Keesha , Faye , Leigh

246 5 0
                                    

Faye's POV

"KEEEESHAAA!!! nasan na yung hiniram mong leggings ko? Hindi ko makita dito sa closet ko"

sigaw ni Leigh mula sa kabilang kwarto

Nag reready na kasi kami para sa pag pasok sa school , first day kasi ngayon at transferee kami kaya di pwedeng malate

At kung curious kayo kung bakit nasa kabilang kwarto si Leigh at Keesha ? Dalawa lang ang reason nun

Bestfriends ko sila at
nakatira kami sa iisang bahay

"Try mo dito sakin , ikaw na maghanap may ginagawa pa ko eh"

Sagot naman nung isa , napaka tagal kasi sa salamin ng babaeng yan tapos ang bagal pang kumilos , pasalamat nga siya , siya lang yung marunong mag drive kaya di namin siya maiwan eh.

Matapos kong mag blower ng buhok nagbihis na ko , dont worry guys naligo na ko kanina ,
Naka leggings ako at long sleeves na medyo maluwag , kahit naman payat ako , kaya kong magdala ng mga ganitong uri ng damit , para san pa't naging model ako di ba .

After kong magbihis bumaba na ko para sana kumain pero pag baba ko nakita ko yung dalawa na nagbibilangan ng pera

"Problema niyo?"  tanong ko

"Wala pa yung katulong na sinasabi ni Daddy kaya wala tayong almusal , sa school kami kakain ni Leigh"

"Gusto mo sumama?"

"Parang ayaw niyo ah." sagot ko

"Hehe halata ba ? "  awkward na sagot ni Keesha

Sinamaan ko siya ng tingin kaya napangiti siya at nag peace sign

"Joke"
"Tara na nga lang, ang mais ng best friend mo eh" sabi ko kay Leigh

"Huy ! Di ko nga kilala yan eh"

"Ah ganon! Okay maglakad kayo hahaha"
Sabi niya at tumakbo papunta sa kotse , kaya napatakbo rin kami ni Leigh para makasakay

Ng okay na kaming tatlo pinaandar na ni Keesha yung kotse at nag sing along kaming tatlo

Leigh's POV

asan na ba yung isa kong leggings ang epal naman kasi ni Keesha eh , manghihiram tapos di na niya ibabalik

"KEEEESHAAA!!! nasan na yung hiniram mong leggings ko? Hindi ko makita dito sa closet ko"

sigaw ko habang naghahalungkat at ng hindi ko talaga siya makita pumunta na ko sa kwarto niya sa tapat ko , kakatok na dapat ako ng buksan niya yung pinto at sinabing

"Try mo dito sakin , ikaw na maghanap may ginagawa pa ko eh"

"Tss . Alam mo sa sobrang tagal mo jan baka higupin ka ng salamin na yan , kanina ka pa nakatapat jan no"

sabi ko sa kanya habang papunta sa walk in Closet niya

pag bukas ko ng pinto O_O

bilib talaga ko sa babaeng to , sa sobrang dami niyang damit naka organize pa rin as in pantay pantay yung pag kakatupi niya , tapos by color pa at hiwalay yung pang alis , pang tulog at pang bahay niya , ako di ko kaya to , pero mas lalo si Faye pag nakita mo damitan nun parang tambak na labahan

hahaha , sshh lang tayo ah

"Alam mo sa sobrang tagal mo jan , lalamunin ka na ng closet  ko. Nakakaloka ka girl isang leggings lang yung hinahanap mo inabot ka na ng isang taon jan sa loob"

Paggaya ni Keesha sa sinabi ko

"Nakita mo na ba?"

Tanong niya

"Mmm , ito na " sabi ko at angat nung leggings na hawak ko "balik na ko sa kwarto ko"

"Sige"

Bago ako maka pasok sa kwarto nakita ko si Faye na naka leggings din , kaya napatingin ako sa hawak ko

"ayoko na palang suotin to"

maarte na kung maarte ayoko lang kasi talaga na may kapareho eh

Kaya yung sinuot ko nalang yung dress ko na white na may stripe na blue na off shoulder

After kong mag ayos lumabas na ko ng kwarto at sakto naman na pababa na din si Keesha kaya nag sabay na kami

"Teka Kee nagluto ka ba? "

tanong ko sa kanya . Siya kasi yung cook dito sa bahay kasi masarap luto niya . Kahit na dapat ako talaga

"Huh? Bat ako? Leigh HRDM yung course ko hindi HRM" 

sarcastic na pag kakasabi niya kasi HRM yung tinitake kong course eh

"Hindi naman kasi dapat sa lahat ng oras HRM yung taga luto diba"

"Magkano pera mo?"

tanong niya na ikinataka ko
anong konek ng pagiging HRM ko sa halaga ng pera ko?

"Huh? ,teka bilangin ko. Bakit mo nga ba gustong malaman" nilabas ko yung wallet ko sa bag at kinalat sa lamesa yung pera

"Sa school nalang tayo kumain , badtrip na katulong naman kasi yun isang linggo na wala pa"

Sa kalagitnaan ng pagbibilang namin ni Keesha bumaba na si Faye

"Problema niyo?"  tanong niya

At dahil busy ako sa pag aayos ng pera ko na pinakalat ni Keesha para sa wala hindi ko nalang siya pinansin muna

"Wala pa yung katulong na sinasabi ni Daddy kaya wala tayong almusal , sa school kami kakain ni Leigh"

"Gusto mo sumama?"  tanong ko at sinilid na yung wallet sa bag ko

"Parang ayaw niyo ah." sagot niya

"Hehe halata ba ? "  awkward na sagot ni Keesha

Sinamaan siya ng tingin ni Faye kaya naman napangiti siya at nag peace sign

"Joke" 
akala ko kung anong gagawin ni Faye dahil bigla niya kong hinila

"Tara na nga lang, ang mais ng best friend mo eh" sabi ni Faye sakin

"Huy ! Di ko nga kilala yan eh"

pag sakay ko sa trip ni Faye

"Ah ganon! Okay maglakad kayo hahaha"
pagkasabi ni Keesha nun napatakbo agad kami ni Faye at mabilis na pumasok sa kotse niya

Umalis na kami at on the way na tungo sa bago naming school

Remembering YouWhere stories live. Discover now