Toffer's POV
isang linggo na ang lumipas matapos yung Graduation party ni Jace at halos lahat sila sa bahay bukambibig yung Keesha pati yung mga kaibigan niya
Hindi ko alam kung bakit pero naiinis ako at ang masaklap pa hindi ko rin alam kung kanino .. Kay Keesha ba , sa mga kaibigan ko ba o sa sarili ko? Ewan , bakit nararamdaman ko yung mga ganito.
Siguro kasi may naalala ako sa Keesha na yun , pero imposible kasi talaga..
At para hindi ko na maisip yung tungkol sa babaeng yun pumunta nalang ako ulit dito sa Love House
"kuya Toffer , bat ngayon ka lang pumunta dito?" tanong ni Anne , isang bata dito sa love house
"Busy kasi si Kuya kaya hindi ako maka alis" sagot ko
"Sa paghahanap kay Ate Kaece?" tanong niya ulit
"Oo , hanggang ngayon kasi wala pang bagong balita tungkol sa kanya " nakangiting saad ko
Natahimik na naman siya at parang may iniisip siyang kung ano kaya nakatingin lang ako sa kanya
" hindi po ba sinabi ni Nanay na may nagpunta dito na babae? , baka po si ate Kaece na yun" nagtatakang tanong niya
"May babaeng nagpunta dito?" gulat na tanong ko , nagnod lang siya bilang sagot
"Anne dito ka muna ahh ! Pupuntahan ko lang si Nanay" sabi ko sa kanya at pumunta agad sa office ni Nanay
(a/n: yung tinatawag nilang nanay yun yung nangangalanga ng orphanage)
Hindi na ko kumatok , basta nalang akong pumasok sa loob
"Oh Toffer anak , bat ngayon ka lang dumalaw?" tanong niya pero hindi ko siya pinansin
"Nay bat hindi niyo po sinabi sakin na may babaeng pumunta rito?" tanong ko
"Huh? , sinong babae?" Nagtatakang saad niya na parang inaalala yung babaeng tinutukoy ko
"Nay ang sabi po ni Anne may babae daw pong pumunta dito"
"Ah! Anak hindi si Kaece yun , di ba ang sabi ko sayo babalitaan kita tungkol sa kapatid mo at isa pa para makumbinsi ka na hindi si Kaece yun tanungin mo yung kaibigan mong doctor nag kasabay sila ng pagpunta nun , pasensya na pero wala pang balita ngayon ang nanay tungkol kay Kaece. Hindi ko rin alam kung naka uwi na ba sila o hindi pa" malungkot na pagpapaliwanag niya
"Pasensya na rin po nay , gustong gusto ko na po kasing makita si Kaece"
"Alam ko anak , wag ka mag alala tutulungan kita ha" sabi ni nanay
Nagpaalam na ko sa kanya at sa mga bata , nawalan na ko ng gana kaya uuwi nalang ako ..
Pagkadating ko sa bahay dumeretso ako sa dining , at naabutan ko sina Xander at Luhan na kumakain
"Bat ang aga mo ata umuwi ngayon , kadalasan ginagabi ka pag nasa Love house ka ahh" -Luhan
"Si Jace andito pa ba ?" tanong ko
"Yes ! Nandito pa ko, bakit?" sagot ni Jace mula sa likod ko galing kasi siya sa taas, dumeretso siya sa lamesa at kumuha siya ng pagkain niya at umupo sa tabi ni Xander
"Kelan ka huling pumunta sa Love House?" tanong ko
"Uhmm! Nung ano .. Summer pa yun eh" sagot niya habang ngumunguya
"Nung pumunta ka ba may nakasabay kang babae?"
