Ethan's POVAlmost a month graduation na ... At dapat masaya ako pero di ko magawa
Bakit?
Kasi one month nalang aalis na si Nicole .. Gusto ko man siyang pigilan hindi naman pwede
All i can do is to support her .. Even if its hard to do , i need to.
"Ethan!" sigaw ng pinaka importanteng babae sa buhay ko maliban sa Ate at Mama ko
"Bakit naman ang tagal tagal mo ? Kanina pa ko naghihintay sayo"
"Sorry , natraffic kasi ako pasensya na" pagpapaliwanag niya habang hingal na hingal
"Kain na nga muna tayo parang pagod na pagod ka eh"
"Anong parang? Pagod na pagod talaga ! Mukha pa kong tanga kanina tinaktakbo ko yung skelator"
Hindi ko na siya sinagot ... Hinatak ko nalang siya papunta sa favorite niya fast food ang MCDO
Humanap muna kami ng table bago ako pumila para umorder
Nang makapagbayad ako at nang okay na yung order namin bumalik na ko sa table kung nasan si Nicole
"Here's your favorite MCspaghetti my lady"
"Ethan shut up ... Mamaya ka na mag ganyan wala pa ko sa mood"
"Tss, fine"
Sabi ko at kumain nalang
Sa buong oras na nasa loob kami ng Mcdo napaka tahimik niya
Hanggang sa matapos kaming kumain ang tahi-tahimik niya talaga
Wala talaga siya sa mood ...
Babasagin ko na sana yung katahimikan ng maramdaman kong nag vibrate yung phone ko
Fr. Matt
Kuya andito na kami sa dorm ni Ate Nic , pano nga ulit yung gagawin namin dito?
Tanong niya
Anak ng tipaklong naman yan oh....
Mag eexplain na naman ako
To. Matt
Iayos niyo lang yung mga stitch jan sa ibabaw ng kama niya ... Pati yung mga balloon at confetti sa buong bahay.... Tapos idikit niyo ng maayos sa pader yung banner na ginawa ko.... AYUSIN niyo ah
At sinend ko na nga
"Uyy ! Sinong ka text mo?" Tanong niya ng mapansing busy ako sa pakikipag text
"Ha! A... Ano si Matt nangungulit lang" palusot ko
Napansin ko namang parang lumungkot yung mukha niya
"Huy! May problema ka ba? ... Kanina ka pa tahimik eh.... Kaya nga tayo umalis ngayon para mag enjoy , hindi para magmukmok ka lang" saad ko
"Mamimiss ko yung batang yun , pati si Kean ... Actually lahat kayo" malungkot na sabi niya
"Tss ang oa mo Nic two months ka lang namang mawawala may paganyan - ganyan ka pa" nakangiting sabi ko .. Para rin medyo mabawasan yung lungkot niya
Tinignan niya lang ako ng masama dahil sa pangbabasag ko sa emote niya
"Alam mo ang kj mo ... Tara arcade nalang tayo" saad niya saka tumayo deretso lakad palabas
YOU ARE READING
Remembering You
Teen FictionThis Story is about a girl who will do what she can to find out where her brother is. A Lady who will do everything for her Friends. And a Lady that will Love HIM with all of her heart.