mo na nga. Pa’no ba nagsimula?” pamimilit ni Ace.

Eto na. Patay na ako. Nagsimula ‘to sa paghahanap ko kay Kuya Manong Mysterious Writer, e. Pano ko sasabihin sa kanila ‘yon? E sinabihan ko na silang di ko na hahanapin ‘yon. Ang hirap naman nito oh. Ang hirap magtago ng sikreto sa kaibigan. Lalo na sa kanila. Look at their faces, alalang-alala sa akin. Hindi naman ako na-rape mga ‘teh, sabi ko sa isip ko.

Love on RailTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon