Despidida (Confession)

23 5 0
                                    

Jace's POV

“Hello Jace, san ka na?”  tanong ni Dave sakin mula sa kabilang linya

"Nasa kotse kumpleto na ba kayo jan?"

“Mmmm, kayo nalang ni Nicole yung hinihintay?”

"Ahh ganun ba sige, malapit na rin naman ako"

“sige sige, ingat ka nalang” pagkasabi niya nun pinatay na niya agad yung call

At hindi rin nagtagal nakarating na ko sa bahay

Halos lahat sila nandun na, at ang una kong hinanap, syempre si Keesha na busy sa pakikipag usap kay Kuya Luhan

At nagsimula na rin kaming magparty party sa huling pagkakataon na makakasama namin si Nicole

Lumabas na kami sa pool side at syempre bilang dakilang patay gutom ang lahat inuna na muna namin ang pagkain

Tumabi ako kay Keesha na kasalukuyang kumukuha ng makakain niya

"Musta?" tanong ko, tinignan niya muna ako bago tuluyang sumagot

"Okay lang naman, ikaw? Tagal mong di nagpakita ahh"

"Miss mo ko?"  pabirong tanong ko, pero deep inside alam niyo na yun (readers)

"Asa! Feeling mo ahh"

"Tss, ang panget Keesha"

"Ay Wow! Ang gwapo naman pala"  sarcastic na sabi niya

nang matapos kaming kumuha ng pagkain namin sabay na rin kaming naghanap ng mapupwestuhan

"Dito nalang kaya tayo sa damo?"  Suggest niya

"Sure ka? Hindi ka ba mangangati jan?"

"Hindi naman siguro, tsaka wag ka ngang o.a jan Jace nililinis naman siguro to di ba?"

"Oo na sabi ko nga jan na tayo eh"

Habang kumakain tuloy lang yung kwentuhan naming dalawa

Namiss ko tong babaeng to

Napatingin ako kay Matthew at kasalukuyan din siyang nakatingin saming dalawa

Tinignan ko ulit ang nakangiting si Keesha sa harap ko at napayuko nalang

Hindi ko alam kung anong gagawin ko, pero sigurado na minamahal ko na tong babaeng nasa harapan ko at sigurado rin ako na kapag pinagpatuloy ko to masasaktan ko yung isa sa mga taong pinapahalagahan ko

"Jace? Okay ka lang ba?"

Nabalik ako sa katinuan ng magtanong siya

"Oo naman, okay lang ako"

Nagsimula ng maging awkward kami sa isat isa, mula ng pumasok sa isip ko yun ng lumapit samin si Nicole

"Guys okay lang ba kung dun muna kayo? May ginawa daw kasing kanta si Ethan support natin siya"

"Nicole para sayo kasi talaga yung kanta kaya kailangan mo talagang isupport yun, pero sige tara dun"

Saad ni Keesha saka tumayo

"Jace ano? Nganga tayo?"

"Ito na atat ka masyado" sagot ko at sabay na nga kaming pumunta sa sinasabing pwesto ni Nicole

Nang makarating kami dun lumapit na si Matthew sa kanya kaya umiwas na ko ng bahagya

"Oh bakit nilayuan mo?" Tanong sakin ni Dave

Remembering YouWhere stories live. Discover now