Ethan's POV
Ilang araw nalang graduate na kami , ilang araw na lang wala na siya
At ilanga araw na lang despidida na niya..
Sa totoo lang ayaw ko ng may paganun pa, kasi parang sinelebrate lang namin yung pag alis niya
Pero last bonding narin kasi yun na buo kami lalo na at may tatlong makulit na nadagdag sa grupo namin
Nakakalungkot lang talaga kasi hindi ko na siya makikita pag gusto ko
"Eh kung wag mo muna kayang isipin na aalis na siya para hindi ka ganyan?"
"Tss, ewan ko sayo Faye. Ano okay na ba yung gawa ko?"
"Masyadong malungkot para sakin pero okay na yan"
"Sure ka?"
"Oo nga, ang kulit"
Napansin konv bumulong siya pero hindi ko masyadong naintindihan
Sumulat kasi ako ng kanta para kay Nicole tapos pinarinig ko sa kanya kung okay lang ba..
"Excited na ko!"
Biglang saad niya kaya rin napa hinto ako sa pag strum ng gitara
"Buti ka pa naeexcite"
"Ang drama mo Goliath parang hindi naman kayo magkikita ulit nun, tsaka ang dami daming pwedeng paraan, anong silbi ng technology, tapos ang bilis pa ng net sa inyo, o pwede din namang mag move on ka na lang agad para walang problema di ba"
"Anong move on? Ikaw Trudis Liit ah ang dami mong alam"
"Puro ka kasi hugot, nakaka irita"
"At least may dahilan ako eh ikaw?"
"Oo na ikaw na dabes"
"Oh sapakan na yan oh! Hahaha" biglang pagsingit ni Lj
"San ka galing?" Tanong ni Trudis
"Jan lang naghanap ng makakain"
"Asan na na yung pagkain?" Tanong niya ulit
Ako naman tumitingin lang sa kung sino yung nagsasalita sa kanilang dalawa
"Syempre nakain ko na!" Sagot ni Lj at deretso sa taas
"Napakatakaw talaga ng babaeng yun"
"Siya lang ba? Ikaw rin naman eh, hindi ka nga lang tumataba. Pero Patay Gutom ka parin hahahaha"
Sinamaan niya ko ng tingin na kadalasang ginagawa ni Dylan
"Uyy, wag na wag ka ng sasama kay Dylan ahh"
"At bakit, kamukha mo na kasi siya eh"
"Ewan ko sayo ang panget mo, umuwi ka na nga papansin ka eh noh"
"Maya maya, mainit pa masyado sa labas eh, tirik na tirik yung araw" saad ko habang nakatingin sa labas
Bigla naman siyang tumayo at umakyat na rin sa taas nila at hindi nagtagal umuwi na rin ako
************
Thursday na ngayon, lahat sila busy na para mamaya
Pero ako halos hindi ko maigalaw yung katawan ko
YOU ARE READING
Remembering You
Teen FictionThis Story is about a girl who will do what she can to find out where her brother is. A Lady who will do everything for her Friends. And a Lady that will Love HIM with all of her heart.
