BEST FRIEND (part.two)

41 6 2
                                    

Keesha's POV

pagmulat ko ng mata ko nagtataka ako kung bakit nandito ako sa kwarto ko at inalala yung mga nangyare ng biglang pumasok sa isip ko si Chael

(a/n: always remember guys Khel po yung basa sa Chael)

Napabangon ako at tumakbo pababa

"Chael !" Sigaw ko ng makababa ako

Na naging dahilan ng pagtakbo rin nila papunta sakin

"Bakit? May nangyare ba ? May masakit ba sayo?" nag aalalang tanong ni Michael

Umiling lang ako bilang sagot

"Wala , akala ko kasi umuwi ka na" saad ko

"Bukas na ko uuwi , nakapag paalam narin ako kina Mom , may bakanteng kwarto pa naman di ba" saad niya , nag nod naman ako bilang sagot

"Gusto mo na bang kumain Kee?" Tanong ni Lj

"Ayoko wala akong gana" saad ko "akyat lang muna ako ulit ahh" dagdag ko at umakyat na ulit sa kwarto ko

Pagkapasok ko agad kong hinanap yung phone ko

"Naihagis ko nga pala kanina , badtrip naman kasi eh noh" saad ko at nahiga na sa kama ko

"Maam Keesha pasensya na po , pero hanggang ngayon wala pa po akong lead sa Kuya niyo, at yung puntod naman po ng parents niyo di ko pa sure kung yun talaga kaya i che-check ko po muna "  saad ng PI ko sa kabilang linya , na naging dahilan para ma badtrip ako ng lubusan

sa sobrang inis ko nasigawan ko siya at tinanggal sa trabaho

Sa totoo lang wala naman talaga siyang kwenta , isang taon na , at sa isang taon na yun lahat ng ibinabalita niya sakin hindi niya sure at lumipas na

Tulad nalang ng pag aaral daw ni Kuya sa SMU kaya ako lumipat ng school dahil dun tapos malalaman ko naka graduate na pala siya

Diba muntanga lang , kaya ngayon di ko alam kung mahahanap ko pa si Kuya Gab

Siguro kukuha nalang ako ng bagong Investigator at sana this time matulungan niya ko

Inayos ko lang yung sarili ko at nagsimula na ko ulit sa pagtulog..

Michael's POV

Nagising ako dahil sa makulit na nangingiliti sa paa ko

"Yah! Chael bangon ka na .. Samahan mo ko bili tayo ng phone ko" sabi ng makulit na babaeng nakaupo sa gilid ng kama ko

"Mamaya maaga pa" sagot ko at umikot pakaliwa na naging dahilan para malaglag ako sa kama

*BOGSSHH!!

at kasunod ng pagkalaglag ko ay ang sumisiklab na tawa ng butihin kong kaibigan

"HAHAHAHAHAHA ! bumangon .. Hahaha ... Ka na kasi ... Hahaha" sabi niya habang tumatawa at halos maiyak pa siya

"Napaka bait mo Denden kaya mahal na mahal kita eh" sarkastikong sabi ko at sinamaan siya ng tingin

"Sorry ang panget mo kasi eh , hahaha .. Ligo ka na antayin kita sa baba" sabi niya saka lumabas sa kwarto

Tumayo na ko at dumeretso na sa cr.

Ang hirap ng may best friend kang babae lalo pag kagaya ni Denice nako sakit sa ulo

Kaya kayo wag na wag kayong makikipag kaibigan sa kanila lalo kung di niyo kayang panindigan ang pagiging best friend lang

Nang matapos kong ayusin ang sarili ko bumaba na ko

Remembering YouWhere stories live. Discover now