Faye's POV
"Ethan isa ! Sasapakin kita , akin na yan" sigaw ko habang inaabot yung phone ko sa kamay niyang naka taas
Ang problema sa haba ng biyas niya kahit anong talon ko hindi ko talaga makuha
"Saglit lang wag ka muna kasing malikot , hindi ko pa napapanuod ng maayos eh"
hayy! bad trip naman ... Bat kasi di ko yun dinelete
Ang pangit pangit ko pa naman dun sa video na yun
Tsaka yung kabaliwan nung dalawa kong kaibigan mabubunyag
"Wag na kasi ... Wala namang kwenta yan ... Promise"
sa gitna ng pag kukulitan namin ni Ethan
"Uy anong meron?"
Dumating na ang dakilang epal
Tumingin muna sakin si Ethan ng nakakaloko bago sumagot sa so-called-bestfriend niyang si Nicole
"Scandal ni Faye" pang aasar niya
Pero dahil nga sa nawalan na ko ng gana sa pagdating nung BEST FRIEND daw niya hindi na ko nag react at umupo nalang
"Pasaway ka talaga Ethan balik mo na yan sa kaniya" rinig kong sabi ni Nicole at di nagtagal binigay na sakin ni Ethan yung phone ko
Napaka masunuring BEST FRIEND naman nito
Tinignan ko muna siya ng masama bago ko tuluyanv kinuha yung phone ko sa kaniya
Maya-maya pa narinig ko na yung paghaharutan nung dalawa sa likod ko
Best friend lang ba talaga yan ?
Oo..
Alam ko naman na may gusto siya kay Nicole pero kailangan ba talagang ipamukha sakin..
Kailangan ba damang dama ko na lonely ako?
Kailan kaya darating yung araw na ako naman?
Yung ako yung papahalagahan?
Ako yung pinoprotektahan?
Yung kaya nilang iwan lahat para sakin?
"Uyy! Faye okay lang? Napansin ko kasing mula nung dumating ako ang tahimik mo na eh , di ka naman ganyan? Tsaka bakit namumula ka?" sinscere na tanong ni Nicole
Tinignan ko muna siya bago ko siya sinagot
"Ayos lang ako , sumama lang yung pakiramdam ko" saad ko at tumayo na sa upuan ko "uuwi na muna ako paki sabi nalang sa mga prof natin ngayon" dagdag ko tsaka tuluyan nang lumabas ng room
Tumambay ako sa rooftop para matulog sana hanggang sa dumating yung oras ng dismissal
Pero sa halip na makatulog naisip kong......
Pwede kayang ito na yung panahon para ako naman
Tutal si Ethan lang naman yung may gusto kay Nicole di ba?
Madali lang yun..
Pero kailangan ko yung tulong ng mga kaibigan ko ....
Pagtunog ng bell umuwi na ko agad , kaya lang pagdating ko sa bahay wala pa yung dalawa kaya nanuod lang muna ako ng t.v
Di nagtagal dumating na si Kee
"Kee ! Bilisan mong magpalit may sasabihin ako sayo"
"Tungkol?" tanong niya

YOU ARE READING
Remembering You
Fiksi RemajaThis Story is about a girl who will do what she can to find out where her brother is. A Lady who will do everything for her Friends. And a Lady that will Love HIM with all of her heart.