Julia's POV
pagkauwi ko sa bahay , nagpalit ako ng damit at nahiga ulit
Hayyy! Next time ako na talaga yung mag eenroll sa sarili ko para di ako mukhang tanga at higit sa lahat hindi ako napapagod
Dahil wala akong kasama maghapon natulog lang ako ..
Mga 4 pm dumating na si Faye
"Yah! Si Keesha asan?" tanong ko
"Nasa school pa " sagot niya at dumeretso sa kwarto niya
Di nagtagal dumating na si Kee pero dere-deretso lang siya paakyat habang tumatakbo . Problema nun?
Hindi ko nalang siya pinansin at nag patuloy nalang ako sa pagluluto ng adobo
Bakit ba kasi ako nag hrm eh samantalang lahat ng alam kong iluto eh tinuro lang rin naman ni Keesha
oo mas masarap magluto si Kee kesa saken pero HRM nga kasi ako kaya naman ako pinag luluto nila
After kong matapos sa pagluluto tinawag ko na yung dalawang prinsesa , pero si Faye lang yung bumaba
"Kinatok mo ba si Kee?" tanong ko pagkababa niya
"Oo sunod nalang daw siya"
"May problema ba siya ?"
"hindi ko pa sure pero kaninang umaga kasi nakita ko siya na may kasamang dalawang lalaki tapos papunta sila sa clinic"
Clinic? Bakit
"Bakit may nangyare ba? Nung kinatok mo siya sa kwarto niya ano ginagawa niya?"
"Hindi ko sure kung ano yung nangyare, nung kumatok naman ako di niya binuksan yung pinto sumigaw lang siya"
Tumango lang ako sa kanya at tinuloy na yung pagkain
Hayyyyssss !! ano kayang nangyare dun
After naming kumaen naghugas na ng pinagkainan si Faye at umakyat na rin ako sa kwarto ko
~~~~~~~~
*kriiiiingg
Minulat ko yung mga mata ko tsaka ko pinatay yung napaka ingay kong alarm clock , bumangon na rin ako at ginawa na ang morning routine ko
After kong maligo bababa na ko nang pagbukas ko ng pinto ko sakto rin na palabas na si Keesha
"Kee kagabi kumain ka ba? , tsaka bakit ka tumatakbo paakyat dito nung dumating ka ? , at bakit may benda yang kamay mo? Sabi rin ni Faye na nakita ka niya kahapon na may kasamang dalawang lalaki tapos papunta kayo sa clinic"
Dere-deretsong tanong ko sa kanya , pero yung itsura niya di ko malaman kung matatae ba siya o masusuka
Kung di lang ako nag aalala sa batang to tatawanan ko siya sa itsura niya eh
"Kailangan talaga sunod-sunod?"
tanong niya"Sagutin mo nalang kahit isa lang sa mga tinanong ko"
Inis na saad ko sa kanya"Oo kumain ako kagabi, masyadong maalat yung luto mo"
Sabi niya sabay lakad pababa
Aba't yun pa talaga yung sinagot niya dapat yung kung sino nalang yung dalawang lalaki na kasama niya sa clinic kahapon eh
tapos nilait pa yung luto ko~~
Nang makarating kami sa school dumeretso na ko sa first subject ko
Lumipas ang 1 oras inannounce na nung isa naming blockmate na dismiss na kami
Kaya umalis na ko sa room namin at pupunta muna ako sa cr para mag ayos ng sarili ko
Infairness sa mga kaklase ko ahh ang popogi lalo yung nag announce
Maputi siya gwapo maliit nga langPag pasok ko sa cr medyo maraming tao pumila na ko sa isang cubicle at kung sinuswerte ka nga naman si Faye pala tong nasa unahan ko
"Faye bat ganyan mukha mo?"
