Chapter 6

2.6K 76 0
                                    

Jazmine's Pov

Niyaya niya akong bumaba, pagod na ako pero bumaba na ako, kasi ayokong mamiss kahit isang moment na kasama siya, Can this be Love!?...

"Ano naman ang gagawin natin dito?" tanong ko sa kanya, nakatayo kami sa harap ng fountain...

"Just wait a little bit" nakangiting sabi niya sa akin.

Di na ako nagtanong ulit kasi nga sabi niya just wait a little bit di ba?

maya maya Nakrinig ako ng malakas na Pagputok....

"Surprise!" sabi niya sa akin.

"Ang ganda..." may pa fireworks display pa tong nalalaman.

2nd year pa lang kami ha! pero ang mga surprises pang matured, sa bagay mayaman eh, wala namang hindi mabibili ang pera, maraming utusan yan kaya kayang kaya niyang gumawa ng mga bagay na katulad nito.

"Nagustuhan mo!?" tanong niya sa akin.

Tumango lang ako, Hinawakan niya yung kamay ko, di ko na sinubukang hilahin kasi may kakaibang kuryenteng dumaloy sa akin nung ginawa niya yun, para bang binuhay niya yung katawang lupa ko.

Nagstay kami dun ng mga ilang oras, di ako nakaramdam ng antok o kahit anong pagod kasi kasama ko siya, nagpaalam siya sandali sa akin, may bibilhin daw kasi siya...

Habang wala siya tumunog yung cellphone niya, naiwan niya kasi eh, tiningnan ko naman nakalock pero umilaw, di ko sinasadyang makita sa Notif... niya yung txt

*Happy birthday Bro!!!* txt galing sa kuya niya, kasi yun yung nakalagay eh,

"May problema b?" tanong niya, may dala siyang kape tsaka donut,

"Ah... may nagtxt sayo eh" sabi ko sa kanya,

agad naman siyang umupo sa tabi ko at binasa yung txt sa kanya, napangiti naman siya nung nabasa yun kaya nasigurado kong totoo nga,

"Happy Birthday!" tsaka ko siya niyakap, birthday gift ^_^

"Nakita mo?" tanong niya sa akin habang nakayakap pa din ako kanya.

Tumango na lang ako sa kanya, narinig ko naman yung pagngisi niya.

"Asan yung birthday gift ko!?" tanong niya sa akin,

humiwalay ako ng yakap sa kanya, "Niyakap na nga kita tapos, nagrereklamo ka pa?" pagsumbat ko sa kanya.

"Gusto mo rin ba ako?, isang sagot lang naman yung gusto ko, napakagandang birthday gift na nun..." sabi niya sa akin,

Matagal ako bago nakasagot, di ko alam pero gusto kong makasiguro kung tama ba yung magiging sagot ko sa kanya, napaNgisi naman siya...

"Di mo kailangang sumagot kung di mo pa kaya, Marami pa naman akong birthday na dadating eh," nakatawang sagot niya sa akin, pero halata ang panghihinayang niya doon.

matagal na akong may sagot diyan sa tanong niya, natatakot lang akong bitawan kasi di ako ready masaktan. Pero kung di ngaun kailan pa?

"Gusto din kita Gian!" di ako makatinging sabi ko sa kanya.

"Talaga!?, Whoo... sabi ko na eh! Best birthday gift ever baby!" nagtatatalon siya dun para siyang tanga, pero finally nasabi ko na!

Nakasakay na kami ngayon sa sasakyan niya, ihahatid na nila ako pauwi, at ito nanaman siya ang ingay ingay sa loob,

"Kuya Jack girlfriend ko na siya" pagyayabang niya.

"Hoy! anong girlfriend ka diyan? di mo pa nga ako nililigawan eh!" sigaw ko sa kanya, totoo naman eh, di pa nga nanliligaw eh.

"Pwede naman kitang ligawan araw araw eh," pagyayabang niya sa akin.

"At bakit!? binigyan ba kita ng permiso?" pagbabanta ko sa kanya.

"At bakit kailangan pa ng permiso kung nahulog ka na din sa akin?" sabi niya, napaka hambog talaga!

Tumahimik na lang ako sa buonh biyahe, At siya napagod na din siguro sa kalokohan niya kaya ayan nanahimik sa sulok at mas pinili pang kalikutin yunh cellphone niya, hello andito ako sa tabi niya.

Gian's Pov

Matagal ko naman ng alam na may gusto na rin sa akin si jazmine, gusto ko lang na sa kanya manggaling, at ayun binitawan na nga niya, sa mismong birthday ko pa talaga... party party!

"Bababa na ako!" sabi niya sa akin, di ko kasi napansin na nadito na kami sa tapat ng bahay nila busy ako sa katxt mate ko.

"Cge bye! see you tomorrow!" pagpapaalam ko sa kanya ng hindi siya tinitingnan,

Binalibag niya yung pinto ng kotse, mukhang galit nanaman si baby sa akin, hihihi... pero ok lang yun para sa kanya naman tong ginagawa ko eh.

Jazmine's Pov

Kainis! pagkatapos niyang malaman na gusto ko din siya ganun na lang? ahy... nagkamali nanaman ba ako? Pagpasok ko sa kwarto ko binuksan ko muna yung facebook ko, makikibalita lang ako.

Pero! mas lumala! humupa na yung news tungkol dun sa rape thingy ngayon naman...

Picture ko nung yakap yakap ko si Gian yung time na nalaman kong birthday niya,

NapakaFlirt talaga niya, Pati ba naman si Gian Seong nilalandi niya!

Caption nung picture namin.

Di na ako mananahimik ngayon! Kasama na si Gian sa usapan,

NagComment ako,
"Inggit lang kayo! kasi ako ang gusto niya at gusto ko din siya! mamatay kayo sa inggit!"  comment ko,

After nun pinatay ko na agad, bahala na sila diyan basta ang mahalaga, gusto naman ang isat isa...

Gian's Pov

Ngiting ngiti ako pagpasok sa bahay namin, ang saya saya, sinabi na din sa akin ni Jazmine yung matagal ko ng hinihintay sa kanya. Papunta na ako sa kwarto ko ng pamansin kong may meeting sa may sala namin ngayon, si mommy, si daddy at si kuya, seryoso yung pinaguusapan nila...

Di ko gusto yung mga titig nila sa akin...

"Have a seat my son" tawag sa akin ni daddy, at sinasabing umupo ako sa harapan nila...

Pumunta naman ako...

"Anong meron dito?" tanong ko sa kanila.

"Gian i know its your birthday but..." di na natuloy ni mom yung sasabihin niya dahil pinahinto siya ni dad.

"Gian tell me, may nililigawan ka ba ngayon? seryosong tanong sa akin ni daddy.

Sabi ko na eh, tungkol to kay Jazmine.

"Yes dad, and i want you to meet h..." sumabat agad si dad.

"I dont like Her, stay away from her!" maawtoridad na sabi niya.

What the Heck!!!




Till the Day that We Meet AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon