Despidida (YES)

25 4 1
                                    

Xander's POV

matapos ang madramang moment nila Nicole at Ethan nag solo na sila, at balik naman kaming lahat sa mga ginagawa namin kanina

Nagvivideoke kami ngayon nila Stephen kasama yung iba na kanina may mga sariling mundo rin

Sa ngayon kasi sina Ethan lang yung nakahiwalay samin at ngayon kasalukuyang kumakanta si Faye ng Speak Now ni Taylor Swift

At kasalukuyan ding naglalaro ng bato-bato-pick si Julia at Steph pero hindi kasi siya yung natural na mechanics nung laro, kahit ako hindi ko maintindihan kung bakit si Julia yung laging pumipitik kay Steph samantalang lagi namang nanalo yung isa


Besides naiinis rin kasi ako

Pansin ko kasi na parang umiiwas sakin si Julia, mula kasi nung dumating sila lagi akong gumagawa ng paraan na masolo siya ang problema, siya na mismo yung kusang lumalayo

Okay lang sana na lumayo siya sakin kung sa mga babae din siya sasama, ang nakakainis kasi lagi siyang nakabuntot kay Steph

At dahil sa hindi ko na kayang makita na napapangiti siya ng iba tumayo ako at pumasok sa loob ng bahay para kumuha ng beer

Pagkapasok ko sa kitchen, naabutan ko si Toffer na mag isang umiinom sa dining, kaya dumeretso na ko sa ref para makakuha ng maiinom

"Bat parang badtrip ka?, anong problema?" tanong niya pagka upo ko

"Tss, wala to intindihin mo nalang yung kapatid mo"

"Woah! Bat nadamay ako sa inis mo? Concerned lang naman ako"

"Nakakabadtrip lang kasi, ako yung manliligaw pero sa iba nakatuon yung focus niya"

"Xander natural yun close sila ni Steph eh, tsaka lagi silang magkasama kaya nasanay na sila sa isat isa, pero sure ako walang namamagitan sa dalawang yun"

"Sana nga"

Nagkwentuhan lang rin kami ni Toffer at yung pinaka mahabang napag usapan namin ay yung tungkol kay Kaece, actually hanggang ngayon eh

"Seryoso ka?"gulat na tanong ko ng sabihin niyang may nagpuntang lalaki sa Love House at nagtanong tungkol sa kapatid niya


"Kahit ako nagulat, halos limang taon ko na siyang hinahanap, ngayon lang ako nakarinig ng tungkol sa kanya na alam kong sigurado na"

"Anong sabi nung Michael Lau?"

Sasagutin na sana ni Toffer yung tanong ko ng marinig namin bigla yung boses ni Julia sa mic

"Inaalay ko itong kanta na to para sayo Kuya Steph" saad niya at nagsimula na ngang tumugtog

**playing Hey Stephen - Taylor Swift

🎶Hey Stephen,
I know looks can be deceiving
But I know I saw a light in you.
And as we walked
We were talking –
I didn't say half the things I wanted to.🎶

Wow! what a beautiful song, nakainis na talaga

🎶Of all the girls tossing rocks at your window
I'll be the one waiting there even when it's cold.
Hey Stephen,
Boy, you might have me believing
I don't always have to be alone.🎶

Tumingin ako kay Toffer na parang sinasabing “Toffer pigilan mo ko”

🎶Cause I can't help it if you look like an angel,
Can't help it if I wanna kiss you in the rain.
So come feel this magic I've been feeling since I met you.
Can't help it if there's no one else.
Mmm, I can't help myself.🎶

Pero ng marinig ko yung Chorus hindi ko na talaga napigilan yung sarili ko, kaya naman naglakad na ko papunta sa kanya bago pa niya matapos yung buong kanta

🎶Hey Stephen,
I've been holding back this feeling.
So I've got some things to say to you, ha.
I seen it all –---

"Ahh ano bang problema mo?" Reklamo niya ng bigla ko nalang siyang hinatak

Napansin ko rin na tatayo sana si Steph sa pagkaka upo, pero huminto ako sa paglakad at hinarap siya

"Please wag muna ngayon" saad ko at naglakad ulit habang hatak hatak ko si Julia

Hanggang sa makarating kami sa garden sa harap ng bahay

"Ano bang problema mo?" Sigaw ko sa kanya ng makahinto na kami sa paglalakad

"Wow! Ikaw pa talaga yung nagtanong niyan ah! Samantalang ikaw tong nang interrupt at biglang nanghatak"


"Nakaka asar ka na kasi, hindi ko malaman kung ano ba talagang balak mo sakin, ilang buwan na kong nanliligaw sayo pero parang wala kang paki alam sa nararamdaman ko, isama na natin na halos kayo lang si Steph yung ginagawan ni Author madalas ng moment, pero sana maisip mo rin naman minsan kung ano yung pwede kong maramdaman sa mga ginagawa mo"mahabang litanya ko

Pero wala akong nakuhang matinong sagot mula sa kanya, tanging ngiti lang niya

"What the! Julia naman, ano hanggang ganito nalang ba tayo? Kung ganon sabihin mo nalang sakin, para naman hindi nasasayang yung ora---"

Natahimik ako ng bigla niya kong hinalikan sa labi ko

"Infairness mabisa pala talaga yun! Sa twing nakakabasa at nakakakita ako ng mga ganung scene sa t.v naiinis ako eh, pero--"

"Bat.... Bakit...."

"Bakit ko ginawa yun? Ang daldal mo kasi. Tsaka hindi ko kasi nagustuhan yung sinabi mo, Xander akala mo lang na wala akong paki sayo, pero sa totoo lang matagal ko nang gustong sabihin sayo to, hindi ko lang alam kung paano" saad niya


"Sabihin ang ano?"


"Sabihin sayo na tulad mo ganun din yung nararamdaman ko para sayo, Xander Mahal rin Kita matagal na, nabigla lang ako nung umamin ka sakin kaya hindi ako nakasagot agad, pero okay na rin yun kasi nalaman kong kaya mo rin akong hintayin, ang problema nga lang kaya mo rin akong sukuan"

"Nagkakamali ka Julia, nasabi ko lang naman kasi yun dahil sa parang mas may care ka pa kay Steph kesa sakin"

"Masyado ka kasing seloso, bad trip ka eh"

"So ano? Tayo na?"  Tanong ko

Luminga-linga pa siya sa paligid saka huminga ng malalim bago tumingin ng deretso sa mga mata ko


"To make it official, Yes Mr. Alexander sinasagot na kita. Tayo na"



Hindi na ko nagsalita pa ng kahit na ano hinatak ko nalang siya at muling naglapat ang mga labi namin



Hindi nagtagal at nakarinig kami ng palakpakan sa paligid at kung ano anong pang aasar ang inabot namin sa mga mababait naming kaibigan


tss, mga papansin gusto ko pang masolo tong babaeng to ang kaso napakaraming epal sa bahay na to

Since malapit kami sa gate, tinignan ko si Julia saka ngumiti ng malawak bago ko hinatak palabas ng bahay

"San tayo pupunta?"

"Sosolohin muna kita, bawi nalang tayo kay Nicole sa susunod"

Pagkasabi ko nun hindi na siya nagsalita at tumakbo nalang rin siya

__________________________________________________

Remembering YouWhere stories live. Discover now