Bad Trip

41 4 0
                                    


Faye's POV

pabalik nanaman ako sa classroom namin galing cr , nakaka asar

alam mo yung feeling bad trip ka na nga sa room tapos ihing ihi ka na may buset na bastos na babae pang gumawa ng kababuyan sa cr

Pagkapasok ko ng room umupo na ko sa tapat ng mag joa na to na sobrang lakas lang kung makapag landian sa school

Yumuko na lang ako ng maramdaman kong may tumabi sakin  , inangat ko yung ulo ko

"Hi!"

Sabi ng malaking tengang to , tss bat ba to tumatabi sakin diba dapat dun siya sa tabi ng joa niya baka mag selos pa yung babaeng haliparot na yun sakin eh , kung makadikit kasi daig pa yung linta eh

"Problema mo? Dun ka nga sa girlfriend mo , nanahimik ako dito eh"

sagot ko sa kanya at yumuko ulit

pipikit na dapat ako ng kalabitin nanaman niya ako

*poke poke

*sigh "hayy, ano ba yun masasapak na kita" hindi niya pinansin yung sinabi ko

" hindi ko siya girlfriend best friend lang " saad niya
Pero dahil sa sobrang antok ko hindi ko na siya masyadong pinansin pa
"Sige oo nalang"

Sabi ko at yumuko na

Pero ano daw best friend lang? Eh kung makapag harutan daig pa mga mag asawa eh

Hayy *sigh mga kabataan nga naman

Maya maya pa tumunog na yung bell

'Pambihirang prof  yan ilang linggo ng di nagpaparamdam

Umalis na ko ng room , pero bago ako tuluyang makalabas tinignan ko muna si Ethan at Nicole sobrang mag kadikit talaga sila totoo bang best friend lang yan?
bakit naman si Michael at Keesha di naman ganyan. Yun talaga masasabi kong best friends kasi saksi ako dun

Papunta na ko parking ng matanaw ko si Julia na nag aabang

"Problema mo Faye?"

"Wala inaantok lang ako tsaka sa room kasi namin may mga liberated"

Sagot ko nalang , totoo naman di ba mag best friend lang naman sila pero daig pa mag asawa

Maya maya pa dumating na si Kee kasama yung teka... ?

"Kilala ko kayo ahh
diba kayong dalawa yung kasama ni Kee kahapon sa clinic?" gulat na medyo excited na tanong ko

"Girls ano ba , interrogation lang ang peg ganun?" pag singit ni Kee , ang epal nito

"Keesha its okay , Hi im Matthew Go ,18 half korean" sabi nung matangkad na lalaki ang gwapo niya type ko pa naman yung mga lalaking may sharp jawline ,,, ooohhhh!!!!

"Im Kean Ramos , 18 blockmate namin si Keesha and you're right kami yung kasama ni Keesha sa clinic" sabi naman nung medyo maitim , oh blockmate pala

Buti pa si Keesha may mga kaibigan na, kung sino pang anti-social siya pa yung may mga kasama , puro lalaki pa

"And im Luhan Alcera , 20 " maiksing sabi naman nung isang lalaki na mukhang babae
Kaloka mas maganda pa siya sakin , kahit kay Alyssa yung sister ni Kee para sakin kasi yun talaga yung maganda eh

After nilang magpakilala pumasok na ko sa loob ng lamborghini ni Keesha

Maya maya pa pumasok na si Kee at inistart na yung sasakyan ,bat ba ang tagal ni Julia

Bumusina si Kee signal na sumakay na siya dahil kung hindi baka maglakad siya pauwi

maya maya pa pumasok na rin si Lj na parang nakita na niya yung kinabukasan niya

'haha itsura nito!

Pinaandar na ni Kee yung kotse at nakalabas narin kami sa campus grounds, pero yung mukha talaga ni Lj wala parin pagbabago

"Oyy bat ganyan itsura mo?"
tanong ko kay Lj na nasa shotgun seat , andito kasi ako sa likod nila , napatingin din si Keesha sa kanya

"Guys may sasabihin ako sa inyo"
sabi ni Lj na ang laki laki ng ngiti sa mukha

"Ano, bilis !"sagot ko

"Nakita ko na yung future husband ko iiiiihhhhh" sabi niya na kinikilig pa

eeehhhhcckkkk!!!!

at yun din ang dahilan kung bakit napapreno si Keesha at tinignan si Julia pero dahil sa lakas ng impact ng pag kapreno ni Keesha at saktong wala kaming seatbelt ni julia , kaya naman nauntog ako sa upuan ni Lj at muntik namang mauntog si Lj sa dashboard buti nalang at naitukod niya yung kamay niya kung hindi ospital abot nito

"KEESHA ANO BA PAPATAYIN MO BA KAMI?" Lj

"Aray ahh, dahan dahan naman , ang sakit !"  Sabay na pagrereklamo namin kay Keesha

Badtrip naman oh, mapapango pa ko nito eh , ang sakit talaga buti di nagdugo

"Sorry sorry nabigla lang , sorry talaga. Ito naman kasi eh anong future husband eh hindi mo pa nga kakilala yun eh" sabi nito kay Lj

"Makikilala ko rin siya , tsaka ganun sa mga drama di ba pag nakabunggo mo soulmate mo yun." inis na sabi nito kay Kee

"tss, ewan ko sayo, matanda ka na, kaya mo na yan"

sabi ni Kee at pinaandar na ulit yung sasakyan

~~~~~~~~~~

Remembering YouWhere stories live. Discover now