CLOSER

26 4 0
                                    

5 MONTHS AFTER

Faye's POV

Sa nakalipas na limang buwan mas lalo kaming napalapit kina Dylan

Napansin ko ding mas naging close si Lj kay Kuya Xander , hindi na nga niya tinatawag na kuya yun eh

Si Kee naman ayun , feel na feel niya yung pagiging Ate sa dalawang pasaway na sina Kean at Matt

Si Kee rin yung naging ka-close ni Nicole

At ngayon magkakasama ulit kami dahil 3rd year anniversary ng Bar na pagmamay-ari nina David

Nandito kami ngayon sa isa sa mga private room at masayang nagkukwentuhan at syempre inuman..

"So ano wala bang aamin jan .. Alam niyo kasi matagal ko ng napapansin yun eh .. Yung sa tuwing mag kakasama tayo lagi silang nagsosolo tulad ngayon" pagpaparinig ni Dave

Sabay lagok ng beer na hawak niya

Napalingon-lingon naman ako sa paligid at hinanap kung sino yung tinutukoy niya

Hindi naman si Keesha kasi naglalaro sila ni Matthew sa phone ng kung ano.. Tsaka nasa pagitan siya ni Jace at ni Matt , kaya imposibleng sila yung nagsosolo

Nalipat yung tingin ko kina Nicole at Ethan hindi rin naman sila ,ni hindi nga sila magkatabi ... Kaya naman hinanap ng mga mata ko yung bestfriend kong baliw at

Aba! Sabi na eh may secret agenda tong dalawang to eh

"Pansin ko rin yun , mga ilang linggo na.. Tingin ko talaga may ganap eh" sakay ko sa trip ni Dave

"Sino yun?" Bulong ng katabi kong si Dylan

Nginuso ko naman sa kanya yung dalawa sa sulok

"Ayon oh" saad ko , lahat sila na focus na sa dalawa , except Keesha and Matt na busy sa pag lalaro

"Oyy! Amin amin din pag may time , hahaha! " Luhan

"Di naman namin pagkakalat" Tyler

"Ano ba yun?" Tanong ni Kuya Xander

"Hala! Guys! Dinedeny pa oh" pang aasar ni Ethan .. Yung iba naman tawa lang ng tawa

Si Kuya Toffer walang paki alam tulad nung dalawang naglalaro

"Anong dinedeny ? Ano ba kasi yun?" tanong rin ni Lj

"Gets ko na" sabi naman ni Kuya Xander

"Kayo na Kuya?" manghang saad ni Tyler na nakapukaw ng pansin ng mga walang paki alam kanina

"Sino?" Sabay na tanong nina Matt at Keesha , si Kuya Toffer naman pinagmamasdan lang kami

"Hindi pa sila umaamin .. Ano kayo na ba?" saad ko

Napansin kong nagkatinginan muna sila bago sumagot

Bahagyang umubo si Kuya Xander at

"Hindi pa!" Nakangiting saad niya

Remembering YouWhere stories live. Discover now