ENVIOUS

37 4 0
                                        

Julia's POV

Ilang araw na rin yung lumipas matapos kami pag kaisahan ng mga kaibigan namin sa Bar nila Dave  ..

Totoo hindi kami ni Xander pero inamin na nga niya sakin na pareho kami ng nararamdaman sa isat isa .. Pero di niya alam na gusto ko rin siya

Nung una akala ko niloloko niya lang ako pero hindi pala.. Kaya medyo nailang ako sa kanya

At nang mapansin niya yun kinausap niya ko tungkol dun at sinabihan na wag akong mailang .. Kaya sinunod ko na lang siya

Buti nalang kahit papano nakakatulong yung presence ni Kuya Steph kaya di ako masyadong naiilang sa kanya..

At ngayon kasama ko si Kuya Steph dahil nagpapractice kaming mag food carve for our project

"Kuya Steph ganito ba?" Tumingin siya sakin pero bago niya ko tinulungan tinawanan niya muna ako

"Ganto kasi yan" saad niya ng makalapit sakin at inalalayan niya yung kamay ko , saka niya hiniwa yung watermelon

May project kasi kami at kami yung partner kaya nandito ako ngayon sa bahay nila para mag practice

"Yan .. O diba muka na siyang kaninbaboy" saad niya at sabay kaming natawa

"Pano tayo mananalo niyan .. Pareho tayong walang talent"

"Masarap naman na akong magluto eh , may future na ko"

"Ah so anong ibig mong sabihin ? .. Ako wala ganun" inis na saad ko , pero lokohan lang naman

"Ikaw may sabi niyan" saad niya at naglakad papunta sa kitchen nila "tara mag bake nalang tayo" dagdag niya

"Pano yung kalat dito?" Sigaw na tanong ko

"Kung mabait ka ligpitin mo , kung hindi naman mag utos ka nalang sa maid jan" napaka bait niya talagang kuya , maasahan mo talaga

Mabait naman ako kaya lang tamad , kaya inutusan ko nalang yung maid na ayusin yung kalat namin...

Sa mga ganitong oras halos lahat sila wala dito sa bahay nila .. Kami lang ni Kuya Steph at nasa kanya kanya namang kwarto sina Dave at Kuya Zach yung iba nasa school tulad nila Kean , pati na rin si Ethan

Tapos si Jace naman daw nasa ospital

Yung iba ewan ko kahit nga si Xander the Hamster wala dito eh

Pumunta na ko sa kitchen at inabutan kong inaayos ni Kuya Steph yung mga gagamitin namin sa pagbebake pati na rin yung mga ingredients

Sinimulan na namin paghalu haluin sila at natatawa nalang ako sa ginagawa namin

"Pareho tayong naka abot ng 4th year , pareho tayong halos walang natutunan hahaha" saad ko , kaya natawa siya ng bahagya

"Tatay kasi ng best friend ko may ari ng school kaya ganun hahaha" sabi niya

habang dinudurog ko yung mga strawberries na ihahalo namin sa cake .. Kinakain niya na yung iba

"Yah! Wag mong kainin kaya hindi sumasarap eh" saad ko

"Masarap eh" sabi niya at kukuha pa dapat nang paluin ko yung kamay niya..

Kinuha ko na lahat ng strawberry at sabay sabay ko na silang dinurog para wala na siya makuha pa

Habang hinahalo ko na siya sa flour nagtaka ako ng kinuha ni Kuya Steph yung paminta pati na yung iba nilang condiments

"Anong gagawin mo jan?" Nagtatakang tanong ko

"Ilalagay ko jan sa ginagawa mo" seryosong saad niya
Nang ibubuhos na niya napasigaw ako at nilayo yung bowl sa kanya

Remembering YouWhere stories live. Discover now