SETTING-UP

41 5 0
                                        

Stephen's POV

Bukas na yung graduation ni Jace kaya naman hindi na kami mag kanda ugaga sa pag aasikaso dito sa bahay ngayon , mamaya na rin kasi siya uuwi Kaya inaayos nanamin yung mga gagamitin bukas sila Xander nasa mall na , buti na nga lang rin at sabado ngayon walang pasok yung kaibigan nila Matt na si Keesha kaya tumulong siya sa pag gupit gupit ng mga pang decor para bukas ididikit nalang sa taas

"Ate ganito ba?" tanong ni Tyler na gumupit ng letter C

"Ayan ang cute , pwede na yan" sabi niya

"Kuya Steph anong oras ba dadating si Kuya Jace?"  tanong ni Kean

"mga 4 pm siguro andito na yun, kaya kailangan nating bilisan di niya pwedeng malaman tong ginagawa natin" Sagot ko

"Kuya , hindi ba tayo mahahalata kung walang sasama sa kanya bukas sa Graduation niya ?"

tanong ni Matthew at tumango naman sina Tyler at Kean , kaming lima lang kasi yung andito sa taas kasama si Keesha , infairness nga sa kanya kasi marunong siyang makisama ,at kung titignan mo siya parang mukha siyang masiyahin pero once na tumingin ka sa mga mata niya mapapansin mo na may lungkot siyang itinatago sa likod ng pagkislap nito..

"Kuya? , Hello~~ Kuya Steph , sinong sasama bukas kay kuya Jace"

Nabalik ako sa katinuan ng ulitin ni Matt yung tanong niya

"Huh? Ahh , ano kayo ni nalang ni Kean tapos kami ng bahala dito sa bahay"sagot ko

"Huh , eh pano sila Ate Keesha pati yung mga kaibigan niya" sabi niya na  napapatingin pa kay Keesha,

Kaya napatingin din si Kee samin habang nag didikit ng mga ginupit niyang pang decor sa cartolina

"Okay lang kami Matt alam ko naman na yung papunta dito , tsaka malapit lang naman eh and ahhmm , kuya Steph okay lang ba na tumulong kami nung mga kaibigan ko dito bukas?" Sabi niya , medyo nagulat naman ako , syempre bisita siya kaya nakakahiya , pero kailangan din kasi talaga namin ng kasama para mas mabilis yung pag aayos dito sa bahay tsaka mas maganda mag decorate ang mga babae pero kasi..

"Seryoso ka ?" Tanong ko

"Mmm - mm, please" pag mamaka awa niyang payagan ko siya

"Sure , salamat sayo" nakakatuwa tong batang to

"My pleasure , thank you din" sabi niya ng may malaking ngiti sa mga labi niya

'Kahit anong pagtago mo sa lungkot na nararamdaman mo Keesha di yan uubra sa mga psych na tulad ko

Nacucurious ako sa kung ano man yung bumabagabag sa kaniya , but infairness magaling siyang magtago ng lungkot niya..

Bumaba muna ako para mag ready ng lunch namin , yung tatlong nag grocery hanggang ngayon wala pa rin..

Zach's POV

Nandito kami sa SM ngayon para mamili ng mga gagamitin para bukas , okay na sana kami kaya lang..

"Uyy Kuya Xander wag na kayong magulo , bilisan na natin, baka magalit si Stephen pag inabutan pa tayo ni Jace" saway ko sa kanila na parang mga matatandang naghaharutan sa gitna ng supermarket, ang lalakas ng trip ng mga to eh , hindi nanaman siguro nagsipag inom ng mga gamot yan

Pano yung ginawa kasi nila kumuha sila ng isa pang cart tapos gagawin nila salitan silang sasakay tapos salitan sila ng pag sakay tapos yung isa habang hindi pa siya yung isasakay,  itutulak muna nung isa yung cart na gamit nila, muntik na nga silang makatama kanina eh..

Remembering YouWhere stories live. Discover now