nang itanong ko kay Jace yan napatigil sa pagkain yung dalawang matanda sa harap ko (Xander at Luhan) at nakatitig lang sila sakin
"Oyy Toffer may pinopormahan ka ba?" tanong ni Xander
" ano bang tanong yan , alam mo namang wala akong panahon sa ganyan eh " seryosong sabi ko
"Eh bak--" hindi na natapos ni Xander yung sasabihin niyang sumigaw si Jace
Pambihira talaga tongJace na to eh ang tanda na ! Yung utak pang kinder eh
" AHH ! Naalala ko na , oo Kuya Toffer may nakasabay ako na bababe ! Kaya lang pauwi na siya nun" excited na saad niya , kaya mas nacurious ako kung sino yung babae
"Sino? Nakilala mo ba?" tanong ko
"Si Keesha , kaya pala nung party , sabi ko sa sarili ko parang pamilyar siya .. buti nalang pina alala mo , kasi buong week inaalala ko yun eh ! , bat mo pala natanong" mahabang sagot niya , pero dahil si Keesha nanaman nag init ulit yung dugo ko
"Wala naman , sige akyat na ko sa kwarto ko"
Pagka pasok ko humiga lang ako
'Kaece asan ka na ba talaga ? Miss na miss ka na ni Kuya!
Keesha's POV
Andito kami ngayon ni Alyssa sa playground ng Village namin , gusto ko muna kasing pagaanin yung atmosphere sa bahay dahil medyo masama parin yung loob ni papa kay Lyssa at sa tingin ko ganun din siya kay Papa
"Ate !" Nakangiting saad niya
"Hmm?"
"Pwede ba kong sumama sa bahay niyo nila Ate Faye?" Tanong niya
Kung ako lang gusto ko , pero sila Papa? At isa pa alam ko yung reason niya kung bakit gusto niyang sumama sakin.
"Kung ako lang yung masusunod ? , gustong gusto ko . Pero Ly may mga magulang tayo . Pero kung gusto mo talaga ipagpapa alam kita" nakangiting sabi ko sa kanya para naman hindi siya sumimangot , nagbago kasi yung expression ng mukha niya nung nag PERO ako eh kaya dinagdagan ko pa ng isa pang PERO.
"Talaga Ate !? , Salamat , kaya mahal na mahal kita eh"
"Oo na , sige na nambola ka pa eh"nakangiting saad ko
"Ate!" Seryosong tawag niya kaya napatingin ako sa kanya
"Bakit?"
"May balita ka na ba?"nag aalangang tanong niya
Nawala naman yung mga ngiti ko, dahil hanggang ngayon hindi pa tumatawag yung PI (private investigator) ko
Umiling lang ako bilang sagot at natahimik na kaming dalawa
maya maya pa naramdaman kong nagvibrate yung phone ko
"Anak malapit ng mag dilim uwi na kayo "
-Mama
Pagkabasa ko ng text ni mama inaya ko na si Alyssa at naglakad na kami pauwi
Tahimik kaming naglalakad , napatingin ako kay Lyssa at parang ang lalim ng iniisip niya , tungkol siguro kay Kuya Gab
" excited na kong makita siya, alam mo ba na pinepredict ko na yung mga pwedeng mangyare kapag magkakasama na tayong tatlo" nakangiting kwento ko habang nakatingin sa taas , napansin ko namang napatingin siya sakin kaya binaba ko sa kanya yung tingin ko at nginitian siya
"Salamat ate" napakunot yung noo ko ng magpasalamat siya
"Para san?" Tanong ko ng huminto kami sa tapat ng gate namin at hinintay yung sagot niya
"Salamat kasi kasama parin ako sa mga gusto mong mangyare pag nagkita na kayo . Salamat kasi lagi kang nanjan para sakin"
Napangiti lang ako sa sinabi niya at ginulo yung buhok niya
"Kapatid kita lagi mong tatandaan yan. Pasok na tayo"
'Sana nga Kuya makita na kita . Para makilala mo rin siya , sure ako matutuwa ka sa kanya..
____________________
YOU ARE READING
Remembering You
Teen FictionThis Story is about a girl who will do what she can to find out where her brother is. A Lady who will do everything for her Friends. And a Lady that will Love HIM with all of her heart.