"Kasi naman kanina pa ko naiihi eh halos lahat kasi ng cubicle mahaba pila yung iba pa na dito nakapila sa line nato lumipat na sa iba napaka tagal kasi nung nasa loob eh"
Inis na sabi niya
"Antay pa tayo konti malay mo naman matatapos na siya"
Maya-maya pa bumukas na yung pinto
"Ate ayaw ma-flush"
Sabi nung babaeng nasa loob ng pag katagal tagal at dere-deretso siya paalis sa cr
Nag katinginan kami ni Faye at sabay na tinignan yung bowl sa loob
"Eeeeeewwweee!!!! Yuck kadiri naman si ate "
"Yuuuccckkkk!!!!! Napakababoy naman nun ka babaeng tao eh"
Sabay na sabi namin ni Faye
Yung ibang mga babae naman naki silip sa loob ng cubicle
"Yuck! Ano ba yan bat parang may hibla naman yung tae niya hahaha"
girl 1"Kadiri ano ba yan .. Dark brown hahaha"
girl2Yung ibang mga babae nakitawa at nakiyuck nalang rin syempre kasama kami ni Faye sa mga nakitawa lang kasi tapos na kaming mag yuck eh..
Natapos ang araw ko ng wala namang masyadong ginawa
Nung uwian halos sabay sabay kami nila Kee at Faye kaya naman inantay ko nalang sila sa parking lot
Si Keesha may kasamang tatlong lalaki, teka kala ko ba dalawa lang bat tatlo sila.. Taray ganda ng bessy ko
Si Faye naman mukhang nalugi lang hahaha nyare kaya sa isang to?
"Problema mo Faye ?"
"Wala inaantok lang ako tsaka sa room kasi namin may mga liberated"
sagot niya sabay sandal sa kotse ni Keesha
maya-maya pa nakarating narin sila keesha dito
"Aga ng dismissal niyo ngayon ah"
Sabi ni Keesha samin"Sino sila Kee?"
balik na tanong ko sakanya"Teka kilala ko kayo" singit ni Faye "diba kayong dalawa yung kasama ni Kee kahapon sa clinic?" sabi pa niya
"Girls ano ba , interrogation lang ang peg ganun?" pag singit ni Kee sa usapan
"Keesha its okay , Hi im Matthew Go ,18 half korean" sabi nung matangkad na lalaki ang gwapo ahh
"Im Kean Ramos , 18 blockmate namin si Keesha and you're right kami yung kasama ni Keesha sa clinic" sabi naman nung medyo maitim , pero ang gwapo pa rin
"And im Luhan Alcera , 20 " maiksing sabi naman nung isang lalaki na mukhang babae
Magtatanong pa sana ako ng biglang umepal na naman si Keesha
"Okay, kilala niyo na sila so pwede na silang umuwi di ba? Bye guys see you tomorrow"
Pag singit ni Kee sabay taboy sa tatloNang maka alis yung tatlong lalaki inirapan ko siya kasi pina alis noya yung tatlong gwapo tapos siya naman dumiretso agad sa drivers seat at inistart niya na agad yung kotse , so wala kaming choice kundi ang sumunod sa kanya
Ang epal talaga nito yari ka sakin to mamaya sa bahay
Pasakay na dapat ako ng may bumunggo sakin kaya medyo napa atras ako
"Sorry miss , okay ka lang?"
ang .... ang gwapo niya
*********
Hi guys kamusta kayo sensya na kung sobrang tagal bago ako nakapag UD sobrang busy kasi talaga sa school eh ang dami kong report kaya di makapag sulat .. Sorry 😳😳
Sino kaya yung nakabunggo kay Leigh Julia bakit kaya parang sa dinami dami ng nakita niyang gwapo sa kanya pa na star struck si LJ .....
Hahahaha ABANGAN!!!
YOU ARE READING
Remembering You
Teen FictionThis Story is about a girl who will do what she can to find out where her brother is. A Lady who will do everything for her Friends. And a Lady that will Love HIM with all of her heart.