(a/n: gusto ko lang po sabihin na hindi po ganun kahaba ang chapter na ito .. This Chapter is only for the information about Kaece and Gabriel.. It is important)
Michael's POV
since puro practice ng graduation namin yung inaatupag sa school maasikaso ko na yung Kuya ni Keesha
At ngayon papasok sa Orphanage kung san nakikilala nila Lyssa yung Ate niya
Dumeretso ako agad sa office, pero syempre kumatok na muna ako bago pumasok
"Good Morning ijo, anong matutulong namin sayo?" Tanong ng isang matandang babae
Parang siya yung taga pangalaga ng orphanage na ito, at mukhang siya rin yung pinaka head dito
"May itatanong lang po ako tungkol sa dating Orphan na nandito, pero ngayon ho naampon na siya, si Kaece Dela Vega"
"Pasensya na anak pero hindi kasi kami naglalabas ng kahit na anong information tungkol sa mga batang nandito noon man hanggang ngayon lalo na kung hindi ito kamag anak"
"Ganun po ba?" Tanong ko at humingi ulit siya sakin ng pasensya
Pero kailangan kong malaman kung meron bang naghahanap sa kanya o kahit na anong lead na tutulong sakin para mahanap ko yung kuya niya
"Ako po si Michael Lau, best friend ko po si Keesha Salvador, at gusto niyang malaman kung sakaling hinahanap ba siya o hinanap ba siya ng kuya dito" sigurado akong alam mong si Keesha at Kaece ay iisa
"Keesha siya yung panganay na anak nila Mr Shawn at Mrs Ailyn Salvador hindi ba? Ano naman yung kinalaman nito kay Kaece Dela Vega?" Tanong niya
Teka bakit hindi niya alam?
Hindi kaya wala na dito yung dating nangangalaga ng Orphanage
"Bakit hindi niyo po alam?"
Hindi niya sinagot yung tanong ko
"Sige ganito na lang mag iwan ka ng calling card o yung number mo tatanong ko kaila nanay kung may kilala silang maaring maghanap sa tinatanong mo"
Agad agad kong nilabas ang calling card ko at inabot sa kanya saka ako nagpaalam at umalis
Sana this time mahanap ka na namin
Ang hirap kasi na makitang nahihirapan si Kee sa twing naalala ka niya...
Toffer's POV
Nakatambay ako ngayon dito sa ospital nila Jace kasama si Tyler
Ako naman ngayon yung mangungulit sa batang yun
"Napakatagal naman ni Kuya Jace nagugutom na ko Kuya!!"
Pagrereklamo ni Tyler alas diyes pa lang naman kasi kaya hindi pa ako nakakaramdam ng gutom
Pero dahil sa dakilang patay gutom si Tyler ayun halos magwala dito sa rooftop
"Maghintay ka pa ng konti aakyat rin yun .. Tsaka halos kakain lang natin gutom ka na naman"
"Nakakagutom kayang maghintay, saka san ba tayo pupunta after nito?" Tanong niya
"Uuwi na" parang wala lang na sabi ko
"Huh?, eh bakit sinama mo pa ko?"
"Para may kasama akong maghintay kay Jace , tsaka wag ka ngang maingay pwede , dami ming satsat eh , nabibingi na ko" pagtataray ko sa kanya kaya nanahimik narin siya
Maya maya pa nagring bigla yung phone ko
Hindi ko na din tinignan yung caller basta ko na lang siya sinagot
"Hello?"
“Toffer anak?”
"Nay napatawag po kayo? May problema po ba sa love house?, may balita na po ba kay Kaece?"
“walang problema, pero kahapon may lalaking pumunta dito at nagtanong rin tungkol kay Kaece”
"Ano pong sinabi niyo?"
“sinabi ko sa kanya yung tungkol sayo, tapos nag iwan siya ng calling card dito”
"Ganun po ba , sige po papunta na po ako" saad ko at binaba yung tawag
Tatakbo na sana ako pababa ng hinatak ako ni Tyler
"San ka pupunta?"
"Love House, dito ka lang hintayin mo si Jace babalik ako"
"Sigurado ka?"
"Oo, alis na ko, sabihin mo nalang kay Jace"
Pagkasabi ko nun dumeretso na ko sa parking at ilang saglit lang nakarating ako agad sa Love House
"Nay nasan po yung calling card?"
Inabot niya sakin ito at agad na tinawagan ang may ari ng calling card
“hello?, who's this?” tanong ng lalaki sa kabilang linya
"Hello! Its Kristoffer Lopez, gusto ko lang malaman yung tungkol kay Kaece Dela Vega"
“Good Afternoon Mr. Lopez, im Michael Lau, yung tungkol kay Kaece is it okay if we meet later?, busy pa kasi ako ngayon”
"Sure, ill text you the place, just tell me what time"
”5:30pm is it okay?”
"Sure, thank you, bye"
Saad ko at nang makapagpaalam na rin siya ay binaba ko rin agad yung tawag saka ako bumalik sa ospital
__________________________________________________
Magkikita na nga kaya sina Toffer at Keesha bilang sina
Gabriel at Kaece?
Lets just wait for the big event guys!!
And i just want to thank you for staying, for the patience and of course for your support.
I owe you a lot 😍
노무 사랑해 😍
감사함니다
I Love You very much
Thank You
YOU ARE READING
Remembering You
Novela JuvenilThis Story is about a girl who will do what she can to find out where her brother is. A Lady who will do everything for her Friends. And a Lady that will Love HIM with all of her heart.