Keesha's POV
After graduation umalis na kami agad sa venue pero syempre nag paalam ako kay Nicole
Gusto ko sanang sumama sa paghatid sa kanya sa airport kaya lang may business trip sila mama at ngayon din sila aalis so kailangan ako ni Lyssa
Dumeretso kami sa restaurant na pinareserve nila papa para mag dinner bago sila umalis
Nandito din sa parking lot yung kotse ni Michael kaya sa kaniya kami sasabay after this sure yun..
Nung maka order na kami ay .. Syempre nag antay kami na dumating yung pagkain
Kaya habang naghihintay sandamakmak na habilin naman ang inabot ko kila mama
"Keesha si Lyssa ha bantayan mong mabuti, baka mamaya gumawa nanaman ng kung anong kalokohan yang batang yan" sabi ni papa
Napansin ko naman agad yung pag yuko niya at since katabi ko siya hinawakan ko nalang yung kamay niya para maramdaman niya yung pag comfort ko sa kanya
"Wag po kayong mag alala papa sure naman ako na natuto na si Lyssa sa nangyare dati, tsaka babantayan ko po talaga siya 24/7."
Nag nod lang naman si papa sa sinabi ko
"Pero pa, ok lang ba kung dun muna kami tumuloy ni Lyssa sa bahay namin nila Faye?" Tanong ko
"Oo naman anak, as long as magkasama kayong magkapatid at walang mangyayaring masama sa inyo okay lang yun" sagot naman ni mama ng nakangiti
After sabihin ni mama yun tinignan ko si papa kung sang-ayon siya at base naman sa naging reaksiyon niya, eh wala namang problema
"At nga pala Keesha yung budget niyo for one month nilagay na namin sa account mo kaya wala ng problema, pero mas maganda kung hindi niyo iwi-withdraw agad" dagdag ni papa
Nagtuloy-tuloy lang kami sa pag-uusap nila Michael, sila papa kasi sa trabaho na yung topic, at hindi nagtagal dumating na yung order namin
Infairness ah, ang tagal ng service dito, yung tipong mamamatay ka na sa gutom wala ka pang pagkain tapos ang mahal ng mga foods nila...
"Siya nga pala. Sinong maghahatid sa inyo bukas?" Biglang tanong ni papa sa kalagitnaan ng pagkain namin
"Kahit ako nalang po Tito wala naman po akong gagawin bukas eh" sagot naman ni Michael
"Sure ka ijo? Naistorbo ka na nga namin ngayon eh" saad ni mama na medyo nahihiya yata kay chael
"Tita hindi naman na po kayo others, tsaka si Lyssa naman po at Kee yung ihahatid ko kaya okay lang po"
"Naku anak salamat ha"
"Wala pong anuman"
Hindi nagtagal natapos na rin kaming kumain kaya after lang ng ilang minuto.. Nagpaalam na rin sila mama samin
At tulad nga ng na predict ko kanina kay Chael kami sasabay
YOU ARE READING
Remembering You
Teen FictionThis Story is about a girl who will do what she can to find out where her brother is. A Lady who will do everything for her Friends. And a Lady that will Love HIM with all of her heart.