#SURPRISE

62 5 6
                                        

Matt's POV

kakatapos lang ng graduation ni kuya Jace , pero sabi nila mag stay daw muna kami saglit dito sa social hall ng school bago umuwi , nag picture picture lang kami kasama yung parents ni Kuya Jace at parents ko , syempre kami may ari ng school kaya andito sila mom at dad dahil may speech si dad para sa mga graduates ,

Nang mag fofour pm na nag aya na si Kuya Jace na umuwi , may dadaanan pa daw kasi siya , para saktong 5 nasa bahay na kami

"Mom ,Dad next week nalang tayo mag celebrate ha , sakanila muna , okay lang?" tanong ni Kuya Jace kina Tita

"Oo naman anak , sige" sabi ni tita Jenny

"Kung ganon aalis na kami ng mommy mo Jace , mag ingat kayo pauwi" sabi naman ni Tito Carlo

"Opo dad , kayo rin po , bye mom" pagpapaalam ni Kuya Jace

Nag paalam narin kami sa kanila , at aalis na sana ng may naalala ako

"Ma , Pa , aalis na kami" pag papaalam ko rin kina dad na busy sa pag congratulate sa mga grumaduate ng medicine

Lumingon naman samin si mommy

"Sige anak , mag ingat kayo pauwi" sabi ni mommy at humalik sa pisngi ko

"Pa , alis na kami ahh" pag papaalam ko kay dad

" sige mag ingat , Jace congrats ulit ha , guys ingat kayo" sabi niya

At tuluyan na nga kaming umalis sa school

Si Kuya Toffer yung nag drive ng kotse

"San ba muna tayo pupunta Jace" tanong ni kuya Xander

"Daan muna tayo sa mall saglit" sagot ni Kuya Jace

"Ano bang bibilin mo?" tanong naman ni Kean

"Basta secret"

"tss may nalalaman ka pang secret , malalaman rin naman namin yun mamaya" sabi ko

"Hindi din" sagot ulit ni kuya Jace

Nacurious naman daw tuloy ako bigla kung ano ung bibilin niya ..

Nang makarating kami sa mall , bumaba na si Kuya Jace , wala namang nag balak sumama sa kaniya sa loob dahil halos lahat kami pagod , besides ayaw din naman niyang mag pasama sa kahit na sino samin

"Text ko na kaya sila Luhan na malapit na tayo" biglang sabi ni Kuya Xander
napatingin naman ako sa kanya kasi medyo malayo pa to sa bahay namin

"Medyo malayo pa to kuya ahh?" Saad ko

"Okay lang yun para makapag ready na sila " sagot ni Kuya

"Sabagay , may point ka , sige text mo na"  sabi ko

maya maya pa dumating na rin si kuya Jace na may hawak na paper bag , medyo malaki at walang tatak , tapos talagang naka sealed , yung tipong di mo talaga makikita yung loob

"Tara na kuya Toffer" sabi niya kay Kuya Toffer na maka ayos na siya ng upo at pina andar na ni Kuya yung Van

David's POV

Nang makatanggap si Kuya Luhan ng text , umakyat na kami agad at nag ready na , kaya lang kanina pa kami andito hanggang ngayon wala parin sila

"Kuya Lu akala ko ba malapit na sila ? Kanina pa tayo andito eh hanggang ngayon wala pa rin." Inip na saad ni Tyler

"Ewan ko ba sa mga yun , pero malay niyo naman malapit na talaga sila"sagot naman ni Kuya Luhan

Habang tinitignan ko yung paligid ng rooftop kung okay na ba lahat , napako yung tingin ko sa isang tao, kaya naman nilapitan ko siya

Remembering YouWhere stories live. Discover now