SHE'S BACK

46 3 0
                                        

Julia's POV

Isang linggo na yung lumipas wala parin si Keesha

Kaya ngayon nandito nanaman yung dalawa niyang kaklase at nangungulit na pauwiin ko na si Keesha

"Yah! Noona , si Keesha noona pauwin mo na!" pangungulit ni Matthew

(a/n: remember  si Matthew Go is half korean 'chapter four' )

"Hindi nga sumasagot sa tawag ko di ba!"

"San ba yung bahay nila ? Sunduin kaya natin siya?" suggest ni Kean

" alam niyo wala kayong magagawa pag si Alyssa na yung kalaban niyo jan kay Keesha" sabat ni Faye habang naglilinis ng kuko niya

"Huh? / Sino yun?" sabay na tanong nila

"Bunsong kapatid ni Kee" sagot ko

"May kapatid si noona?" tanong ni Matt

"Yep. Actually ka edad niyo yun" sagot ulit ni Faye

" ano bang nangyare dun kay Alyssa ? Bat hanggang ngayon wala pa si Ate Kee?" ngumunguyang tanong ni Kean

"Sa ngayon hindi pa namin alam , siguro pag uwi nalang ni Keesha mag kukwento naman yun eh"

"psh! , nakaka inis naman yung Alyssa na yun . Namimiss ko na si noona eh!" pagmamaktol ni Matthew kaya napatingin kami sa kanya , pero kinalikot lang niya yung phone niya

Nagkatinginan kami ni Kean at sabay na napangiti ng nakakaloko

Tumayo ako at pumunta sa kabilang side ni Matt at ganun din naman yung ginawa ni Kean at sabay naming sinilip yung phone ni Matt

"Noo-na. Ke-lan - ka - ba - ba-ba-lik?" basa ko sa tinetext niya kay Kee

"Miss-ka-na-namin!" - mabagal na basa ni Kean

"Talaga ba Matt? Baka naman ikaw lang?" Mapang asar na sabi ni Kean kay Matt

"Yiieee~ si Matthew puma pag-ibig. HAHAHAHA"

"makatawa kailangan wagas Ate Juls" saad ni Kean

"YAH !" sigaw ni Matt at tinignan kami ni Kean ng huwag-kayong-maingay-look at nginuso niya pa si Faye

Kaya naman lahat kami napatingin kay Faye

"Tss . Huwag ka mag alala Matt di ko sasabihin sa kanya na crush mo siya" nakangiting sabi ni Faye , na para bang hindi mo pagkakatiwalaan yung mga sinabi niya dahil sa mga ngiting yun ..

Ibinuka na ni Matt yung bibig niya para sana mag salita ng may nauna sa kanya

"Sinong crush ni Matt?" nagtatakang tanong ng babae sa may pinto namin , kaya lahat kami gulat na napatingin sa kanya

"Kee ? / Keesha ? / Ate Kee ? / Noona ?" O.O gulat na sabay sabay naming sabi sa kanya ng makita namin siya

"Teka! Bakit parang hindi kayo masaya na makita ako , para kayong nakakita ng multo eh!" malungkot na saad niya

Remembering YouWhere stories live. Discover now