Keesha's POV
Nang makarating kami sa school pinark ko lang ng maayos yung kotse ko , at dumeretso na kami sa guidance office
"Infairness ang ganda pala dito"
"Grabe ang laki pala ng school na to"
sabay na sinabi ni Faye at Leigh na halata mong manghang mangha sa nakikita nila
"tss. Para naman kayong mga kindergarten na first time makapasok sa amusement park"
sarcastic na sabi ko sa dalawa
nang makarating kami sa guidance office , halos lahat ng nasa loob napatingin samin
"Good morning po!"
Sabay sabay na sabi naming tatlo
"Kayo ba yung transferees?"
Tanong ng isang prof samin
'Hindi ba halata ? Kami lang naman yung bagong lipat sa school niyo diba ? Tsaka dapat mas alam niyo yun eh . Katanga naman ng isang to'
Narinig kong bulong ni Leigh
may pagka baliw talaga tong taong to"Opo kami nga po" sagot ni Faye
"Anong course niyo" tanong pa niya ulit
'Ano ba yan pati ba naman yung course di pa alam?'
Baliw na talaga tong isang to
"Tourism po ako" sagot ni Faye
Maya maya pa yung isang prof tumayo at
"Tara sa first class mo"
Tumango lang si Faye at sumama na dun sa isang prof"HRM naman po ako"
Sagot naman ni Leigh na akala mo huwarang estudyante
"Yung sched ng HRM tuesday - friday kaya ngayon wala kang klase kasi monday , ito yung schedule mo"
Sabi nung prof at inabot sa kanya yung papel kung saan naka sulat yung sched niya .
Hindi kasi kami yung nag asikaso ng pag transfer namin dito kaya wala kaming alam sa mga bagay bagay na sinasabi ng mga prof na to
Basta binigay ko sa secretary ni Dad yung papers namin tapos !
"BSBA-HRDM po ako"
Sabi ko sa guidance councilor
"Mamaya pang 10 am yung start ng class mo , ito na rin yung sched mo"
sabi niya sabay abot sakin nung papel
Nagpaalam na kami ni Leigh sa kanya at lumabas na ng office
"So Kee uwi na ko, bukas pa pala ako, ingat kayo mamaya pauwi ah, bye"
"Tara hatid na kita 8 palang naman mamaya pa mag start klase ko "
"Wag na malapit lang naman eh , sige bye"
"Sige , INGAT!"
sa totoo lang kasi walking distance lang talaga yung bahay namin , maarte lang talaga kami
At ngayong wala na si Leigh ano ng gagawin ko?
Inikot ko yung buong campus at habang naglalakad ako
*BOOGGSSHH*
"ahh"
"Hala miss okay ka lang ? Naku may sugat ka sa binti "
YOU ARE READING
Remembering You
Teen FictionThis Story is about a girl who will do what she can to find out where her brother is. A Lady who will do everything for her Friends. And a Lady that will Love HIM with all of her heart.