Keesha's POV
Three days ,
three days na yung lumipas ng ihatid kami ni Chael dito sa bahay pero di pa rin ako maka move on sa mga ikinilos niya nung magkasama kami ,
ano ba talagang meron sa kanya?
May nagawa ba ako na hindi niya nagustuhan?
O sadyang may nililihim lang talaga siya?
Haaaaaayyy!! Ewan ,, nakakapagod mag isip ng kung ano ano, na alam ko rin namang hindi ko masasagot
"Ate okay ka lang?" nabalik ako sa katinuan ng magtanong si Lyssa
"Yep, im fine. Medyo madami lang talaga yung mga iniisip ko ngayon .. Pasensya na . Naboboring ka na ba dito sa bahay? Gusto mo gumala tayo?" tanong ko sa kanya para di siya maburyong
"Gala!? Sige ate , mag aayos lang ako" saad niya sabay takbo pataas di naman siya excited makalabas ng bahay ah
Mag aasikaso na rin sana ako ng may tumawag sakin na hindi ko kilala dahil hindi naka save yung number niya sa phone ko
"Unknown Caller"
"Sino naman kaya to?" may pinagbigyan ba ko ng number ko?
Mga ilang ring pa bago ko sinagot yung tawag
"Hello? Sino ka?"
"Hello, uhm Kee si Toffer to. Pwede ba tayong magkita? "
"Ah .. Kuya Toffer, uhm pwede naman sana kaso ..... Okay lang ba sayo na kasama ko yung kapatid kong bunso? Nasabihan ko kasi siya na gagala kami ngayon . Kung okay lang naman sayo pero kung hindi magkita nalang tayo mamaya pagdating namin ano?"
" ahh ganun ba , sige magkita nalang tayo mamaya pagdating niyo para rin di ako maka istorbo sa bonding niyong dalawa"
"Sige kuya sensya na ah, kung napa aga lang sana yung tawag mo kahit ngayon na pwede eh"
"Sige Kee sensya na rin mamaya na lang ulit, text mo ko sa number na to pag pwede na tayong magkita"
"Okay, bye" at binaba ko na yung call
Oo nga pala binigay ko sa kanya yung number ko nung last time na magkasama kami ..
Umakyat na rin ako para makapag ayos na
..
Pero nakakapagtaka at bigla nalang na gusto niya kong makita?
Anong meron?
"Ate tara na!" Sigaw ni Lyssa mula sa baba kaya nabalik ako sa katinuan
YOU ARE READING
Remembering You
Teen FictionThis Story is about a girl who will do what she can to find out where her brother is. A Lady who will do everything for her Friends. And a Lady that will Love HIM with all of her heart.
