Toffer's POV
Ngayong araw ko siya makikita
Ngayon pwede kong mapatunayan kung talaga bang totoo yung sinabi sa akin ng Machael Lau na yun
Kaya naman magmula ng maka pasok siya dito sa bahay hindi ko na inalis yung tingin ko sa kanya
At oo kung tititigan mo siya kamukha niya si Kaece
Sa totoo lang una pa lang napansin ko na yun kaya, ayaw kong nakikita siya
Tapos halos lahat pa sila sinasabi na what if siya nga si Kaece
Tulad ng mga sinabi rin ni Jace
Aaminin ko ayoko lang talagang tanggapin na baka nga siya talaga si Kaece
Hindi ko rin alam kung bakit.. Pero wala na rin naman akong magagawa kung sakaling si Keesha nga talaga ang kapatid ko
Bawat segundo nasa kanya lang yung atensiyon ko
Masyado silang malapit ni Jace, lalo na ni Matthew
Sabi ko pa naman na hindi ako papayag na isa sa mga kaibigan ko ay magiging boy friend mo
Pero kung kapatid talaga kita, at pansin kong may nararamdaman ka para kay Jace, hindi ko yun pipigilan
Dahil once na mapatunayan kong siya at Ikaw ay iisa
Ang gusto ko lang maging masaya ka..
Matapos kumanta ni Ethan naisipan kong mag solo muna kaya pumunta ako sa kusina para uminom mag isa
Nang pumasok rin si Xander na mukhang badtrip...... Nasabi ko rin yung tungkol sa paguusap namin ni Michael
Isa kasi si Xander sa mga pinagkakatiwalaan ko tungkol sa kapatid ko pero natigil kami sa pag uusap ng magsalita si Lj na sure akong naging dahilan ng pag kulo ng dugo nito
...................
Habang nasa labas silang lahat hinanap ko si Keesha, at nakarinig ako ng isang maaaring maging dahilan na maniwala ako na siya ang kapatid ko
"Ang ano? Jace deretsohin mo na yan ahh, subukan mong putulin pa yang sasabihin mo sasapakin na kita" inis na sabi niya kay Jace
"Totoo bang ako yung unang nakasama mong manuod ng City Lights except sa daddy at kuya mo?"
City Lights?
Sila Daddy at Mommy, naging sila because of the city lights
At pinangarap rin ni Kaece yun
Binalik ko ang tingin ko sa kanila at nakinig lang sa pinag uusapan nila
"Oo nga unli? Tsaka tagal ko ng sinabi sayo yan ah, bakit mo naman natanong?"
"Ahh wala lang"
Kung ganon, maaaring siya talaga si Kaece...
Pero hindi, pwedeng nagkataon lang na ganon din si Keesha
Marami pang pwedeng mangarap na katulad ng kay Kaece kaya hanggat hindi pa ako ganun ka sigurado magpapatuloy nalang muna ako sa pagkilala pa kay Keesha
Maniniwala na muna ako na siya ang matagal ko ng hinahanap na kapatid ko
Kikilalanin ko nalang muna siya, hindi na ko iiwas sa kanya...
**kinabukasan
Ako yung pinaka unang nagising saming lahat .. Nagpahanda na rin ako ng makakain naming lahat bago ko sila isa isang ginising
"Kuya Toffer may pagkain na?" Bungad na tanong agad ni Tyler pakagising na pagkagising niya
"Nagpahanda na ko, maligo ka muna ang baho mo eh"
Saad ko at iniwan na siya dun para makaligo na rin sa kwarto ko
Sa living room na din kasi ako natulog dahil masyado na kong napagod sa mga naganap kagabi
Lalo na sa pag amin ni Jace kay Keesha
Naku!!!! Pasalamat siya di pa ko sigurado kung si Kaece ba talaga si Keesha, dahil kung sure na ko dun
Nasapak ko yun kagabi!!
Binigla ba naman yung babae!!
"Kuya Toffer ikaw na lang yung hihintay sa baba, kakain na" sigaw ni Zach mula sa labas ng kwarto ko
Teka! Ganun na ba ko katagal para magising silang lahat at maunahan ako sa dining?
Ay! Ewan, makaligo na nga lang
@dining
"Yown ! Kainan na!!" Sigaw ni Tyler ng makita ako
Umupo na ko sa pwesto ko at as ussual magkatabi yung binansagang runaway couple kagabi, pati na rin sina Nicole at Ethan
At ang pinaka ikinagulat ko ay ang makitang magkatabi rin sina Jace at Keesha
Pero mapapansin mo talaga na awkward
Buti nalang medyo malapit ako sakanila
At dahil nga sa may plano akong kilalanin pa lalo si Keesha, kailangan kong gumawa ng mga paraan para mapalapit sa kanya at malaman ang tungkol sa buhay niya
***
Nang matapos kaming kumain hinatid na ni Ethan si Nicole sa tinitirahan niya, kailangan na rin dahil graduation na nila bukas at bukas na rin yung flight ni Nicole
Aalis na rin sana sila Keesha ng pigilan ko siya
"Keesha pwede ba kitang maka usap?" tanong ko
Tinignan niya muna yung mga kaibigan niya
"Una na kayo sa bahay sunod nalang ako" saad niya bago tumingin sakin "tungkol saan Kuya?" Dagdag niya
Natigilan naman ako ng banggitin niya ang salitang Kuya
Parang ang sarap lang sa pakiramdam na tinawag niya kong Kuya
"Tungkol lang sayo, pero okay lang rin naman kung hindi sa ngayon.. Uhm gusto ko lang rin kasi na mapalapit sayo tulad nung mga kaibigan ko"
"Seryoso ka Kuya Toffer?" Nagtatakang tanong niya
"Oo naman, pwede ba kitang ihatid sa inyo?"
Pansin kong nagdalawang isip pa siya kung papayag ba siya o hindi pero sa bandang huli
"Sure, para rin makapag kwentuhan na rin tayo"masiglang pagtugon niya kaya nagsimula na rin kaming maglakad papunta sa bahay nila
Umaasa ako na sana ikaw na nga si Kaece.
Sana ikaw na yung pinakaminamahal kong prinsesa
Dahil sobrang miss na kita
Kaece Dela Vega
__________________________________________________
YOU ARE READING
Remembering You
Fiksi RemajaThis Story is about a girl who will do what she can to find out where her brother is. A Lady who will do everything for her Friends. And a Lady that will Love HIM with all of her heart.
