Matt's POV
nagulat kaming lahat ng marinig yung sigaw ni Ate Kee
Habang pinagmamasdan ko siyang umiyak gustong gusto ko siyang lapitan , patahanin at yakapin
Gusto ko siyang protektahan
Pero alam ko sa ngayon di pa pwede , pero sisiguraduhin kong darating yung araw na yun
Nawala yung tingin ko sa kaniya ng dumating na yung lalaking sinasabi nila Ate Lj
Tumakbo siya papunta kay Ate Keesha at ng makita siya nito yumakap agad sa kanya si Ate Kee
Gusto kong sabihin lahat ng mura na alam ko at hilahin si Ate Kee mula sa braso niya pero nung nakita ko yung mukha niya , nakita ko rin yung sakit na nararamdaman niya
*kinabukasan
"Kean gusto mo ba ulit pumunta kina Ate Kee?" Tanong ko
"Ako Matt ayaw ko , pero alam kong nag aalala ka sa kanya kaya tara sasamahan kita" saad niya at umalis na sa harap ko para maasikaso ng sarili niya at ganun din naman yung ginawa ko
Nagpaalam lang kami kina Kuya at umalis na
*dingdong
Di nagtagal bumukas yung gate at sinalubong kami ni Ate Lj
"Guys! Bakit kayo nandito?" tanong niya
"Si Ate Kee" tanong ko
"Wala eh umalis sila ni Mike di ko sure kung saan sila pumunta , pero kung gusto niyo pasok kayo tapos antayin niyo nalang siya , kung gusto niyo lang naman"
"Sige" sabi ni Kean at pumasok na sa loob
"Ohh! Hi Kean , Hello Lover boy" pang aasar ni Ate Faye ng makita ako
"Ate Faye alam mo ang epal mo , wala ka bang magawa " saad ko
"Sa ngayon wala, bat nga pala nandito kayo?"
"Nag aalala kasi kami kay Ate Kee" saad ni Kean
"Tsaka may gusto kasi akong malaman at alam kong pag sainyo ko tinanong yun di niyo sasabihin sakin" sabi ko , ngumisi si Ate Faye na ikinataka ko
"Ah! So na cucurious ka" sabi ni Ate Lj
"O nag seselos?" Mapang asar na sabi ni Ate Faye
"Yung totoo Matt ha! Curious or Jealous?" Dagdag ni Kean
"Anak ng Tokwa , pati ba naman ikaw Kean" saad ko
"Pwede namang both Matt , kasama yun sa choices"
Tinignan ko ng masama si Ate Faye dahil sa sinabi niya ang lakas niyo talagang mang asar ..
"Curious lang talaga ako .. Kung sino yung kuya, puntod ano yun , bakit may mommy at daddy eh diba may mama tsaka papa siya may kapatid pa siya.. Tsaka gusto kong malaman yung tungkol sakanila nung lalaki kahapon" pagpapaliwanag ko
"So both nga!" Sabay sabay na sabi nilang tatlo
"Anong both curious nga diba"
"Oo yung unang part , pero Matt yung last part na sinabi mo JEALOUS yun" sabi ni Ate Lj
"Ewan ko sa inyo bahala kayo sa buhay niyo" sabi ko at nahiga nalang sa sofa nila
Tumingin ako sa wall clock nila five na wala parin sila
Eh ang paalam namin kina kuya Steph hanggang five lang
"Matt nag text na sakin si Kuya Xander uwi na daw tayo" sabi ni Kean
Nagpaalam na kami kina Ate Faye at Lj
"Hatid ko na kayo sa gate"pag aalok ni Ate Faye
"Wag na Ate , jan ka nalang , isasara nalang namin ng maayos yung gate niyo" sabi ni Kean at sabay na nga kaming lumabas
Pagka bukas ko ng gate tumambad sa mukha yung Michael na naka dikit yung mga labi sa noo ni Ate Kee
'tss. kahapon nagyakapan kayo , tapos ngayon makikita ko hinalikan mo si Ate Kee
Nakatingin ako ng masama kay Michael at agad bumitaw siya kay Ate Kee ng maramdaman na niya yung presence namin ni Kean
"Matt , Kean" saad ni Ate Kee pagka lingon niya samin
Mag sasalita na dapat ako ng magsalita ulit yung best friend daw niya
"Alis na ko , mag iingat ka rin , at wag na wag kana ulit iiyak" sabi niya at sumakay na sa kotse tsaka tuluyan ng umalis
Tumingin ulit sakin si Ate Kee
"Bakit kayo nandito?" tanong niya
"Mangungumusta lang Ate" sabi ni Kean
"Ahh. Ganun ba , okay na ko .. Gusto niyo bang pumasok ulit sa loob"
"Hindi na pinapauwi narin kasi kami ni Kuya Xander eh" sagot ni Kean
"Okay lang bang maka usap ka saglit?" Saad ko at tinignan si Kean ng mauna-kana-sa-bahay-look at mukhang nagets niya naman dahil nagpaalam na siya kay Ate Kee
"Oo naman, tara" saad niya at nagsimulang maglakad
"San tayo?" Tanong ko
"Village Playground , tapos habang nag lalakad tayo simulan mo na lahat ng gusto mong sabihin at itanong mo na lahat ng gusto mong itanong"
"What happened to you in your past?" tanong ko tumingin siya sakin ng naka ngiti at sinimulan niya ikwento lahat..
--------------------------------------------
Alam kong ang iksi lang ng chapter na ito guys
Kailangan kasi talaga sa life yung nabibitin ka ..
Para naman nakaka excite!!
******
Ano kaya yung nangyare kay Keesha sa past niya ?
Bakit kaya sila nagkahiwalay ng kuya niya?
How does her life starts as Keesha Denice Salvador?
niceden04
Votes!
&
Comments!
are highly recommended
YOU ARE READING
Remembering You
Ficțiune adolescențiThis Story is about a girl who will do what she can to find out where her brother is. A Lady who will do everything for her Friends. And a Lady that will Love HIM with all of her heart.
